M3 ►

442 5 0
                                    

M3 ►

(Zoie's POV)

be friends with his girlfriend..

"okay class.. For your project, create a group of three, bahala na kayo kung sino ang kagroup niyo.. better kung close kayo nung kagroup niyo, dahil ang project niyo ay gagawa kayo ng music video kung saan ipapakita niyo ano ba para sa inyo ang true meaning ng friendship.."

nakatingin ako kay Sap, syempre magkagroup kami niyan.. nakita kong nakatingin siya kay Mika.. anu kayang iniisip nito..

"Miss Llaneza, dahil bago ka, alam kong hindi mo pa ganun kakilala ang mga kaklase mo, okay lang ba kung ako na ang mamimili ng kagrupo mo?" ng tumango si Mika, itinaas ko na ang kamay ko..

it is a perfect oppurtunity para mapalapit sa girlfriend niya..

"Ma'am!"nagkatinginan pa kami ni Sap, dahil sabay na sabay kami...

"yes Miss Raven? Miss Salve?"si Sap na ang nagsalita..

"kami na lang po ni Zoie ang ka-group niya mam, tutal naman po kami pa lang dalawa, wala pa din naman po kaming maisip na ibang ka-group.. Pati ayos na din po un, bilang class president, obligasyon ko po na alalayan ang mga bago katulad ni Mika, mukang makakasundo naman po namin siya ni Zoie, diba? biglang lingon sakin ni Sap, smiling wide.. very wide... mukang parehas pa kami ng iniisip..

"hey! inagawan mo ko ng line! yan dapat sasabihin ko eh! HAHAHA" sabi ko na lang, sabay tawanan ng mga kaklase ko at ni Mam..

"okay, magbestfriend nga kayo.. kayo na nga siguro ang perfect groupmates ni Miss Llaneza, are you okay with it?"tanong ni mam kay Mika..

"of course Ma'am! Sino bang tatanggi na maging kagrupo nila? Miss Famous Class President and Miss Batch Perfect Number One.." sabay ngiti ng nakakaloko.. mukang di maganda ang iniisip ng isang to ah.. gagamitin kami para sumikat siya? uhmmm, okay lang naman..

"Ma'am!"napalingon kaming lahat kay Dylan, na seryosong nakatingin kay Ma'am..

"yes Mr. Laziego?"tumingin sakin si Dylan na ikinatungo ko..

"Ma'am alam niyo naman po na galing ako sa kabilang section.. hindi ko pa din po sila kilala ng lubusan.. at mukang wala na po akong masasalihan na group.."

"oww. Sorry, Mr. Laziego, nawala sa isip ko.. Okay class, sino sa inyo ang dadalawa lang?"nagtinginan ang mga kaklase ko, pero walang tumataas ng kamay...

"Ilan ba kayo sa klase?"chineck ni mam ang record book niya "so, 43 pala kayong lahat.. sosobra ng isa.. sakto kasi sa ibang section eh.. uhmmmm, Mr. Laziego, ikaw na ang pumili kung saang grupo mo gustong sumama.."wag saamin please.. please... hindi ako tumitingin kay Dylan, kay mr. black board lang ako nakatingin ngayon...

"dun na lang din po sa grupo nina Miss President, sabi nga po niya, responsibilidad niya ang mga bago katulad ko.."what the!?Dylan naman, papahirapan mo ko eh.. T^T napatingin ako kay Sap, nakatingin lang din siya sakin.. hindi alam kung papayag ba o hindi..

"Okay lang ba un Miss Raven? Miss Salve? at Miss Llaneza?"nakita kong tumango lang si Sap..

"Yes mam! para hindi ako ganun ka-OP kasi magkasama kaming dalawang bago.." ngiting sagot ni Mika..

"how about you Miss Salve?"nakatingin sakin ang buong klase, pati si Dylan...

"err.. uhmm.. its o-okay m-mam.." sana hindi mahalata na kinakabahan ako...

"good, its settle then.. ngayon, next month na ulit tayo magmeet, this coming two weeks, pagplanuhan niyo kung anong kanta ang gagawin niyo, ieexplain niyo sakin ang buong plano niyo.. wag niyo muna gagawin, dahil kapag nakita kong hindi siya tutugma sa lesson natin, kailangan niyong palitan.. ibibigay ko sa inyo ang two weeks para pag-isipan un.. gusto ko, maghanda kayo ng at least three songs.. para mabilis tayo.. at wag magkakapareho okay? See you next month.. ^_^ goodbye class" haaay.. tumayo ako at nilapitan si Sap pagkaalis na pagkaalis ni Ma'am..

"Tara sa CR Sap.."tumayo na din siya pero hinarangan kami ni Mika..

"San kayo pupunta? Pati ano ng plano natin?"tumingin lang ako kay Sap.. siya na ang nagsalita, ngumiti na lang ako..

"sa CR lang kami, sama ka?"ha? isasama niya?

"ahh. hindi na, sige hintayin ko kayo dito.."ngumiti lang ulit kami at lumabas na...

*CR

(Sap's POV)

"Saaap, bakit naman ganun? Paano na? Mahihirapan tayo kapag kasama natin si Dee lagi..."bungad ni Zoie.. pagdating na pagdating namin sa CR..

"kanina ko pa nga din un iniisip eh.. pati napansin ko parang ang sama ng tingin niya sayo.."ano kayang iniisip ni Dylan?

"haaay.. wala na tayong magagawa, hayaih na nga.. tara.."ngumiti si Zoie, pero alam kong pilit un.. kawawa naman ang bestfriend ko.. kasalanan tong lahat ng Vax na un eh... edi sana masaya na bestfriend ko ngayon.. nagtuyo lang ako ng kamay at pinahid ang luha na pumatak sa pisngi ko..

Sobrang naaawa ako sa bestfriend ko, at sobrang hinahangaan ko din ang katatagan niya..

"hoy Sap, tara na.."nakangiti siya sakin, pero alam ko na peke un.. haaaay. kelan ko kaya ulit makikita ung tunay niyang ngiti..

*classroom ulit..

"hmmm, gusto niyo sa bahay ko na lang tayo gumawa? para makilala din kayo ng parents ko, medyo strict kasi parents ko ih.. gusto nila kilala nila ung mga sinasamahan ko.. Only child kasi ako eh.. okay lang ba?"she looks so fragile, pero ang daldal niya ha..

"hmmm. anu sa tingin mo Zoie?"tanong ko kay Zoie na nakatungo lang, ramdam niya siguro na kanina pa nakatingin si Dee sa kanya..

"huh? anu un?"mukang malalim ang iniisip nito ah..

"sabi ni Mika, kung pwede daw na sa kanila na lang tayo gumawa.." si Dylan ang sumagot na parang naiirita..

"ahh.. o-oo, o-okay lang.."sagot ni Zoie na tumungo lang ulit..

"Tss." hayaan na nga tong si Dee, hindi na siya ang prioritize namin..

"okay, sige sa inyo na lang tayo Mika.. sa weekend na lang.. medyo madami pa din kasi ako aasikasuhin this week, kunin ko na din numbers niyong dalawa ni Dylan tapos bigay ko na din ung akin text na lang kung anu man.. excuse kasi kami sa klase ni Zoie mula bukas hanggang sa friday dahil sa friday na ung quiz bee namin.." at para makapagplano din kami ng maayos kung paano namin kayo haharapin..

"ay! sa friday na ba un? goodluck sa inyo! sayang hindi ako nakasali.. sige eto number ko..."kinuha ko ang numbers nila, kinuha din nila ung number ko..

"uhmmm, Zoie, kunin ko din number mo.. pwede?"ngiting tanong ni Mika, muka talaga siyang anghel.. ung ugali lang talaga niya pagdating sa grades ang maipipintas mo.. haaay..

"ha? anu un?" napatingin ulit ako kay Zoie, mukang naiiyak siya? bakit kaya?

"ahmm, sorry Mika, masama ata pakiramdam nitong si Zoie, punta lang kami ng clinic ha? baka lumala eh.. may laban pa kami sa Friday.. text text na lang.."tumingin sakin si Zoie, tingin na may pasasalamat...

(AN: cut muna.. haaay.. pano yan? groupmates din nila si papa dee.. anu kayang gagawin nung magbestfriend?)

The Perfect Revenge (Break His Heart Mission)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon