II.

76 3 0
                                    

Tapos tinanong ko siya.

“Hi Jen. Alam kong nagulat ka kung bakit ako nandito. Well, gusto ko lang bisitahin ka at umaasa akong makita si Sam.. Nami-mis ko na kasi siya…. Ahhhhh… nasaan ba siya?”

tanging nakita ko sa kanyang mata ay kalungkutan bago siya nagsalita nang.

“Halika, sumunod ka sa akin.”

Nalilito ako sa inaasal niya subalit sumunod pa rin ako sa kanya.

Sinubukan kong makipag-usap sa kanya subalit hindi siya umiimik.

Napansin kong patungo kami sa direksyon ng lawa.

Katulad pa rin ito ng dati,

ang matandang puno na inaakyatan namin ni Sam.

Ang nakatumbang puno ng Narra na inupuan namin noon nang halikan niya ako sa pisngi ng ayain niya ako sa Prom.

Napangiti ako at lalo kong naramdaman ang pananabik sa kanya. Bigla tumigil si Jen sa ilalim ng puno at may itinuro bago bumulong ng. 

“Andon si Sam.”

Tumingin ako kung saan siya nakaturo at napansin ko ang bagong hukay na libingan na nakasulat ang pangalan ng kaisa isang babaeng minahal ko.

Hindi ko mapaniwalaan ang aking nakita at pilit kong pinapaniwala ang aking sarili na isa lamang iyong masamang biro, isang masamang panaginip at mamaya lang ay magigising din ako.

Send My Love to HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon