Kakauwi ko lang galing school. Sa sakayan lang ako hinatid ni Lance kasi wala pa daw syang sasakyan. Sabi nya sakin kapag daw nag ka auto na sya ako ang una nyang papasakayin. At araw-araw hatid sundo nya raw ako.
Hindi parin ako maka-move on sa mga nangyari ngayon. Kahit na buong araw na may kaba sa aking dib-dib ay buong araw rin akong kinilig sa mga salitang lumalabas sa kanyang bibig.
Haaayyyssstt! Mag isa nanaman ako sa bahay. Tssss kahit na sanay na akong walang kasama dito natatakot parin ako. Lalo na kapag may naririnig akong balitang pinapasukan ng bahay tapos cha-chop chopin! SHIZ! Jusko wag naman po sana!
Ng biglang tumunog ang cellphone ko. Agad ko iyon tinignan at nakita kong si mama ang tumatawag. Sinagot ko iyon."Hello anak?" Bungad nya sa kin sa kabilang linya.
"Hello ma! Kamusta na po kayo? Miss ko na po kayo!" Panganganusta ko kay mama.
"Ito anak laging pagod dami kasing iniintindi. Pasensya ka na anak hah! Miss na miss ka na rin namin." Sagot ni mama sakin. "Ah nga pala anak. Nag padala kami diyan ng mga katulong. Baka mamaya ang dating dyan. Matatagalan kasi kami dito ng papa mo. Nag aalala kami kasi walang mag iintindi sayo dyan ng ayos kapag ikaw lang mag isa."
Malungkot at naging masaya ang reaksyon sa sinabi ni mama. Malungkot kasi matatagalan sila roon. At masaya kasi may mag aasikaso na saakin ng ayos at may makakasama narin ako rito sa malaking bahay sa wakas!
"Ahh ganon po ba mama?" May malungkot sa tono kog sabi."Ok po. Wag po kayo dyan mag papakapagod ng bongga! Nakakalurki mama kapag nalaman kong mag kasakit kayo dyan! Ang layo ko po kaya. Walang mag aalaga sainyo."
"Asus naman! Ikaw ang mag ingat riyan! At kami ang malayo saiyo." Sagot ni mama sa pag lalambing ko.
Bigla akong natihimik dahil sobrang miss ko na talaga sila. Sa daming beses nilang umaalis dito sa bahay mukang ngayon talaga sila pinaka mag tatagal.
"Anak andyan kapa?" Pag tatakang tono ni mama.
"Ahh opo mama." Agad kong sagot sa kanya.
"Ahhhmm anak may isa pa akong sasabihin at alam kong sobra ka ritong matutuwa!" Nagulat ako sa sinabi ni mama. Ano kaya iyon? Exciting!
"Ahhm ano po iyon ma?!" May pag ka excite kong tanong.
"Sina Lucy, Marcy, Patrine na mga babae mong pinsan at sina Charlie, Linus, Kenzo at Sam na lalaki mong pinsan ay uuwi diyan sa batangas. Para dyan na mag aral." Sabi ni mama na agad nag panganga ng aking bibig.
Shiz! Oohhmmyyyggghhhaadd! Natupad ang aking matagal ng panalangin.
"Nalaman kasi nilang mag tatagal kami rito at wala kang kasama dyan kaya agad nila akong sinabihan sa balak nila." Dagdag pa ni mama."Talaga mama! Yesss!!! Excited na akong makasama sila!" Masaya kong sabi kay mama.
"At isa pa! Sa school na pinapasukan mo sila nag enroll kasi gusto daw nilang mas mabantayan ka." Lalo lang nakakaexcite!" Hay nako hindi ko nga alam kung anong mga naisipan ng mga iyon." Pag tataka ni mama.
"I can't wait mama." Masaya ko pa lalong sambit.
"Ahh sige na. Papaalam na ako. Hintayin mo na lang dyan ang mga pinadala kong katulong. Gutom ka na ba? Kung hindi mo na sila mahintay. Mag luto ka nalang muna dyan." Ani mama.
"Hindi pa naman po. Sige po. Ma ingat po kayo diyan ni papa! Miss you!" Pag papaalam ko sa kanila.
"Ok miss you too! We love you! Hindi kana nakausap ng papa mo may inaayos pa kasi eh."
"Ok lang po pa kamusta nalang po kay papa. I love you too po! Bye!" Pag papaalam ko na ng tuluyan.
"Ok bye!" At ibinaba na iyon ni mama.
BINABASA MO ANG
I want you to be Happy
Teen FictionMay mahihirapan, may masasaktan, may maiiwan, may mag sasakrepisyo. Pag mamahalang madaming hahadlang. Pag mamahalang masarap sukuan. Pag mamahalang kailangang pag isipan. Pag mamahalang kahahantungan ng dalawang nag mamahalan. Ng dalawang mag sasak...