Chapter 7

4 0 0
                                    

Nakalipas ang isang linggo ay ganon parin ang nararamdaman ko araw-araw,kaba. Hindi ko parin nasasabi kayna Hannah ang kung anong meron kami ni Lance. Pero di parin nila ako tinitigilan. Sa sobrang daming tanong nila saakin ay daig pa nila si Detective Conan! Pero naiintindihan ko naman sila. Syempre mag kakaibigan kami kaya kailangan walang sekreto sa isa't isa kaya nga ang laki na ng kasalan ko sa kanila eh. Sasabihin ko naman din yon eh kaso di pa ngayon dahil ewan.

Nag lalakad na ako papunta sa classroom. Ako lang mag isa. Hindi ko kasi makita sina Hannah sa labasan kaya naisipan kong ako nalang mag isang mag lakad.

Habang nag lalakad ako ay napansin kong may sumusunod sa aakin. Kaya liningon ko ito.

"Lance?" Banggit ko sa pangalan nya ng nalaman kong siya ang na sunod sakin.

"Hey! How are you?" Lumakad sya sa tabi ko dahilan para mag sabay kami.

"Hey. I'm fine. You?"

"I'm fine too." Ani nya sabay ngiti saakin.

"Kanina ka pa bang sumusunod saakin?" Tanong ko sa kanya.

"Ahhmm oo. Pinapanuod kasi kita eh. Gusto ko lang kasing nasa likod mo ko para mababayan kita ng mabuti." Sagot nya sa tanong ko.

Ang weird non hah. Parang may kakaiba sa kanya ngayon! Pero kahit na ganon uminit ang pisngi ko. Ang kaninang mata ko na naka tuon sa kanya ay iniiwas ko para hindi nya mapansin ang namumula ko nanamang pisngi.

Narinig kong tumawa sya ng mahina. Tsss. Napansin nya nanaman. Pinalo ko ang kanyang braso ng malakas.

"Aaiisst! Sakit non ah." Reklamo nya sa ginawa ko.

"Eh kasi naman! Kung ano-anong pinag sasasabi mo dyan tapos pinagtatawanan mo pa ako!" Pag aalboruto ko.

Tumawa sya ng mas malakas sa kanina. Pero parang may mali talaga. Tinignan ko ang kanyang magagandang mata. Malungkot.

"Lance?" Tawag ko sa kanya dahilan para tumigil sya sa pag tawa.

"Bakit po?" Malambing nyang sabi.

"Ok ka lang ba talaga?" Inilagay ko ang likod ng palad ko sa noo nya at sa leeg. "Hindi ka naman mainit."

"Ano ba? Ayos lang ako Sophia. Nakakatawa pa nga ako eh!" Tumawa pa sya pero peke yon ramdam ko. "Oy! Jhon!" Tawag nya sa kaibigan nyang nakasalubong namin.

"Oy! Pre! Musta?" Ani ng kaibigan nya sa kanya."Oh hi! Sophia! Musta rin?" Sabi nya ng napansin nya ako.

"Maayos naman pre!" Sagot ni Lance.

"Ayos lang din ako!" Masaya kong sagot sa pangangamusta nya.

"Nandito na pala tayo sa classroom. Pasok na tayo?" Yaya samin ni Lance.

"Ahhh teka. May sasabihin lang ako sandali kay Lance, Phia hah!" Pag papaalam ni Jhon saakin.

"Ah sige!" Nag kunwari akong nakapasok na pero nag tago ako malapit sa kanila. Syempre baka kasi may kinalaman to sa pagiging malungkot ni Lance.

"Lance gagawin mo ba talaga yon?" Pabulong na tanong ni Jhon.

"Jhon, oo, ayaw kong mapahamak sya ng dahil sakin." Bulong din na sagot ni Lance. "Jhon alam kong masasaktan ko sya sa gagawin ko pero mas masasaktan sya kapag di ko gawin ang kailangan kong gawin." Dagdag pa nito.

Yun lang ang narinig ko sa kanila dahil may kumalabit saakin.

"Hoy! Anong ginagawa mo dyan?" Anong saakin ni Hannah.

"Shhhhh!!!" Pag saway ko sa kanya. Sabay lagay ng index finger ko sa labi ko.

"Anong sshhhh!?" Pag tataka nya at nag pameywang pa.

I want you to be HappyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon