M4 ►

451 7 0
                                    

M4 ►

*friday night.. mini celebration after quiz bee sa bahay ni Sap..

(Zoie's POV)

"anung sabi ni Mama? si mommy kasi ayaw pang sabihin na tuwang tuwa siya, haha, alam na naman daw niya un.."

(AN: Mama din ang tawag ni Sap sa mama ni Zoie, at Mommy naman ang tawag ni Zoie sa Mommy ni Sap.. nasa ibang bansa din ang pamilya ni Sap, may sarili siyang bahay na isang subdivision malapit sa MU na si Zoie pa lang ang nakakapunta..)

"okay lang, she's proud.." nanalo kami pero hindi ako makaramdam ng saya tulad ng dati.. parang wala ng kwenta ang buhay ko..

"alam mo Zoie, ikaw lang ang malungkot sa pagkapanalo natin.."haaay. wala talaga akong maramdaman na kasiyahan sa puso ko eh, bato na ata..

"sabado na bukas Sap.." nasabi ko na lang, hindi ko kasi talaga alam kung anong ikikilos ko kapag kaharap ko na ang taong mahal ko at ang taong magiging bahagi sa paghihiganti ko..

"Yun ba ang inaalala mo? naandun naman ako eh, aalalayan kita.. wag kang mag-alala, just act naturally..."naturally? eh ni hindi ko nga magawang tignan si Dee

"hindi ko na alam kung anu ang natural na ako Sap, alam mo un? gusto kong magsaya ngayon pero hindi ko magawa.. gustong kong ngumiti pero hindi ko magawa, gustong tumawa kasama niyong lahat kanina pero hindi ko magawa.." nararamdaman kong pumapatak na ang luha sa pisngi ko.. "gusto kong ipagmalaki kay mama at papa ang trophy pero hindi ko magawa, kahit kina ate, nakakangiti ako pero alam ko sa sarili ko na ngiting pilit un.. Sap, tulungan mo naman ako oh, gusto ko ng bumalik sa dati pero hindi ko alam kung papaano.."kasalanan to lahat ni Vax..

"Liette, andito lang naman ako, iyakan mo lang ako ng iyakan hanggang mawala ang poot jan sa puso mo, un kasi ata ang pumipigil sayo eh.."napatingin ako sa kanya, minsan lang niya akong tawaging Liette, kapag seryoso siya..

pero alisin ang poot? imposible ata un.. napatungo lang ako.. tuluy tuloy pa din ang patak ng luha sa mata ko..

"hindi un ganun kasimple Sap, kahit nga ata matapos ung mission natin andun pa din ang poot na un, wasak na ang pagkatao ko Sap.. wasak na.. hindi na maibabalik un.."

(Sap's POV)

umiiyak na naman si Zoie, ilang gabi na.. kung ang mission lang na un ang magpapabalik sa dating Zoie.. alam kong mali, pero malaiki ang nawala sa pagkatao ni Zoie..

"hayaan mo Liette, pagtutulungan natin.. wag mo na lang tignan si Dee, ako na lang lagi ang kakausap sa kanya.. alam kong nakukunsensya ka.."nakita ko ang pilit na ngiti niya..

"Kunsensya? wala na ata ako nun Sap, pati galit na rin naman sakin si Dee, siguro okay na din un anu?"pinahid na niya ang luha niya at ngumiti..

nadudurog din ang puso ko kapag nakikita ko siyang ganito, lalo na nung wednesday nung nagpunta kami ng clinic...

*flashback*

"okay ka lang ba Zoie?"tanong ko kay Zoie habang naglalakad kami papunta sa clinic..

"uwi na lang muna tayo sa inyo Sap, hindi ko na kaya eh.." umiiyak na naman siya.. inalalayan ko siya papunta sa gate.. buti na lang kaclose namin si manong guard, at alam naman niyang lumalabas lang kami ng school kapag emergency..

*sa bahay...

"anu ba talagang problema?"tanong ko agad pag-upo niya sa sopa, dumiretso naman ako ng kusina para kumuha ng tubig, pagbalik ko, humahagulgol na siya..

"Sap, bakit ganun ang mga lalaki? hindi ba muna nila aalamin kung bakit nag-iba ang kilos ng isang babae? *huk* ang sakit sakit Sap.." niyakap ko siya ng mahigpit, wala akong magaw kundi makiiyak na lang..

"anu bang nangyari?"iniabot lang niya sakin ang cellphone niya, nakabukas un sa isang text message.. galing kay Dylan..

From: Dee <3 <3

hindi kita maintindihan, a month ago alam kong natutuwa ka tuwing nagkakatext tayo, at ramdam ko sa boses mo ang kasiyahan tuwing magkausap tayo sa phone.. pero bigla ka na lang nawala.. hindi ka sumipot sa usapan natin, hindi ka nagreply, hindi ka sumagot sa tawag, at ngayon na magkaklase tayo, hindi mo ako pinapansin.. hindi ko alam na ganyan ka palang klase ng babae, pinaasa mo lang ako.. sana noong una pa lang ipinaramdam mo na sakin na hindi talaga ako mahalaga, pero hindi eh.. ramdam na ramdam ko na mahalaga ako sayo.. sinabi ko din naman sayo na mahalaga ka sakin.. ganyan ka ba talaga? kapag nagsawa na sa isang bagay iiwan na lang basta sa ere. sana hindi ko na lang inilapit ang sarili ko sayo. sana patuloy na lang kitang pinangarap mula sa malayo.

napatakip na lang ako sa bibig ko sa nabasa ko.. umiiyak na din ako.. niyakap ko ng mahigpit si Zoie.. she's suffering too much...

*end of flashback

awang awa na ako sa bestfriend ko, ako lang ang nag-iisang tao na nakakaalam ng sitwasyon niya.. hindi ko alam kung anong kaya niyang gawin oras na iniwan ko pa siya.. humanda ka talaga Vax, humanda ka.. hindi na ako maaawa sa girlfriend mo.. sinira mo ang bestfriend ko.. wala kang awa..

"bukas na ang simula ng plano natin Zoie, kaya ayusin mo na ang sarili mo.. gusto ko magandang maganda ka bukas.. okay?"nginitian ko siya, ngumiti na naman siya ng pilit..

"siya ang kakaon satin sa mall diba? magkakaharap na kami.. sana mapigilan ko ang sarili ko.." punung puno ng poot ang mata niya..

"nga pala, hindi ka ba niya makikilala?" nagtataka lang ako..

"no, hindi niya ako kilala, may takip ang muka ko nung mga panahon na un, hindi ko alam pero hindi niya un tinanggal at mukang nakatakip na ang muka ko bago pa niya ako makita.."ganun? ibig sabihin, iba ang may pakana nun? o may gawain niya talaga un ayaw niya lang makilala kung sino ang nirereyp nia.. nakakadiri.. pero kung anu man un, pinlano niya o biktima lang din siya.. sinira pa din niya ang pagkatao ng bestfriend ko...

"basta, dapat maging maganda ka bukas.. okay?"ngumiti siya

"kelan ba ako pangit ha Sap?"tumawa siya pero halata ang kawalang buhay nun.. sinakyan ko na lang..

"nung elementary tayo.. hahahaha.."sumimangot siya at binato ako ng unan..

"Sama mo! matulog na nga tayo.."nahiga na siya at nagtalukbong ng kumot.. napailing na lang ako at natulog na din.. Halos hindi na namin nakain ung hinanda ko para sa celebration namin.. akala ko matutuwa siya sa niluto kong spaghetti, dinamihan ko pa ang hotdog at cheese, gustung gusto niya kasi un.. haaay..

nahiga na lang din ako at niyakap siya, kahit nakatalukbong siya ng kumot..

"Sap mainit.."napangiti ako, alam kong siya pa din ang bestfriend ko.. kung ang balak niyang paghihiganti lang ang makakapagbalik sa dating siya.. gagawin ko ang lahat para maisakatuparan un..

isang taon lang.. isang taon...

(AN: galit na din si papa dee kay Zoie, bakit nga ba kasi ganyan ang mga lalake? masyadong judgemental.. naku naku.. nakakaawa ng bongga si Zoie.. pati ako naiiyak.. T^T)

The Perfect Revenge (Break His Heart Mission)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon