Prom Night

113 3 0
                                    

Maraming beses na nagkaroon ako ng pagkakataong ipagtapat sa kanya ang aking nararamdaman subalit hindi ko magawa dahil natatakot akong muli siyang mawala sa ikalawang pagkakataon.

Nawala na siya sa akin noon at hindi ko makakaya pang mawala uli siya kaya naman pilit kong itinago ang aking nararamdaman.

Ilang linggo na lang bago ang aming JS Prom, nakaupo kami sa isang nakatumbang puno habang pinatatuyo ang aming sarili mula sa paliligo sa batis ng bigla niyang sabihin na, 

“Iniisip ko Chris, kung gusto mo kaya ako maging partner?”

Tila bigla akong nawala sa sarili pakiramdam ko ay nananaginip ako, hindi ko akalain na ito’y mangyayari. Ilang sandali bago ako nakatugon.

“Akala ko ba maraming lalaki na mamamatay para sayo, para lang maka partner ka?”

Tumalikod siya at mahinang nagsalita.

“Naisip ko, mas gusto kong gugulin ang gabing iyon kasama ang aking bestfriend.”

Bago muli siyang nagpatuloy sa mahinang boses na halos hindi ko na marinig. 

“Ikaw ba, gugustuhin mo rin bang mamatay tulad nila para makasama ako chris?”

Sandaling namayani ang katahimikan sa aming paligid bago ako nakasagot.

“ Ikasasaya ko ang maka partner ka sam.” 

Ngumiti siya at biglang hinalikan ang aking pisngi.

Hindi ko na maitago ang kasiyahang nararamdaman ko ng oras na iyon. Napansin kong mapula ang kanyang pisngi at napayuko siya,

bigla tumayo siya at tumakbo papuntang tubig sabay sabi ng, 

“Ang huling makarating sa tubig manlilibre ng sundae fudge!” 

Dumating ang Gabi ng Prom Night. Bumili ako ng bagong tuxedo, halos ibuhos ko na ang lahat ng laman ng pabango.

Tinungo ko ang kanilang bahay upang sunduin siya. Binati ako ng kanyang ina at pinaupo ako sa sala upang hintayin ang kanyang pagbaba. Kausap ko ang kanyang ama nang maringi ko siyang nagsabi nang, 

“How di I look?” 

Natingin ako sa itaas at doon ay nakita siya napakaganda sa suot niyang strapless na puting damit at ang kanyang buhok ay nakalugay at tila hinihipan ng hangin sa kanyang mukha.

Napatayo ako at ibinuka ang aking bibig subalit walang katagang lumabas. Tapos kinuha ko ang kanyang mga kamay at nanginginig na inilagay ang corsage sa kanyang braso.

“Para sa pinakamagandang babae sa buong mundo.” 

Tumugon siya nang

“Totoo ba yan?”

Tumango ako at napangiti siya, gumanti ako ng ngiti bago ko siya inalalayan patungo sa pinto.

Nang dumating kami sa Gymnasium ay muntik ko nang hindi makilala ang aming mga kaklase.

Wala na ang mga maong at T-shirts at napalitan na nang mga Tuxedo at Gowns. Hinawakan ko ang kanyang kamay sabay sabi nang, 

“will you give me the honor of your first dance?" napatawa siya at napatango. Saka inalalayan ko siya patungo sa dance floor.

Parang isang panaginip na nagkatotoo, parang fairy tales, parang magic, isang mahiwagang sandali.

naroon ako kasayaw ang kaisa isang babaeng mahal ko, nakangiti siya sa akin habang dahan dahan kaming sumasabay sa himig ng malamyos na tugtog. Natagpuan ko na lamang ang aking sarili na nakatitig sa kanyang maningning na mata.

Ang kulot niyang mahabang buhok at tila alon na lalong nagpatingkad sa kagandahan ng kanyang mukha.

Maraming bagay na gusto kong sabihin sa kanya sa pagkakataong iyon. Gusto kong sabihin sa kanya na siya ang pinakamagandang babae sa gabing iyon.

Gusto kong sabihin sa kanya na siya lamang ang tagapagdala ng liwanag sa aking kalungkutan at higit sa lahat, gusto kong sabihin na mahal na mahal ko siya.

Nilakasan ko ang aking loob at yumuko upang bumulong sa kanyang tainga ng biglang huminto ang musika at biglang naglaho ang Magic. Muntikan ko nang mabigkas subalit hindi ko pa rin nagawa.

Muli ay inalalayan ko siya pabalik sa aming Mesa at natagpuan ang aming sarili na napapalibutan ng aming mga kaibigan.

Tinanong ko siya kung gusto niya ng maiinom at tumango siya kaya umalis ako upang kumuha ng isa. Natagalan ako bago nakakuha at nang bumalik ako sa aming lamesa ay wala na siya.

Tinanong ko ang kaibigan niyang si Katie kung nasaan siya subalit sinabi nitong hindi niya alam. Kaya nag-ikot ako upang hanapain siya.

Hinanap ko siya hanggang sa marating ko ang harden. Doon ay nakita ko ang dalawang aninong naaaninagan ng liwanag ng bilog na buwan. Magkalapit sila sa isat isa.

Hindi ko maipaliwanag ang aking naramdaman nang makilala ko ang puting damit na suot ni sam nang gabing iyon. Pumihit ako at nilisan ang Gymnasium nang may luha sa aking mga mata.

Send My Love to HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon