I.

89 3 0
                                    

Kaya naman kinabukasan ay lumuwas ako ng maynila tulad ng nasa plano

Maswerte akong agad namang natanggap sa unibersidad na napili ko. Itinuon ko ang aking atensyon sa pag-aaral subalit naiisip ko pa rin siya sa gabi.

Lagi kong tinatanong kong naiisip rin ba niya ako. Sinubukan kong kalimutan siya subalit hindi ko mapigilan ang sariling mahalin siya. Bawat bagay na aking nagawa ay para sa kanya. Iniisip kong kung ako’y magiging matagumpay ay magagawa ko nang magtapat sa kanya at sa pagkakataong iyon ay karapat dapat na ako para sa kanya.

Isang taon pagkalipas nang aming Graduation nang magdesisyon akong umuwi upang makita siyang muli.

Palagay ko ay sapat na ang isang taon para sa akin na hindi ko siya makita. Sa loob ng taong iyon ay para akong isang taong naliligaw sa Desyerto at tanging ang makita siya ang nakakapawi ng aking uhaw.

Sumakay ako ng bus pauwi, desperadong makarating agad sa kanilang bahay upang makita siya, mayakap, tapos sasabihin kong nami-mis ko siya at minamahal ko siya noon pa. Sa pagkakataong ito ay disidido akong ipaalam sa kanya na mahal ko siya.

Narating ko ang kanilang bahay at nakita ko ang kanyang nakakatandang kapatid. Nginitian ko siya at napansin kong malungkot ito. Naguluhan ako, alam kong masiyahan siya at palangiti katulad ng mahal kong si Sam. 

Send My Love to HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon