Kyla's POV
At the classroom...........
"Okay so now we will have a game and you will be group into 5. First, you need to pick a paper here in the box to know your group number." Sabi ni Sir Reyes. Wow nakaka-excite naman magkakaroon kami ng game pero sana nga lang mag e-enjoy ako sa game na yan. I pick a rolled paper inside the box and when I opened it there was a number 5 on it.
"Anong number ang nakuha mo Kyla?" tanong ni Ellen sakin.
"Number 5 eh ikaw anong number mo?"
"Sayang hindi tayo magka grupo eh number 3 kasi yung sakin." Sabi ni Ellen. Naku, parang hindi yata ako mag e-enjoy sa game nato kasi hindi kami magka grupo ni Ellen.
"What's your number Kyla?" biglang tanong ni Kurt sakin.
"5 eh ikaw?" sabi ko.
"5 din. Yehey magka grupo tayo Kyla." Sabi niya at talagang nakikita kong ang saya niya dahil magka grupo kami. Baka tinadhana na talaga kami ni Lord. Eh diba we don't meet people by accident but they are meant to cross our path for a reason. Bakit kaya kami nagkakilala ni Kurt at bakit ang lakas ng tibok ng puso ko kapag nakakasama ko siya. Ito naba talaga ang tinatawag nilang love. Kung ganun, eh mahal niya rin kaya ako? Do we have the same feelings for each other? May posibilidad bang mahalin niya rin ako? These questions are keep on running in my mind but I don't know the answers to my questions.
"Ano bang gagawin natin?" tinanong ko si Kurt since wala talagang nagsasalita sa grupo namin. They are all silent ewan ko ba eh ako lang naman yung transferee dito pero parang hindi sila magkakilala.
"We're going to make a 3D bahay kubo using these newspapers." Sabi ni Kurt.
Napa-isip tuloy ako kung paano gagawin yung task namin eh ang hirap kaya gumawa ng 3D bahay kubo gamit lang ng mga newspapers. Eh hindi kasi ako magaling sa arts lalo na sa drawing.
At dahil walang nagsasalita sa grupo namin, nanatili nalang din akong tahimik. Pero si Kurt busy sa paggawa ng 3D Bahay Kubo. Kawawa naman siya kasi walang tumutulong sa kanya pero wala naman din akong maitutulong kasi wala akong talent sa mga ganyan. Okay lang siguro kung kumanta o sumayaw ako pero pagdating sa arts ang bulok ko diyan hindi kasi ako nagmana kay daddy yung kapatid ko lang na si Belle kaya nga tinutukso niya ako parati kasi hindi talaga ako marunong mag drawing kahit perfect circle lang hindi ko talaga magawa.
A few minutes later, pumunta ako sa tabi ni Kurt kasi naaawa na talaga ako sa kanya para kasing nahihirapan na siya since walang tumutulong sa kanya sa paggawa ng bahay kubo using newspapers.
"Uhhmm, pwede ba akong tumulong sayo? I'm sorry if hindi ako tumulong kanina kasi I don't know how to do this but I will try my best to help you." Sabi ko sa kanya.
"It's okay. I'm the leader so I should do this." Sabi niya.
"Pero hindi naman ibig sabihin na ang leader dapat yung gagawa sa mga tasks na ibibigay ng mga teachers. You should motivate your other members to help you kasi ikaw lang din ang mahihirapan." Sabi ko sa kanya. Ano ba naman tong si Kurt hindi marunong magalit eh ang cute niya tuloy plus dagdag points siya sakin pero ayoko namang magiging spoiled ang mga co-members ko. Kawawa naman si my loves ko.
"Sanay naman akong nahihirapan eh. " sabi niya. What anong sabi niya? Sanay na siyang nahihirapan? Bakit may nagpapahirap ba sa my loves ko? Aba kong sino man siya maghanda lang siya kasi nandito ako palagi para kay Kurt my loves.
"Sino naman ang nagpapahirap sayo?" tanong ko.
"May nililigawan kasi ako kaso binasted niya ako pero bago niya ako binasted pinahirapan niya muna ako at pinaasa kaso may mahal na pala siyang iba. Ang sakit talaga ng ginawa niya. I waited for four long years para sagutin niya ako pero wala eh talo parin ako sa boyfriend niyang ubod ng yaman." Pagkatapos niyang sabihin yun ay parang mamamatay na ako sa sobrang sakit. Nang marinig kong may nililigawan pala siya parang sinaksak niya ng kutsyilyo yung puso ko. Gusto kong umiyak pero hindi pwede kasi hindi niya dapat malaman na may feelings ako para sa kanya. I need to act na parang wala lang.

BINABASA MO ANG
That Genie is my BOYFIE (On-going)
General FictionHey guys! Ang kwento na ito ay tungkol sa isang teenage girl na walang alam tungkol sa totoong nangyari sa past life niya. Maraming mga sikreto ang kanyang mga magulang na hindi sinabi sa kanya. Nag transfer siya sa isang prestigious school at nakil...