13-Hot

200 14 0
                                        

Parang ang bilis ng panahon. Nakabalik na agad kami sa Pilipinas. Pinag-hahandaan ko na yung first album ko. Since naging ok naman yung mini album ko, napag-desisyunan namin na gunawa na ng first album ko.

May vocal lessons ako from 7:00-10:00.  I still have to take vocal lessons kahit nag-debut na ko.

Nung dumating na yung vocal teacher ko nag-start na agad kami. Nag-congratulate pa sya na kinasal na kami ni James.

I'll say, mas malakas na talaga ang dating sakin ni James. Siguro nga kaya mabilis akong nakapag-desisyon na magpakasal na kami ay dahil mahal ko na talaga sya.

Our class didn't seem long dahil hindi ko naramdaman na tapos na agad ang lessons. May pinapa-practice sakin na kanta. Yun ang main track ng first full album ko.

Pagkatapos non ay dinala na ko ni Bec sa lugar kung saan ako magpho-photoshoot. Sa totoo lang wala pa kong kain simula kaninang umaga.

"Paul, eat that" nakita ko naman yung laman ng paper bag.

Coffee and pancakes. I can bear it anyways. Kung ito lang kakainin ko, ok na to kesa sa wala.

Dahil matagal ang drive papunta don, naubos ko na yung binili nyang pancakes. I saved some of the iced americano for later. It's large, anyways.

Nakaset-up na ang lahat pag dating namin don.

1:30 na. Mukang matagal matatapos ang photoshoot.

Binigay na agad sakin nung stylist yung isusuot ko. Nung nakapag-bihis naman ako ay pinaayos na yung buhok ko. Dahil matagal-tagal ang pag-aayos ng buhok ko ay kinausap ako nung hair stylist ko.

"Miss Paul, kumusta po ang honeymoon?" Kumusta nga ba? Hindi ko inexpect na may magtatanong sakin ng ganon.

"Huh? Ah ayos lang"

"Ano yung itsura nung ano" sabi naman nya habang pataas-taas pa yung kilay nya.

"Ano?" Inosente ko namang tanong.

"Yung-" sabi naman nya sabay tingin pababa.

"Walang nangyari samin"

"Ang tagal nyo dun tas walang nangyari?"

"Yup" sagot ko naman.

"Pero nakita ko yung abs nya" dagdag ko naman bigla.

Flashback

"Yeobo, are you done taking a bath?" Tanong ko naman.

Medyo malaki kasi tong pagste-stayan namin. Pero isa lang yung kama so magkatabi kami kagabi. Nauna na syang naligo kesa sakin. Nasa may dining table ako ngayon. Sinubukan kong aliwin ang sarili ko habang naghihintay sakanya. Nung bore na bore na talaga ako tumayo ako sa kinauupuan ko at pumunta sa may kama.

"Yeobo" sabi naman nya habang nagpupunas ng buhok, actually towel lang ang nakabalot sa bewang nya pababa. Kitang-kita yung abs nya.

Yung sa mga drama, ganon na yun eh.

"Yeobo, are you trying to seduce me?" Sabi naman nya bigla. Hindi ako makapaniwalang sa tabi ako nito natulog kagabi.

"Asa ka" sabi ko sabay bato sakanya ng isang unan.

"Yeobo!" Sabi nya sabay tawa na may pagka-hot.

"Bumalik ka nga sa banyo! Dun ka magbihis!"

"Kasal na naman na tayo eh" bigla naman syang lumapit sakin kaya napalunok ako.

Napaatras ako sa ginawa. Actually nakaupo na kasi ako talaga sa kama.

End of Flashback

"So walang nangyari?!"

"Wala talaga"

"Hays, anyways, your hair is done"

Minakeup-an na agad ako.

Almost an hour din ako minakeup-an.

---
Kagaya ng inaasahan, ang tagal nung shoot.

6:00 na. Hay, wala pa kong maayos na kain sa araw na to.

I'm actually kind of getting the hang of being an idol now.

Pwede na daw akong pumunta ng dorm.

Since bawal naman akong lumabas ng mag-isa dumeretso na ko sa dorm.

Pagod na pagod ako. Umupo agad ako sa sofa.

Bigla ko namang nakita si James. Napailing na lang ako, epekto to ng hindi pag-kain eh.

"Yeobo, we can eat dinner now" sabi naman nya sabay hawi ng buhok ko.

So it was really James.

"You look tired, how was your day?"

"Ako munang magtatanong sayo, bakit ka nandito?"

"To see you" pilosopo amputik oh.

"Psh. Nung umaga may vocal lessons ako tas nung hapon may photoshoot"

"Go change now before we eat dinner"

Napatingin ako sa dining table at may pagkain na ngang nakahanda.

Nagpunta na ko sa kwarto at nagpalit ng pambahay.

---
"Yeobo, would you wanna watch Dark Night's reality show?"

"Oo nga no, di na ko nakakahabol sa episodes..."

"Don't worry, meron ako lahat nung episodes"

"I remembered, I still need to practice the main track of my first full album"

"Then let's not watch"

"Ehhh...pakopya naman nung episodes oh"

"Kiss muna"

"Why so stubborn?!"

"Baka mamaya mag-fangirl ka na lang sa Dark Night at hindi mo na ko mahalin"

"Psh. Nonsense"

"I love you, yeobo"

"Tse!" Na-disappoint sya ng konti pero binuksan pa rin nya yung laptop. Binigay na nya sakin yung isang earbud.

Nung nag-play ay tahimik na agad kaming dalawa.

Tinanggal ko naman yung earbud na nasa tenga nya para sabihin ang mga salitang "I love you too, yeobo" sabay halik sa labi.

Forced To Marry A StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon