Natapos ang buong klase namin ng hindi pa rin natatanggal sa isip ko ang mga sinabi sakin ni Lance. Habang sinasabi nya yon gamit ang mga nakakaaikit nyang mga labi ay ramdam kong lumulutang ako sa kinauupuan ko.
"Sophia, anong favorite mong kulay?" Biglang tanong sakin ni Lance habang inilalagay ang mga gamit nya sa bag nya.
"Hah? Bat mo bigla naitanong?" Pagtataka kong tanong.
"Wala lang. Sagutin mo na lang." Sabay kindat at ngiti sakin. Pinakita nya nanaman ang perfect dimple nya.
"Ahhhmmm... Yellow." Sabay ngiti rin sa kanya.
"Bakit yellow?" Tanong nya sakin.
"Kasi maganda at maaliwalas sa mata." Pagpapaliwanag ko.
"Sabagay, bagay sayo ang yellow. Maganda at masarap ka kasing titigan." Kindat nya ulit sakin. Ewan ko kung bakit ganon yung mata nya. Napupuwing ba to?
"Ala huy! Bilisan mo na dyan! Matatadyakan na talaga kita." Tatawa-tawa kong sabi.
"Ok po ma'am! Ma'am sabay tayong umuwi? Pede ba?" Pang yayaya nya sakin.
"Sige sasabihin ko lang kay Anne at Hannah." Sabi ko sabay ngiti at humakbang papunta kayna Hannah.
Sana naman walang malisya sa kanila to. Pero sa mga eksena kanina imposibleng mawalan ng malisya ito.
"Mga bess! Hindi muna ako sasabay sainyo. Nag yaya kasi sakin si Lance na sya na mag hahatid sakin." Pag papaalam ko sa kanila.
Pinanliitan nila ako ng mata at sabay nag buntong hininga.
"Sophia, meron na ba?" Tanong ni Hannah na agad nagpakunot ng noo ko.
"Anong pinagsasabi mo?" Nag tataka kong tanong.
"Sagutin mo nalang kasi." Pagpipilit ni Anne.
"Anong sasagutin ko eh hindi nyo naman linilinaw?" Sabi ko sa kanila.
"Meron na bang something sa inyo ni Lance?." Tanong ni Hannah, dahilan para umawang ang bibig ko at humagalpak ng tawa. Sabi ko na nga ba eh. Hindi talaga maiiwasan ito.
Kumunot ang noo nilang dalawa dahil sa tawa ko.
"Ano ba kayong dalawa?! Friends lang kami no!" Pag papaliwanag ko habang humahagalpak parin ng tao.
"Pero ano tong mga nakikita kong harutan nyo tapos ngayon ihahatid ka nya?" Tanong nya parin.
"Haaayysstt!! Sige na una na kami! Baka mainip yon." Bulong ko sa kanila.
Hindi parin mawala sa muka nila ang pag tataka.
Bumalik na ako upuan ko para sabihan si Lance na aalis na kami at para kuwanin ang bag ko.
"Bakit ang tagal mong mag paalam kayna Hannah?" Pag sisimula nya saamin habang nag lalakad na kami patungo sa gate ng school.
"Nag tanong sila tungkol saatin. Kung may something na ba daw." Tatawa tawa kong pag papaliwanag sa kanya.
"Anong sabi mo?" Tanong nya ulit sakin.
"Wala sabi ko mag kaibigan lang tayo." Sagot ko sa tanong nya.
"Ahhhh. Para sa kanila mag kaibigan pero para sakin mag ka-ibigan tayo." Biro nya kaya sinapak ko sya sa braso.
"Pag may nakarinig sayo! Tumahimik ka nga! Dahan dahan ka lang. Dadating din tayo dyan." Natigilan sya na parang may narinig na magandang balita sabay tingin sakin dala ang nakakaloko nyang ngiti. Tsaka ko lang narealize yung sinabi ko kaya napatakip ako ng bibig.
Nakakahiya! Ang init na ng pisngi ko!
"Hhhmmmn! Aasahan ko yan!" Masaya nyang sabi sakin at biglang ngiti ng malaki. "Your blushing again!"
BINABASA MO ANG
I want you to be Happy
Ficção AdolescenteMay mahihirapan, may masasaktan, may maiiwan, may mag sasakrepisyo. Pag mamahalang madaming hahadlang. Pag mamahalang masarap sukuan. Pag mamahalang kailangang pag isipan. Pag mamahalang kahahantungan ng dalawang nag mamahalan. Ng dalawang mag sasak...