Not just your ordinary fangirl

992 11 0
                                    

Naaalala ko pa nung unang araw na nahuli mo ang puso ko, halos marinig ko ang lakas ng tibok nito.

Malakas ang buhos ng ulan non na halos hindi maaninag ang daan at tanging mga headlights ng mga sasakyan na dumadaan ang mapapansin mo. Patawid nako nun ng-- "Miss watch out!" Napalingon ako at bigla mo nlang akong hinatak at napasubsob sayo.

"Okay ka lang?" tanong mo. Hindi pa kita ganun kakilala pero sumpain man ako, yun yung unang araw na nakakita ako ng taong kasing gwapo mo.

Hanggang ngayon iniisip ko pa rin kung bakit nga ba kita tinakbuhan ng mga sandaling yun? Hindi sana ako ganito kalayo sayo at sigurado akong mapapansin o makikilala mo ko.
Nakatayo lang ako sa gilid at pinapanood kang nag pe perform sa stage. Hindi ko akalain na ganun ka pala kasikat. At sa four years na nakalipas ni minsan di mo man lang ako napansin.

Lage akong nakasubaybay sayo sa twing may show ka. Mapadito man sa school kahit sa other university.

Simula freshmen pa lang tayo fan na ako ng grupo nyo. Bukod sa magaling kayong kumanta, magaling din kayong sumayaw. Pero ikaw lang talaga ang hinahangaan ko sa lahat.

"Hi everyone! This afternoon event is our special treat para sa mga solid naming mga fans, since malapit na rin kaming umalis sa university. So are you ready?" Ani niya.

Siya kasi ang lead singer/vocalist ng group nila.
"So may na receive kaming letter last week and we would like to acknowledge ang sender na ito." Ani ng isa nilang ka grupo.

Letter? Bigla akong kinabahan sa announcement na yun.

"Here it go, guys babasahin namin.

'Dear PJ,

Naaalala mo pa ba nung unang araw na nakilala at nakita kita, it was near dusk at umuulan non, papatawid nako nun ng sumigaw ka, then I realized you just rescue me from the accident might happen that time. I'm sorry kung tinakbuhan kita at hindi man lang nag thank you sayo. But it was four years ago, but ever since then nagging solid fan na ako ng grupo niyo. I really admire you PJ I hope na maalala mo ko.

Love,

Not just your ordinary fangirl.'

Lamunin na sana ako ng lupa. Akin yung letter na yun, hindi ko akalain na babasahin pala niya dito sa event nila.

"Okay thank you kay Miss Not my ordinary fan girl, para sayo tung kantang toh." Ani niya.

At nagsimula na silang kumanta, yung Vulnerable ni Roxxette yung kinanta nila.

Ako lang ba o nag iillusyon lang ako ng mga oras na yon parang nakatingin lang sakin si PJ.

After nung show nila. Naglakad lakad na rin ako pauwi.

Napatingala ako sa taas dahil di na ako nababasa, may payong pala. Pero kanino? at Sino ang may mabuting loob na nagpasuno?

Humarap ako para tignan kung sino, halos manginig lahat ng katawan ko dahil siya yung may hawak ng payong.

"PJ?!" ani ko.

"Ikaw yun diba?" tanong niya.

"Not your ordinary fangirl?" Ani pa nito.

"Ahhmm.. Palagi kung iniisip all those years ngayon mo lang naisip yan, halos simula nung tinakbuhan mo ko, palagi na kung na cu-curious sayo. And di lang kita magawang lapitan noon kasi nga baka tumakbo ka lang papalayo. Pero nung nabasa ko yung letter mo, ngayon alam ko na kung bakit, coz you really admire me at nahihiya ka lang kaya ganun." Sabay ngiti niya.

Kung yelo lang ako natunaw nako sa ngiti niya. Pakiramdam ko namumula na rin ang mga pisngi ko.

"So Miss Jane Reyes, can I ask you for a date? Or else can I court you?" tanong nito.

"Alam mo pangalan ko?" tanong ko pabalik.

"Uo. Ever since nung tinakbuhan mo ko, inalam ko kung sino ka talaga." Sagot niya.

So matagal na niya pala akong napapansin kahit na ang layo-layo ko sa kanya.

"Yes or Yes?" tanong niya.

"Yes?" Sagot ko.

And then hinawakan niya ang kamay ko at sabay naglakad papalayo.

Akala ko hanggang doon na lang yun gabing tinakbuhan ko siya, pero may dahilan pala kung bakit at dito rin kami dinala pabalik ng tadhana kung saan unang nagsimula ang lahat.

-End-

One-Shot Story CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon