[ I L ] Call

187 15 11
                                    


***



Luhan's POV 



Excited na ang lahat dahil uwian na. Nandito ako ngayon sa may labas ng classroom namin at inaantay ko sina Kyungsoo at Shomen. Bumili kasi ako ng pagkain sa Canteen kaya dito ko na lang sila sasalubungin.




Ilang sandali pa ay nakita ko na sina Kyung at Shomen. Ganun pa din naman ang mga hitsura nila. Si Kyungsoo na parang binagsakan ng langit at lupa at si Shomen na masaya ngunit palaging gutom.




"Oyy! Nasan na yung mga binili mong fuday?" tanong sakin ni Shomen ng makalapit na sila sakin. Hila hila niya sa leeg si Dyo kaya nagmukhang aso HAHAHAHAHAHAHA aso hihihi peace na po.




"Nasa bag ko bakit? Kakainin ko to mamaya kapag nasa bahay na ako. Nadedepress kasi ako eh." Sabi ko sabay buntong hininga. Pero totoo yon. Kailangan kong kumain ng marami para magkalakas akong harapin ang mga problema namin.




Bahagyang napatango si Shomen. "Ahhhh. Penge naman ako hihihi" sabi na nga ba at manghihingi 'tong xiupao na ito eh.




Nilayo ko ang bag ko sabay labas ng dila sa kanya "Ayoko nga." Yung totoo kailan kaya balak nito magdiet kahit konti lang? Medyo chubby siya pero cute naman ehem wag niyo sasabihin baka lumaki ang ulo. Pero feeling ko dapat itry din niya magbawas.




"Andamot mo naman usa-" Magdadrama pa sana ang xiupao ng pinutol siya ni Dyo.





"Ayan. Madamot? Ano pa ba sa mundong ito ang ipinagdadamot? Edi syempre pagmamahal. Binigay ko naman ang lahat pero wala pa din eh. Iba parin ang hinanap. Kahit konting pagmamahal, pinagdamot sakin. Kahit konti lang ding pagtingin wala eh." Naiiyak na saad ni Dyo.





Nakakagulat naman itong kwago na ito bigla biglang huhugot! Jeske kulang lang ito sa lagay ng dyodorant eh hays.





Inakbayan ko si Dyo. "Oy kwago wag kang ganan ah? Tara na lang umuwi at magpahinga." Nakangiti kong sinabi at sumangayon naman siya at naglakad na kami paalis ng building namen. Nang nasa labas na kami ng Campus, ay nagpaalam na kami sa isa't isa. Iba't iba kase ang daan namin pauwi eh.




Hindi ko nga pala makakasabay ngayon si Sehun sa pag-uwi dahil may kailangan pa daw siyang tapusin na project.

Indubitable Love [HunHan FF]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon