V.

75 2 0
                                    

Maraming gabing ako’y umiiyak sa tuwing maiisip kong hindi mo ako kayang mahalin.

 

Palagay ko’y iisipin mong ang lahat ng sinasabi ko ay kasinungalingan, pero nais kung sabihing ang puso ko ay nagsasabi ng totoo dahil hindi ko kayang magsabi ng kasinungalingan sa isang taong lubos kong minamahal.

 



Alam kong iniisip mo si Mark, pero ginawa ko lang iyon para pagselosin ka, para Makita mo ako bilang isang dalaga na kayang magmahal hindi bilang isang batang babae na kalaro mo.

Minsan iniimadyin kong nagseselos ka at pinapaniwala ko ang aking sarili na isa iyong senyales na merong ka ring nararamdaman sa akin.



Noong maghiwalay kami ni Mark at nagpunta ako sa iyong umiiyak,

ginawa ko iyon upang malaman ko kung ano ang iyong magiging reaksyon dahil gusto kung malaman kong mahal mo din ako.

 

Pero nabigo ako dahil hindi ka manlang nagpakita ng anumang senyales.

Nang dumating ang ating prom Night,

 

hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya nang ibigay mo sa akin ang corsage at sabihing ako na yata ang pinakamagandang babae sa buong mundo.

 

Nuong tayo ay sumasayaw ay gustong gusto ko nang marinig sayo ang mga katagang matagal ko nang gustong marinig mula sayo.

 

Ang sabihin mong Mahal mo din ako, pero hindi mo ginawa.

 

Nang lapitan ako ni Mark at magmakaawang bigyang ko pa siya ng isa pang pagkakataon ay natakot akong Makita mo kami.

 

Hindi ko gustong na magisip ka ng maling empresyon sa akin kaya sinabi kong sa Garden na lang kami mag-usap. Duon ay pinagtapat ko sa kanyang ikaw ang mahal ko.

 



Hinanap kita pagkatapos pero hindi kita matagpuan, nalaman ko na lang na hinahanap mo din pala ako at palagay ko ay nakita mo kaming nag-uusap.

 

Nang mga sumunod na araw ay gusto kong magpaliwanag sayo pero hindi mo ako binigyan ng pagkakataong gawin iyon.

 

Patuloy mo akong iniwasan at hindi mo lang alam ang sakit na naranasan ko ng mga oras na iyon. Pakiramdam ko’y gumuho ang mundo ko.



Sa ating Graduation day, nuong lapitan kita gustong gusto kong ipagtapat sayo kung gaano kita kamahal pero hindi ko kaya.

 

Hindi ko kayang marinig mula sa iyo na sabihin na ang tanging nararamdaman mo ay pagmamahal ng isang kapatid.

 

Dahil gusto kung mahalin mo ako bilang isang Babae at hindi isang dalaga o kalaro. Kaya akoy tumalikod at lumayo.

Send My Love to HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon