18-Baby

205 13 0
                                    

Pauline's POV

"Paul!" Sigaw nung direktor kaya agad naman akong bumalik sa sarili ko.

"Are you ok?!" Medyo badtrip na sya. Sa totoo lang nahihirapan akong mag-focus. Simula nung huling usap namin ni James, na hindi naman maganda, medyo nahirapan na kong mag-focus sa comeback ko at naging preoccupied ako these days.

Kinausap ni Bec si direk at agad namang lumapit si Bec sakin.

"Paul, are you ok? Malapit na yung comeback mo. You're always preoccupied lately"

"Bec, si James kasi-"

"Forget about him. You're ruining your career  for him? Paul, wake up, this has been your dream since you were a child. Now, you're giving it all up for one guy?"

Bumalik na agad sya kung nasan yung mga staffs.

Naiwan ako dito. Hindi ko alam pano ko ipo-proseso sa utak ko yung mga nangyayari.

Flashback

"Paul, baka mas mabuti kung maghi-hiwalay na tayo-"

"James! Stop it!" Niyakap ko naman sya. Alam kong hindi namin kailangang maghiwalay. Hindi namin to kailangang gawin.

"Paul, it's for your own good. It's not me who wants this to happen"

"James. Hindi natin kailangang gawin to. Kaya naman natin tong ayusin eh"

"Paul, hindi natin to kayang ayusin. Ako na ang nagsasabi"

Tinitigan ko sya sa mga mata nya. Alam kong hindi nya to gusto. Alam kong nasasaktan rin sya sa nangyayari.

End of flashback

I really don't know kung ano na ang gagawin ko.

Mukang seryoso sya sa mga sinabi nya. Hindi ko sya nakakausap for the past few days dahil na rin sa comeback ko.

---
Nasa backstage na ko ngayon. Ngayon na yung comeback stage ko.

Nung lumabas ako sa stage ay nagtilian ang mga tao. Nakakatuwa, ang sarap pa rin sa pakiramdam, pero hindi ko pa rin magawang tanggalin si James sa utak ko.

Nung nagsimula na kong kumanta ay mas naghiyawan ang mga tao.

Habang kumakanta ay naramdaman kong nahihilo na ko. Tinuloy ko ang pagkanta hanggang sa hindi ko na alam ang sunod na nangyari.

---
Pagdilat ko ay puti lang ang nakikita ko. I knew that they brought me to the hospital.

Kinausap ni Bec yung doctor and stuff. Medyo ok na yung pakiramdam ko.

Nung may pumasok na nurse para i-check ako ay medyo natuwa sya. Fan ata sya? Ngayon ay kaming dalawa lang nung nurse dito sa room.

"Miss Paul, pagaling po kayo. I really love your songs" ngumiti-ngiti pa sya.

"Ay miss Paul, pakisabi po kay James na magpagaling. Hindi kasi ako na-assign sa room nya pero blessed naman po ako na sa inyo ako na-assign"

Nagulat ako sa sinabi nya. Matagal na talaga kaming hindi nagka-usap.

Umalis na sya. Sakto naman ay pumasok si Bec. Agad ko syang tinanong.

"Bec, alam mo ba kung anong nangyari kay James?"

Tinitigan nya lang ako at hindi sya sumasagot.

"Paul, I can't tell you right now. We have a bigger prob-"

"Tell me!"

"Paul, buntis ka" mabingi-bingi ako nung narinig ko ang mga salitang yon.

"Paul, kailan pa?" Kahit sya ay halatang gulat.

"Hindi ko alam"

"Paul, hinimatay ka dahil sa over fatigue pero hindi naman namin alam na buntis ka"

Hindi ako makapaniwala. Wala namang masamang may nangyari samin dahil kasal na kami pero ngayon ko pa nalaman na buntis ako, kung kailan nagkakalabuan kami ni James.

---
Napag-usapan namin na tatapusin lang namin yung promotions for this comeback at eventually ia-announce rin sa public na buntis ako.

---
Umiksi ang promotions dahil sa buntis ako.

Oo, sumasagi rin sa isip ko kung ano na ba ang nangyari kay James. Alam na ng public na buntis ako kaya imposibleng hindi nya alam na may anak na kami. Sinubukan kong kausapin si Theo pero pareho kaming walang oras. May comeback din kasi ang Dark Night. Isa lang naman ang makakasagot sakin kung nasaan si James ngayon, I mean, kung nag-uusap pa sila edi more or less ay alam nya kung nasan si James. Nakapag-isip na ko at kailangan ko syang makausap. Kailangan kong hanapin si Natalie.

Forced To Marry A StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon