Chapter 3

10 1 2
                                    

Lance's POV

Nakita kong In-accept Nya na agad ang friend request ko. Kaya gusto kong I-chat sya pero Kinakabahan ako. Ayyysst! Eto nanaman yung kaba! Tanggalin mo na nga yan! Ito na ichachat ko na sya. Sana Sumagot sya.

Lance:Hi! :)

Humiga ako mula sa pag Kakadapa ko sa aking kama.

Tama kaya yon. Nakakahiya naman. Ang hirap naman nito. Bat kasi pinanganak akong ganito? 

Natigil ang pag iisip ko ng Biglang tumunog ang laptop ko.

Sophia: Hello! :D

Lance:Meron ka bang ginagawa baka na kaka istorbo ako?

Ayysst ano na tong pinagsasabi ko?! Hindi ko alam kung anong ire-reply eh.

Sophia: Hindi naman. Wala naman akong ginagawa eh.

Lance: Ah ganun ba? Ahhm sya Kamusta?

Tama yan kamustahin mo sya! Hahahahaha!

Sophia: Ito maayos naman. Kaso mag isa nanaman ako dito sa bahay.

Mag isa sya? Di kaya delikado yon?

Lance: Bakit?

Sophia: Umalis kasi yung parents ko. Natatakot tuloy ako dito.

Lance: Ahhh. Wag kang mag-alala. Kapag ka chat mo ko. Magiging safe ka lagi. :)

Ang baduy mo nanaman Lance Jyrille Sanchez!

Sophia: Haha! Sana nga! Teka eh. Ikaw kamusta?

Lance: Maayos naman. Lalo na't kachat kita. :)

Ano ba Lance? Bakit sa tuwing maiisip ko ang mga tinatype ko eh Huli na. Naisend ko na.

Sophia: Wag nga ako. Para Kang ano! Muka mo!

Natawa ako sa reply nyang yon.

Lance: Seryoso ako. :)

Diba ang weird na first day of class palang kanina pero pakiramdam kong hulog na hulog na ako sa kaniya. Ibang iba sya sa mga nagustohan ko ng babae ngayon. Parang sya ang babaeng ayaw ko ng pakawalan. Sana sya na.

Sophia: Hmmmn. Ok. Gusto ko ring ka chat ka. :)

Malaki ang ngiti ko ng isend nya sakin iyon. Para bang ayaw ko ng matapos ang oras na kausap ko sya.

Lance: Sophia alam kong ang weird kung sasabihin ko to ngayon pero I like you.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ngayon. Kung matutuwa ba ako dahil nasabi ko to o kakabahan ako kasi hindi ko alam kung anong pede nyang isagot kung "i like you din" or "sorry hanggang friends lang tayo". Sheyt! Masyado naman ata akong mabilis.

Sophia: I like you too. :)

Sophia's POV

Damn! Yung mga paro-paro sa mga tyan ko nag wawala! Tama sya ang weird ng sinabi nya kasi masyadong maaga. Pero kahit na ganon sobrang saya ko. Kasi he likes me too. I can't pretend na wala akong nararamdaman sakanya. Kaya sinabi ko na sa kanya ang tunay ko ring nararamdaman.

Nag hihintay ako sa reply nya. At eto na nga nag tatype na sya.

Lance: Talaga? Hhmmmn. I wan't you to know me more. Pede bang maging MU kita?

I want you to be HappyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon