[ I L ] Quarrel

263 14 2
                                    

***



Luhan's POV





"Wooooww!" Napanganga ako dahil sa bumungad sakin pagkababa namin ng sasakyan. Ang lawak ng lugar at napakadaming magagandang halaman at nagsisitaasang mga puno dito. Unang tingin mo pa lang ay malalaman mo ng yung may mga kaya talaga sa buhay ang pumupunta dito. Napansin ko namang papalapit sakin si Sehun at pagkalapit niya ay sinara niya ang nakakanganga kong bibig. "Baka mapasukan ng langaw"








Sinamaan ko lang siya ng tingin at binalik ulit ang tingin sa harap ko. Binasa ko ang pangalan ng lugar, The Country Club. Tuhruy diba pangalan pa lang pang-sosyalin na, paano pa kaya pag pumasok na kami sa loob? Hindi ako makapaniwala, dito ba talaga kami magsstay? 







Hinila ako ni Sehun papunta sa mismong loob at nasa likod lang namin si Manong na sumusunod samin. Pagkapasok namin ay dumiretso kami sa may reception at sinabi din agad ni Sehun yung naka-reserve na room para samin pero madami pang tinanong yung receptionist.       





"Friend of Chiz Ring, the name's Oh Sehun" Dahil sa sinabi ni Sehun ay natigil din sa wakas si ateng sa pagtatanong at mukhang nakuntento na naman siya. Pero ano daw pangalan nun, Chiz Ring? Natatawa ako teka hindi ko mapigilan.







"Okay Sir, I'll just call Sir Ring " Mukhang naiinis na si Sehun dahil ayaw pa din siya paniwalaan ni ateng pero pinigilan ko siya at buti naman ay kumalma siya, baka magwala pa dito eh. 







Matapos makipagusap ni ateng dun kay Chiz Ring na sinasabi ni Sehun ay humarap siya samin. "Sorry for the misunderstanding Sir Oh, your room numbers are 520 and 521. Fifth floor.  Here are the keys. Thank you and enjoy staying." Sa wakas ay inabot niya na kay Sehun yung mga susi at nagpasalamat naman kami.  







Kainis si ate ha ang dami niya pa kasing tanong ibibigay din naman. Nakaalis na kami sa reception area at kasalukuyang pupunta sa elevator. Sheeeet elevator oo elevator naeexcite na ako makakita ng elevator.






Nang mahagip ng aking mata ang elevator sa di kalayuan, hinigit ko si Sehun papunta doon pati si Manong. Excited na akong magpipindot sa elevator. "Ay susmaryosep patawarin niyo po ako." Sabi ni Manong at nag sign of the cross. "Pisti kang bata ka magkanda dapa dapa na ako at ang dami kong nabanggang tao ay jusq patawad po." Nakahawak sa dibdib nya si Manong at hinihingal pa din.









Nagbow ako kay manong at humingi ng pasensya. "Nako sorry po manong ah? Naeexcite lang po kasi talaga ako eh, pasensya na po ulit" Nagbow pa ulit ako ng isang beses at ngumiti sakanya.






Kita ko sa peripheral vision ko na natatawa si Sehun. Hindi ko ba alam kung ang tinatawanan niya ay yung excitement ko sa elevator o yung sa pinagsabihan ako ni Manong? Ewan ko ba dito nasisiraan na ata 'to ng ulo eh.





Ting!

Tumabi kami sa elevator ng ito ay tumunog. Pagkabukas ng elevator, lumabas ang pagkarami-raming tao. Nagkakabungguan na ng balikat, nagkakatapakan na ng paa pati yung iba nagdadagasa na. Pero ang ipinagtataka ko eh paano nagkasya ang mga taong ito sa maliit na elevator na ito?







"Mga iho! Sehun! Luhan tulungan niyo ako!" Pagsisigaw ni Manong at napatingin kami sakanya. Nagtataka kami kung bakit nawala si manong at ayun pala eh nalunod na sa napakaraming tao. Kawawa naman itong si Manong tsktsk. Walang kamalay malay na mangyayari ito sa kanya.







Indubitable Love [HunHan FF]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon