[ I L ] Excited

197 14 3
                                    

***

Luhan's POV

Kakagaling ko lang sa faculty dahil nagpasa ako ng mga requirements pati yung kulang ko sa iba't-ibang mga subjects dahil nga sa hindi ako nakaattend ng klase. Oo yung isang araw lang na pagabsent ko na yun ay ang dami ko na agad nakaligtaan. Pero buti na lang at nakahabol din agad ako dahil masipag naman ako maniwala kayo, ang hindi maniwala magiging mangga tulad ng bestfriend ko pero biro lang. Sa totoo lang ay kaninang free time ko lang yun ginawa lahat at buti natapos ko naman dahil na din sa tulong ng aking circle of friendszxc.

Naglalakad na ko ngayon patungo sa classroom dahil malapit na din magstart ang next subject namin. Tiningnan ko ang schedule ko na nakalagay sa i.d ko at nakitang Math na pala ang susunod. Hmmm dadating na naman siguro si Prof. Kim noh?

Sumilip muna ako sa bintana dahil baka nandun na pala si Prof. pero wala pa naman siya kaya pumasok na ako. Pagkaupo ko ay pinuntahan agad ako ni Shomen na may hawak hawak na siopao. Tinanong niya ako pero wala akong naintindihan sa sinabi niya dahil magsasalita na nga lang siya ay yung may laman pa ang bibig. Paano ko naman kaya maiintindihan yun diba?

Nilunok muna niya yung kinakain niya bago nagsalita. "Ang sabi ko, kung napasa mo na ba ang mga dapat ipasa?" Sa wakas at naintindihan ko din. "Yes Sir!" Dahil sa sinabi ko ay agad namang nagreact si Shomen.

"Hoy anong Sir? Ma'am dapat! Ulitin mo bilis, Yes Ma'am!"Binatukan ko siya para matigil dahil nakasinghot na naman 'to. "Ayan ang galing mong mangbatok! Di manlang magpasalamat at pinagtake down notes namin siya, diba Kwago?" Dahil doon ay medyo nakonsensya naman ako pero medyo lang hahaha. Siniko niya si Dyo na mukhang nagulat dahil tulala siya kanina pa. Mukhang hindi pa rin okay 'tong kaibigan namin.

"Thank you mah friendszxc! Sobrang naappreciate ko yung ginawa niyo. Pakiss nga!" Kunwari ay hahalikan ko si Shomen at papalapit na ko sakanya ng hampasin niya ako ng notebook sa mukha."Masakit yun ah!"

"Masakit na ba yun sayo?" Tumawa si Dyo ng peke at umiling iling. "Kase sa tingin ko, wala ng mas sasakit pa sa nararamdaman ko." Dahil sa biglang pagsasalita ni Dyo ay napatigil kami ni Shomen sa kalokohan namin at akmang kakausapin siya pero biglang may sumigaw na nandiyan na daw si Prof. kaya lahat kami ay nagtransform.

Tumahimik ang lahat at pagkapasok pa lang ni Prof. Kim ay nagsitayuan kami at binati siya. Pagkatapos nun ay pinaupo na niya kami at sinabing magtuturo daw siya ng bagong lesson. Paktay na naman ako neto. Nilabas ko na ang mga gamit na kailangan at nagsimula ng magdiscuss si Prof.

Hindi ko alam kung ako lang ang nakakapansin neto dahil lahat ata ng mga kaklase ko ay nakafocus masyado pero sa tingin ko ay patagong sumusulyap si Prof. kay Dyo. Tumingin din naman ako ng palihim kay Dyo at nakitang nakatungo siya at halatang iniiwasan tumingin sa harap. Okay..ano ba talagang meron sakanila?

Nakinig na lang ako sa pagtuturo ni Prof. dahil baka mamaya ay magpasagot ulit siya sa board at mapahiya pa ako. Hindi nga ako nagkamali at nagsimula na siyang magsulat ng mga examples ng problem sa board. Kinopya ko yun at nasagutan ko din naman agad. Biglang sumagi sa isip ko na hindi pa kami nagkikita ni Sehun ngayong araw. Nasaan kaya ang lokong yon?

Nagulat ako dahil biglang nagvibrate ang phone ko hudyat na may nagtext. Grabe palagi na lang ako nagugulat dito sa phone ko.

From: Breadstix

Eggnog. Hindi ulit ako makakasabay sayo mamaya ha? Sorry. :( Pero tuloy na tuloy tayo bukas sa Baguio, don't worry. Mamayang gabi matulog ka ng maaga kase sa madaling araw kita susunduin. :)

---

Nagising ako sa alarm at napatingin sa oras, saktong sakto lang para makapagayos na ako bago dumating si Sehun. Buti na lang at nakatulog agad ako ng maaga kagabi kahit kinulit kulit pa ko ni Baek.

Indubitable Love [HunHan FF]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon