Hindi lahat ng taong kinakasal nagmamahalan. Maraming ina-arrange lang. Pero di tulad ng isang Korean junior model na si Alleah Pauline o mas kilala sa pangalang Pauline Park na sa di inaakalang pagsha-shopping sa mall ay nakilala ang lalaking makak...
Makikipagkita ako ngayon kay Natalie. Galing kasi syang ibang bansa so napag-isipan naming magkita ngayon.
Pag dating ko sa restaurant nandun na sya.
"Cous!" Sigaw naman nya tapos niyakap nya ko.
"Kumusta na cous?" Tanong ko naman sakanya.
"Ayun, ok lang naman. Boring naman buhay ko eh. Eh ikaw cous?!" Sabi naman nya na excited na excited.
"Balita ko asawa mo na yung matagal mo ng mahal. Cous I'm so happy for you guys" sabi naman nya at pumapalakpak-palakpak pa.
"Cous, alam ba nyang--" naputol naman yung sasabihin nya nung may nagsalita.
"James?" Sabi nya sabay tingin sakin. Naka-shades sya.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Napatayo naman kami pareho ni Natalie.
"Pauline Park!!! Hi!! I'm a big fan!!" Sabi naman ni Natalie at bigla pang naningkit ang mga mata nya.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"I'm Natalie Wang. James'-"
"Ex" singit ko naman agad.
Tinignan ko agad ng masama si Natalie para tumahimik sya. Mas matanda ako sakanya kaya siguradong susunod sya.
"Yeobo, I hope you don't mind na naguusap pa rin kami. I mean, past is past after all"
"I don't. I really don't" ngumiti naman sya ng medyo pilit.
Alam kong medyo naiinis na sya pero may rason naman ako kung bakit ko ginagawa ang lahat ng to.
"Mauna na ko, James" sabi naman nya tas ngumiti sya ng konti.
"Bye Paul!" Habol naman ni Natalie. Buti na lang at walang nakarinig sakanya. Ano ba naman kasing ginagawa ni Paul sa ganitong lugar.
Nung tuluyan ng nakaalis si Paul ay bigla akong binatukan ni Natalie.
"Ano yun ha?!" Inis nyang tanong.
"Cous, it will be easier this way"
"Cous, time will come na kailangan mong sabihin ang lahat sakanya"
Napaisip naman ako sa sinabi nya. May point nga naman sya.
"Cous, you better tell her about your--"
"I can't"
"But you'll lose her this way. Masyado kang swerte at napakasalan mo ang isang idol"
"Oo maswerte ako. Pero hindi ko na naman sya makakasama pa ng matagal"
Pauline's POV
Agad akong umalis dun sa restaurant. Pumara ako ng taxi at nagpahatid ako papunta sa bahay.
Nagpaalam ako kay Bec na aalis ako ngayon kaya ok lang na maglakwatsa ako ngayon, hindi ko rin naman alam na makikipagkita si James sa ex nya.
Oo nabi-bitter ako ngayon. Nakipagkita lang naman yung asawa ko sa ex nya at hindi pa sya nagpaalam.
Hindi ko naman sya pinipilit na sabihin sakin lahat ng pupuntahan nya at kung sinu-sino yung makakasama nya pero in my position? Tell me, hindi ba dapat ako nasasaktan. Sadya lang ata akong selosa at sensitibo.
Hindi ko naman napansin na unti unti ng tumutulo ang mga luha mula sa mata ko. Naka-taxi naman ako at naka-sunglasses. Wala naman sigurong paki yung driver.
Napatingin ako sandali sa bintana.
Para bang hindi ako pamilyar sa lugar na to? Hindi ito yung daan papunta sa dorm ko.
"Manong bababa na po ako dito" mas kinabahan ako nung hindi nya ko pinansin at hindi nya itinigil yung taxi.
Sa sobrang pagpa-panic ko ay naghanap agad ako ng paraan para makababa. Dahil di ikot yung pang-control ng bintana, agad kong inikot yun at sumigaw ako para humingi ng tulong.
Agad na itinigil nung driver yung taxi sa lugar na medyo matataas yung mga dahon.
"Aba't!-" sabi pa nya bago ako itulak palabas ng sasakyan. Oo, natatakot na ko, kanina pa.
Medyo madilim na at hindi ko pa alam ang pakay nitong driver na to. Ayokong mag-isip ng kahit na anong masama pero pano ko gagawin yon?
"Wag po!" Umiiyak na talaga ako. Hawak nya ang magkabilang wrist ko habang nakahiga na talaga ako sa sahig.
Nagulat ako nung bigla nya kong sinampal. Siguro dahil na rin sa kakaiyak kanina ay drained na ko.
Unti unti naman nyang tinaas yung damit ko na para bang huhubaran nya ko. Wala na kong nagawa kundi umiyak ng umiyak. Sinubukan ko syang sipain at nagawa ko naman. Sa tyan lang sya tinamaan pero sinubukan kong tumakbo habang masakit pa yung pagkakasipa ko sakanya.
"Tulong! Tulungan nyo ko!" Hirap na hirap akong magsalita pero sinubukan kong sumigaw habang napapahagulgol na lang ako sa nangyari.
Nahabol nya ko at itinulak kaya napaupo na lang ako sa sahig.
Napapikit na lang ako habang humahagulgol. Hindi ko na alam ang gagawin ko.
Nagulat ako nung biglang may humawak sa balikat ko. Sinubukan kong dumilat at hindi ko maipaliwanag ang nararandaman ko.
Nakatitig sya sakin ngayon. Looking all worried. Nakaluhod sya sa harap ko para maging pantay kami. Hindi ko alam pero nayakap ko na lang talaga sya. Nakita ko ring nakabulagta na yung driver sa may damuhan.
"The-Theo. Tha-thank you" hirap pa rin akong magsalita habang umiiyak.
--- I stayed in Theo's car. Nasa loob sila nung driver, sa may prisinto. Hindi ko magawang pumasok dun. Si Theo na daw ang bahalang mag-explain. Naramdaman ko lalo yung pagod. Hindi ko na alam ang nangyari pero unti unti na kong nakatulog.