[ I L ] Confirmation

216 9 7
                                    


***



Luhan's POV



Kinaumagahan, gumising ako ng maaga para pumasok kahit na ang buong sistema ko ay ayaw pang umalis sa kama. Nagawa ko pa ding kumilos ng maayos.

Napansin ni Mama ang biglang pagkawala ng energy ko tuwing umaga pero pinagsawalang bahala na rin niya iyon.




Nandito ako ngayon sa school kahit labag sa kalooban ko na pumasok dahil sobrang dami kong iniisip tungkol sa pamilya namin. Naglalakad na ako papunta sa classroom namin ng may humampas sa braso ko kaya napadaing ako at napatigil sa paglalakad. Hindi pa ako lumilingon ay alam ko na kung sino ang gumawa sakin nito, walang iba kundi ang mga baliw kong kaibigan.





"Luhaeeenn! Namiss ka namin, kamusta ka na? Nagkasakit ka daw ah? Buti kumpleto pa katawan mo?" Dahil sa sinabi ni Shomen ay nasapak ko siya. "Buhay na buhay pa ko oo alive and kicking oh!" Pagkasabi ko ng kicking ay sinampolan ko si Shomen ng kick hihihi.






"OY ARAY KO HA! Pero ipapagpalampas ko ito. Grabe ka pinagalala mo kami, sabi mo pupunta ka lang ng cr nun pero ang tagal mo naman atang bumalik? Napaisip tuloy kami baka nilamon ka na dun ng inidoro."  Natawa naman ako dun sa inodoro. Hindi talaga ako magsasawa sabihin na, ang swerte ko sa mga kaibigan ko. 







"Grabe talaga kayo sakin. Nga pala anong mga ginawa niyo sa klase? Nagpa-test ba si Ms. Imburnal?" Medyo marami-rami akong na-missed na subject. Sa sitwasyon kong ito, hindi ko alam kung makakapagfocus ako sa pag-aaral. Kasi andami-dami ko pang iniisip. Hindi ko alam kung maisisingit ko pa ang pagaaral ko pero kailangan.





"Yan pa talaga ang naisipan mong itanong samin ah? Pero speaking of Ms. Im Bhurnal, ang laki ng galit nun kay Dyo" Nagtaka naman ako kung anong meron kaya tinanong ko sakanila kung anong nangyari.





"Paano kase nakita ni Ms. Im Bhurnal si Dyo na binibigay yung late Valentines gift niya para kay Prof. Kim at tinanggap naman nito samantalang yung kay Ms. Im Bhurnal hindi tinanggap ni Prof. eh hindi naman din natin alam na may lihim din palang pagtingin etong si Ms. Im Bhurnal kay Prof. kaya yun." Grabe nakakastress lang ha? Kagagaling ko lang sa sakit pero feeling ko magkakasakit na naman ako. Isang araw lang ako nawala pero ang dami na agad nangyari.






Pumasok na muna kami sa Classroom dahil hindi ako gumising ng maaga para lang malate dahil sa kadaldalan ng mga kaibigan ko.

First subject namin ngayon ay Math kaya naman goodluck na lang sakin. 15 minutes na ang nakalipas at hindi pa rin nagsisimula ang klase namin dahil hindi pa dumadating si Prof. Nakakapagtaka lang kase hindi naman nale-late si Prof. Kim at kung ma-late man siya, hindi naman ganito katagal. Napabaling naman ang tingin ko kay Dyo na pinagpapawisan at mukhang matatae na ng wala sa oras.




Indubitable Love [HunHan FF]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon