Tila pinagsakluban ako ng langit at lupa at napatingin ako kay Jenny,
humihingi ng paliwanag. Huminga siya ng malalim at kasabay ng pagtulo ng kanyang luha ay sinabi nitong,
“Ilang linggo pa lang ng mamatay siya. Namatay siya sa Leukemia,
pero kahit na maysakit siya ay hindi siya tumigil sa pag-iisip sayo. Hiniling niyang ilibing siya sa lugar na ito dahil lagi niyang sinasabing ang lugar na ito ay lugar ng pagibig.”
Tuluyang nang bumigay ang aking damdamin, nangingig ang aking buong katawan at nangatal ang aking mga labi, hindi ko na mapigilan ang pagdaloy ng luha sa aking mga mata.
“Sabi niya, dito niya ginugol ang pinakamasasayang araw niya at iyon ay noong kasama mo siya. Pinabibigay nga pala niya ito.” Iniabot niya sa akin ang isang sulat saby na tumalikod ito at lumayo.
Dahan dahan kong binuksan ang sulat at nakita ko ang laman nitong tuyong Corsage na ibinigay ko sa kanya noon sa Prom.
At sa ilalim ay napansin ko ang isang sulat. Nakapetsa iyon noong nakaraang buwan. Binuksan ko iyon at sa nanlalabo kong matang tigib ng luha ay binasa ang nakasulat.
BINABASA MO ANG
Send My Love to Heaven
Teen Fiction"Infinity And Beyond" Sana po magustuhan Nyo :'''>