Hindi lahat ng taong kinakasal nagmamahalan. Maraming ina-arrange lang. Pero di tulad ng isang Korean junior model na si Alleah Pauline o mas kilala sa pangalang Pauline Park na sa di inaakalang pagsha-shopping sa mall ay nakilala ang lalaking makak...
Dark Night was busy with their schedule but I had a chance to ask Theo about Natalie. Tinulungan naman nya ko, so I am atleast thankful.
Nauna na ko sa meeting place namin ni Natalie, simpleng coffee shop lang naman sya.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Agad naman syang dumating kaya hindi ako naghintay ng matagal.
"Paul, hey!" Bati naman nya.
Alam naman naming pareho ang pakay ko kung bakit ako nakipag-kita sakanya.
Umorder na muna kami bago kami nagsimulang mag-usap.
(Listen to Voice of My Heart by Infinite while reading)
"How's the baby?"
"Ok naman"
"So, I'll go straight to the point, are you and James still hanging out? Can you tell me kung nasan sya?" Agad kong sabi.
"Paul, I'll clear everything, I know I'm not in the right position to tell you this"
"Alam kong naospital sya. Nung nadischarge ako ay walang gustong magsabi sakin kung nasan sya. Na kung ano ba talaga ang nangyari sakanya. Hindi ko matanong kay Theo ang lahat dahil I can't just barge into his schedule I knew that you were the only one capable of telling me where he is"
"He's suffering from brain tumor"
Hindi ko alam pero nung narinig ko yun ay gusto ko nang maluha.
"What?!" Yun na lang ang nakaya kong sabihin.
"He's been hiding it from you. Kinailangan nyang maoperahan agad kaya nagpanggap sya na ex nya ko, in that way, dadahan-dahanin nyang saktan ka para mas may rason ka na magalit sakanya imbis na masaktan kung mawawala man sya"
"Alam ba nyang nasaktan lang ako ng sobra nang dahil dun"
"Oo, alam nya, nagsa-suffer din naman sya eh"
Meron na talagang luha na tumulo mula sa mga mata ko.
"Kailan pa sya may brain tumor?"
"Bago pa man sya magpropose sayo. Na-diagnose sya na may brain tumor sya. Dun sya naglakas loob na magpropose sayo kahit hindi mo sya lubos na kilala. Tiniis nya yung sakit na nararamdaman nya"
Hindi ko na pinunasan pa ang mga luhang tumutulo mula sa mata ko. Pinabayaan ko lang silang tumulo. Bakit hindi ko man lang nalaman ang lahat? Ganun ba ko kamanhid?
"Para sayo. Ginawa nya ang lahat ng yun para sayo"
Flashback
It was a normal day for me.
Eto naman ginagawa ko tuwing weekends eh. Shopping.
Naglalakad-lakad lang ako nung may bigla humila sakin.
"Miss! Ikaw yun di ba?"
Napatingin ako sa tinuro nya na screen. The f! Ako nga...
Bigla namang may nagsalita sa speaker.
"Paging Alleah Pauline Park" biglang nagtilian yung mga nakapaligid sakin kaya hindi ko alam saan ako pupunta.
Oo, hindi sa mayabang ako pero medyo sikat ako kaya kilala ako ng mga tao. Ako si Alleah Pauline Park. Mas sikat ako sa Pangalang Pauline Park. Korean model. Junior model actually.
Nakadating kami sa gitna ng ground floor.
"Miss, pumunta ka na dun sa gitna!!"
Sigaw pa nung mga taong nakapaligid. Anong kalokohan ba to? Hindi ko naman birthday.
Aish! Ewan!
Bigla namang may tumugtog. Confession song ng GOT7. Favorite ko to. Nakakakilig kasi.
Bigla namang may naglakad papalapit sakin.
Naka-polo sya at tie. Malayo pa lang sya nafe-feel ko ng may mali.
Pag lapit nya namangha ako.
Ang gwapo nya.
Lumapit sya sa tenga ko at may binulong.
"Go with the flow kung ayaw mong madamay pa"
Ano? Biglang nagtaasan ang mga balahibo ko sa katawan. Anong sinasabi nya?!
Bigla naman syang lumuhod sa harap ko.
Ano to? Magpo-propose ba sya?
"Pauline Park, will you marry me?"
--- "What makes you think we can't last forever?"
End of Flashback
"Natalie, dalin mo ko sakanya"
"Paul, hindi ko pwedeng gawin yun"
"You need to!" Napalakas na talaga ang boses ko sa mga oras na yun.
"Paul, sorry, hindi ko pwedeng gawin yun"
"Asan sya?!" Lumakas pa yung boses ko.
"Paul, I really can't tell, after all, after the operation, wala pa kong chance na makausap sya. Simula nung inoperahan sya ay wala na kong balita, kahit si Theo ay hindi magsasalita"
"He made you not tell me right?"
Tumango lang sya.
--- Naglalakad-lakad lang ako ngayon.
Ngayon ko naisip, ganito ba ko kamahal ni James, para magsuffer sya, imbis na magpa-opera, ginusto nyang makasama ako kahit sa sandaling panahon. Mas pinili nyang masaktan, mas pinili nyang itago sakin ang lahat. Yung kahit ayaw nya kong iwan, kinailangan nya kong saktan para magalit ako sakanya. Natatawa na lang talaga ako. Hindi ko maisip na ganito sya, pero sabagay, abnormal nga naman talaga sya. Alam kong muka na kong tanga sa kakaiyak-tawa dito ngayon. Napahawak naman ako sa sinapupunan ko, pinili nya kong iwan, kahit pa magkakaron na kami ng pamilya. Kung sana alam nya na magkaka-anak na kami. Baka sana hindi nya ko iniwan. Ano bang rason at iniwan nya ko? Kami? Sa tingin nya ba hindi ako malulungkot pag iniwan nya ko?
Kung hindi rin ako tanga, nahulog ako sakanya ng hindi ko sya lubos na kilala. Yes, I indeed married a stranger.
I was forced to, at first, but as time passed by, I learned to appreciate him, share feelings with him, love him.