Mahal mo ba siya?

22 1 0
                                    


Mahal mo ba siya?

Naalala ko pa, nung mga panahon na tayo pa

Mga matatamis na tinginan, pangako ng walang iwanan, habang buhay na pagmamahalan, walang makakapaghiwalay kahit sino man.

Kay sarap pakinggan, ang sarap .. pakinggan, ang sarap...

Paggising sa umaga ikaw agad ang inaasam na makita, nagbibigay sigla sa aking katawan na ikaw lang ang sinasamba, nagpapatibok sa puso kong pangalan mo lang ang isinisigaw, nagpapakislap sa aking mga mata na ikaw lang nakikita

Pagtulog sa gabi, boses mo ang gusto kong marinig.. upang patulugin ang isip kong tila hindi na napapagod kaiisip sa iyo, upang ipasiguro sa akin na mahal mo pa rin ako at bukas paggising ko ay mamahalin mo pa rin ako.

Parang isang nobela ang ating pag-iibigan

Limang taon din yon, limang taon na sa isip koy tila hindi na mabubura, sa puso koy nakaukit na, sa katawan koy nakadikit na, at sa pagkatao koy mananatili na

Limang taon ng pag-iibigan, nagwakas lang nang dahil sa kanya..

Hindi ko alam kung saan ako nagkulang, hindi ko alam kung may mali ba ako bakit tila sinlamig ng gabi ang mga pakikitungo mo. Wala ka nang oras sa akin, puro dahilan mo ay ang trabaho mo. Trabaho nga ba? O may tinatrabaho ka nang iba?

Habang ako ay nag-aantay sa mga mensahe at tawag mo, may inaantay ka pa lang iba. Habang sinasamba kita, sinasamba mo na pala siya. Habang giniginaw ako tuwing gabi dahil wala ka, andun ka sa kanya, nagpapainit sa mga yakap niya. Habang hindi ako makakain sa kaiisip sayo, andun ka nagpapabusog sa mga halakhakan ninyong dalawa.

Ano nga ba ang wala ako na meron siya? Ano ba ang hindi ko kayang ibigay na maibibigay niya? May kailangan ba dapat akong gawin? May kailangan ba dapat akong baguhin?

Umalis ka lang ng walang pasabi. Dala ang puso kong hindi mapakali. Ganon lang ba kadali sa iyo ang lahat na kaya mong itapon na parang isang basura na matagal nang nakatago sa iyong silid? Na parang isang laruan na kung napagsawaan na ay iiwan nalang sa tabi?

Ang tanong mahal? Mahal mo ba talaga siya?

Mahal mo ba talaga siya na kaya mong isuko ang limang taon na pagmamahalan nating dalawa?

Mahal mo ba talaga siya na kaya mo akong kalimutan? Ako, na ibinigay na lahat saýo?

Mahal mo ba talaga siya na kaya mong baliin ang pangakong walang iwanan?

Mahal mo ba talaga siya na kaya mong limutin ang ating mga napgadaanan?

Mahal mo ba talaga siya na kaya mo akong iwan?

Kung oo, ay pakakawalan na kita.

At sa huling pagkakataon, gusto kong sabihin na sana maging masaya kayong dalawa.

Pero mahal, masakit man sa aking damdamin, pilit ko lang uunawain na mayroon lang talagang mga bagay na hindi maaari. At kasama na doon ang pag-ibig natin. Hindi man ako ang babaeng huling mamahalin mo pero sana maalala mo rin ako. Mga pinagdaanan natin, mga sumpaan, mga aral na nakuha mo sa ating pagsasama. Sana ... sana masaya ka na? mahal mo talaga siya diba?

Mahal mo ba talaga siya?


Things I should have told you, but I can't.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon