Hindi lahat ng taong kinakasal nagmamahalan. Maraming ina-arrange lang. Pero di tulad ng isang Korean junior model na si Alleah Pauline o mas kilala sa pangalang Pauline Park na sa di inaakalang pagsha-shopping sa mall ay nakilala ang lalaking makak...
Eto naman ginagawa ko tuwing weekends eh. Shopping.
Naglalakad-lakad lang ako nung may bigla humila sakin.
"Miss! Ikaw yun di ba?"
Napatingin ako sa tinuro nya na screen. The f! Ako nga...
Bigla namang may nagsalita sa speaker.
"Paging Alleah Pauline Park" biglang nagtilian yung mga nakapaligid sakin kaya hindi ko alam saan ako pupunta.
Oo, hindi sa mayabang ako pero medyo sikat ako kaya kilala ako ng mga tao. Ako si Alleah Pauline Park. Mas sikat ako sa Pangalang Pauline Park. Korean model. Junior model actually.
Nakadating kami sa gitna ng ground floor.
"Miss, pumunta ka na dun sa gitna!!"
Sigaw pa nung mga taong nakapaligid. Anong kalokohan ba to? Hindi ko naman birthday.
Aish! Ewan!
Bigla namang may tumugtog. Confession song ng GOT7. Favorite ko to. Nakakakilig kasi.
Bigla namang may naglakad papalapit sakin.
Naka-polo sya at tie. Malayo pa lang sya nafe-feel ko ng may mali.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Pag lapit nya namangha ako.
Ang gwapo nya.
Lumapit sya sa tenga ko at may binulong.
"Go with the flow kung ayaw mong madamay pa"
Ano? Biglang nagtaasan ang mga balahibo ko sa katawan. Anong sinasabi nya?!
Bigla naman syang lumuhod sa harap ko.
Ano to? Magpo-propose ba sya?
"Pauline Park, will you marry me?"
Unang pumasok sa utak ko yung sinabi nya.
Sh*t I have no choice but to answer this.
"Yes" tumayo sya at niyakap ako. Bigla namang nagtilian ang lahat ng nasa paligid.
"Let's go!" bulong naman nya sakin.
First of all, should I even need to listen to this guy? I don't even know him. Well sinagot ko nga sya eh. Which means sumunod na ko sakanya. Bahala na.
Nag-lakad na kami papalayo sa mga taong nakapaligid samin kanina.
Habang palayo kami ng palayo nababawasan na ng mga tao.
Hindi ko naman namalayang umabot na kami sa Starbucks.
Umupo agad kami.
Tumayo naman sya bigla para pumila. Ililibre nya ba ko? Baka?