Natapos ang sandaling iyon ay napag desisyonan ko ng pumunta sa canteen. Habang nag lalakad patungo doon ay madaming pumapasok sa isip kong mga tanong. Paano kapag ayaw nya na sakin? Pano kung layuan nya na ako? Pano kung may iba na syang gusto? Pano kung binola nya lang ako? Pano kung linoloko nya lang ako?
Sa dami ng iniisip ko ay hindi ko napansin na nandito na pala ako sa harapan ng canteen. Agad akong pumasok at hinanap ang mga pinsan ko. Maya maya pa sa haba ng pag hahanap ko dahil sobrang laki at daming isdudyanteng ay nakita ko na ang mga pinsan kong kumakain at nag uusap gamit ang ibang lungwahe. Italian iyon dahil sa italy sila tumigil ng matagal ay nasanay na siguro silang mag usap-usap ng ganoon.
"Oy Sophia andyan ka na pala?" Salubong kaagad sakin ni Patrine."Halika dito ka. Ibinili ka nanamin ng pag kain." Sabi nya sabay turo pa sa pagkain katabi nya.
"Naku salamat. Dapat di na." Usal ko sa kanila.
"Anong di na? Edi kapag di ka nanamin ibinili ay bibili kapa kapag punta mo dito. Anyway sige kumain kana. Baka di mo pa yan maubos." Ani Patrine.
"Hhmmm ok salamat." Sabi ko sa kanila at ngumiti."Nga pala anong pinag uusapan nyo. Tsss. Naiingit ako sainyo eh gagaling nyo na."
"Hehe. Wala lang tungkol dun sa kaibigan namin sa italy." Usal ni Marcy. "Ikaw kasi eh. Dapat dun kana lang din kasabay namin."
"Parang ang hirap naman kasi." Pag mamaktol ko.
"Hindi naman." Ani Patrine.
"Gusto mo sumama ka samin pag katapos natin mg grade 8. Babalik kasi kami don." Pag aalok ni Charlie.
"Charlie, bakit sinabi mo kaagad?" Tanong ni Marcy kay Charlie.
"Teka babalik agad kayo don?" Pag tataka ko. "Ayaw nyo ba dito?"
"Hindi naman sa ayaw. Mas gusto kasi namin ang buhay doon." Pag papaliwanag ni Patrine."Doon na kami lumaki at nandon din ang iba nating kapamilya." Dagdag pa nito.
"Masarap ang buhay dun, Sophia." Usal ni Charlie.
"Kung ako sayo Sophia ay sasama na ako sa pag balik roon." Patango tango pang sabi ni Marcy.
"Oh sige pag iisipan ko." Napangiti agad si Marcy at Patrine at tumango naman si Charlie." Ops pero wag kayong aasa, hehe masasaktan lang kayo."
Tsss parang natamaan ako sa sarili kong hugot.
"Teka asan ba sina kuya sam?" Napansin ko kasing sila nalang ang hindi nag papakita sakin.
"Si ate Lucy at Kuya Linus ay mag kaklase sa 10-wisdom." Wait ang taas ng section na yon ah? Wow! daig pa nila ang exchange student.
"Talaga ang taas non ah!" Hindi na wala sa muka ko ang pag kamangha sa sinabi ni Marcy.
"Tsss. Di ka pa nasanay. Sa sobrang talino ng mga yon." Umirap pa si Charlie sakin. Tss suplado. Inirapan ko rin sya.
"Tapos si Kuya Kenzo ay nasa Grade 9- Einstein." Seryosong sabi ni Patrine. "Manang-mana talaga sa kuya nyang si Linus."
Oo nga pala si Kuya Linus at Kuya Kenzo ay mag kapatid. Pero hindi sila nag kakasundo sa iisang bagay lagi silang nag tatalo. Meron silang isang kapatid na babae yun naman si Ate Sally naiwan ata sa italy kasi College na sya ngayon dun ata mag tatapos.
"At si Kuya Sam naman ay nasa 9- Zara" pag papatuloy ni Marcy na parang may pagka dissapointed ang tono. Pano ba naman? Eh sa grade 9, Zara ang pinaka mababang section.
Si Kuya Sam naman ang pinaka chickboy. Basagulero rin ang isang to. Hindi ko lang alam kung ano ng pangugulo ang ginawa nya sa italy. Kasi nung grade 6 sya dito ay sobrang daming nakakaaway nito. Kabaligtaran sa nakababata nyang kapatid na si Charlie, ito naman ay sobrang bait, medyo suplado nga lang. Hindi masyadong katalinohan. Pero may isip naman.
BINABASA MO ANG
I want you to be Happy
Teen FictionMay mahihirapan, may masasaktan, may maiiwan, may mag sasakrepisyo. Pag mamahalang madaming hahadlang. Pag mamahalang masarap sukuan. Pag mamahalang kailangang pag isipan. Pag mamahalang kahahantungan ng dalawang nag mamahalan. Ng dalawang mag sasak...