M10 ►

140 5 1
                                    

M10 ► Voiceless

(Zoie's POV)

"Zoie, gising na, di ba may practice kayo ngayon?" naririnig ko na tawag ni ate pero hindi pa din ako kumikilos..

"Zoie, alam kong gising ka na, san ka ba galing kagabi?" tanong niya

Sinubukan kong sumagot pero..

"...." OH MY GOD! walang lumabas sa bibig ko.. napabangon ako bigla

*cough cough cough* sinusubukan kong i-clear ang lalamunan ko pero ganun pa din. Tinawag ko si ate..

"...." Bumaba na ko sa kusina

"Zoie, eto na ang breakfast, si Ate nakaalis na, may meeting daw siya. Ako naman paalis na din. Kumain ka na." Sabi ng ate ko habang ipinaghahain ako.

"Huuuuy. Wala kang sasabihin, tatayo ka na lang jan? Walang good morning? Walang thank you? Walang ingat ka ate?" Tamputampuhang sabi ng ate ko

Lumapit ako sa kanya at niyakap siya. Gustuhin ko mang magsalita, aaaargs.

"Zoie Liette, may sakit ka ba? Okay ka lang? Bakit hindi ka umiimik jan?" Pano naman ako iimik eh wala nga ako boses. -_-

Lumayo ako sa kanya at itinuro ang lalamunan ko, at winave ang kanan kamay ko, to say na wala akong boses.

"Wow. Charade. Ahm tao? Hayop? Bagay? Pagkain? Masarap? Nakasimangot ka, ibig sabihin hindi masarap? Ampalaya? Okra? Aray! Bakit ka ba nanghahampas?" Hinampas ko nga ang kulit ih, tinuro ko ulit ang lalamunan ko at nagwave ulit, sinubukan ko magsalita pero wala talagang boses na lumabas

"HAHAHAHA! Wala kang boses? Hahahaha. Ayan, napapala ng lumalabas ng gabi ng walang paalam. Pano yan? Diba may practice kayo?" Tumango ako at nagtype sa cellphone ko

Tawagan mo Sap, pakisabi wala ako boses, next time na kami magpractice. Thanks.

Inabot ko kay ate ang cellphone

"Aba at inutusan mo pa talaga ako ha. Sandali" nakita ko na nagdial siya at mayamaya kausap na niya si Sap

"Hello Sap, si Ate Zen to, pass daw muna si Zoie sa practice niyo, nagconcert kasi kagabi... hahaha.. oo, 1am na umuwi.. ewan wala naman atang audience.. hindi nga din ako invited hahaha.. wala kasi siyang boses. Hahahaha... oo.. oo.. hindi, okay naman siya, wala lang talagang boses.. ahhh sige sige.. sasabihin ko wag na siya mag-inarte... sige. Bye. Ingat kayo. Mwuah mwuah tsup tsup." Ang haba naman ng pinag-usapan nitong dalawang to. At mukang alam ko na. -_-

Binalik niya sakin cp ko, "okay lang daw kahit wala kang boses, scriptwriting lang daw muna kayo at strategic planning. Daanan ka na lang daw niya. Alis na ko little sister. Kumain ka madami. Mwuah. Love you. Ingat." Wala na akong nagawa just to wave goodbye. Tsk. Akala ko pa man din ligtas na ko sa pagpunta kila Dee. Hays.

Maya maya dumating na si Sap na tumatawa pagkakita pa lang niya sakin.

And I am giving her my deadliest stare.

"Oh chill. Hahaha. Eto may dala akong gamot. Kung anu ano kasing pinaggagagawa mo. Ewan lang kung effective yan, pero sabi nung pharmacist 4-5hrs daw bago ka magkaron ng boses, antibiotic lang daw yan." niyakap ko lang siya at kiniss sa cheeks as a sign of thanks. Ininom ko ang gamot, at umalis na kami.

(Mika's POV)

Andito na ko sa meeting place, ako ang nauna, pano 8:00AM palang andito na ko. Excited. Hehe.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 13, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Perfect Revenge (Break His Heart Mission)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon