Chapter 4: The Enemy

28 6 0
                                    

Sa chapter po na ito ay makikila niyo ang enemy sa buhay ni Kyla . Sorry kung medyo maikli muna ang update ngayon kasi ito ay tungkol muna sa enemy kaya wala munang mga kilig scenes. Hindi po si Kyla ang may POV ngayon kasi eksena muna ito ng kontrabida. Haha! Enjoy reading.

-QueenAnonymous_04


*****************************************************************************************************


Someone's POV  [The Kontrabida]

"Yes po mommy ginawa ko po lahat para hindi sila magkaroon ng relasyon. At hindi ko rin naman po hahayaan na makuha ni Kyla ang loob ni Kurt because he is just mine. " sabi ko kay mommy na tuwang-tuwa sa akin.

"Very good anak. Alam kong matutuwa nito ang daddy mo. " sabi ni mommy na very proud sa ginawa ko.

Malapit ka nang maging akin Kurt. Hindi ko hahayaang ma inlove ka sa isang tangang Kyla na 'yon. You are just supposed to be mine Kurt. Akin ka lang!

I went to our living room at nakita kong kararating lang pala ni daddy mula sa planetang Nevaeh.

Yes you heard it right. Kararating lang niya mula sa planetang Nevaeh. He stayed there for almost 200 years. Unusual hindi ba pero totoo ang planetang Nevaeh. Nag-eexist ito at doon kami nakatira. Lumipat kami dito sa planetang Earth to seek revenge. My dad stayed there for 200 years but it is just equivalent to 20 days dito sa Earth.

We are now going to continue our plans para maghiganti sa mga Garcia este sa mga Emerald pala.

"Hi Dad, andito kana pala. How's your trip from our planet?" tanong ko sa kanya. Mukhang ang saya ni Dad siguro may dala siyang magandang balita.

"Hello anak, it's good to see you. Nasan ba ang mommy mo kasi may importante akong sasabihin sa inyong dalawa."

"Nasa room niyo po tatawagin ko nalang po si mommy para dito nalang tayo sa living room mag-usap." Sabi ko kay Daddy.

Tinawag ko si mommy and I really can't wait na malaman kung ano ang sasabihin ni daddy sa amin. I can sense that it is something good kasi parang good mood naman si daddy.

"O Johnny I'm glad that you're back. I missed you so much." Sabi ni mommy kay daddy at nag hug sila tapos nag kiss sa lips.

"Na-miss din kita ng sobra Merilda at oo nga pala may good news ako sa inyong dalawa."sabi ni daddy. Mukhang ang saya ni daddy kasi minsan palagi lang siyang galit pero ngayon it was very different.

"Ano namang good news yan tungkol ba ito sa princesa ng planetang Nevaeh?" tanong ni mommy.

"Yes at alam ko na kung paano natin makukuha ang kayamanan mula sa planeta kasi nakuha ko na ang mapa."

"Anong mapa ba yan daddy?"

"Nakalagay dito sa mapa kung saan nakatago ang hidden treasure sa planeta at makikita ito sa Enchanted Castle of the Pegasus."

"Talaga daddy pero diba napaka delikado dun kasi may nakatirang diyosa doon na nag-aalaga sa mga Pegasus at wala pang nakarating doon na isang genie or fairy man doon maliban lang sa diyosang iyon kasi diba nagtataglay siya ng pambihirang kapangyarihan eh paano natin makukuha ang hidden treasure?" tanong ko kay daddy.

"I have the answer to your question anak kaya nga kailangan namin ng mommy mo ang tulong mo para makuha natin ang hidden treasure. Hindi madaling kalabanin ang diyosang iyon kaya kailangan muna natin magkaroon ng kakaibang super powers kasi hindi sapat ang kapangyarihan namin ng mommy mo upang talunin si Diyosa Amarah."

"And how will I help you? Ano bang gagawin ko para matalo si Diyosa Amarah?" tanong ko kay Daddy.

"You need to make Kurt fall in love to you para makuha na natin ang pinakamalakas na kapangyarihan na ibinigay sa kanya ni Zeus Genie."

"Eh ginagawa ko naman 'yan daddy kaso ngalang may epal pero sinisigurado ko naman sayo daddy na hindi sila hahantong sa isang relasyon."

"Just be careful anak kasi hindi lang isang tao ang karibal mo kundi marami. Kaya kailangan na natin gumawa ng aksyon para makuha na natin ang hidden treasure."

"Paano ko naman gagawin yon dad?"

"Hindi alam ni Kurt na he is already arranged to marry the princess and the good news is patuloy pang hinahanap ng mga magulang niya ang princesa kaya dapat kang magpanggap na ikaw ang nawawalang princesa. But before that you need to make him fall in love to you para sumang-ayon siya sa arranged marriage na gagawin ng parents niya."

"Good idea daddy."

"But before we're going to continue our plan pupunta muna tayo sa planetang Nevaeh kasi kailangan mo muna malaman kung paano gamitin ang iba't-ibang super powers para maging handa ka. But don't worry anak kasi 10 years lang tayo doon kaya 10 days ka lang mawawala dito sa Earth. "

I think dad's decision is right. Kailangan ko ngang maging handa kaya I need to study how to use the powers for 10 years pero hindi ako dapat mabahala kasi 10 days lang naman ako mawawala. Years in our planet is equivalent to days dito sa Earth. 

I can really sense na malapit ko nang makuha si Kurt. Matagal ko na siyang mahal since we're still in 4th grade kaso nga lang hindi niya na ako maalala and that is because of his stupid parents. Alam ko na sa akin parin ang huling halakhak. 

Hindi ako talunan kasi ako lang naman si Silvermist Luna o mas kilala sa pangalang Ellen Cruz dito sa Earth. Ako si Ellen at nagpapanggap ako bilang kaibigan ni Kyla because I need to accomplished my plans at ayokong agawin niya si Kurt. At naka fake bangs lang ako kapag nasa school kasi ako nga ang the greatest pretender kaya mukha na akong anime kapag naka bangs.

Akin lang si Kurt at walang ibang babae na pwedeng umagaw sa kanya. He is my first love and he will also be my last. I need to seek revenge especially sa parents ni Kurt kasi dahil sa kanila ay nakalimutan ako ni Kurt.




***************************************************************************************************

Thank you for reading! Ang chapter na ito ay tungkol kay Ellen. Opo tama po ang nabasa niyo dahil siya po ang enemy sa kwento ni Kyla. Pero marami pa po kayong dapat abangan kasi hindi lang si Ellen ang kontrabida sa kwentong ito kasi marami pa po kayong mga characters na makikilala sa mga susunod na chapters.

Ang tunay na pangalan ni Ellen ay Silvermist Luna at nakatira siya sa planetang Nevaeh. Hindi po siya isang normal na tao tulad ni Kurt. At first love ni Ellen si Kurt at magkaibigan silang dalawa back in 4th grade. 

Ano kayang nangyari sa kanila back in the past. Sa ngayon ay secret muna kaya abangan ang mga susunod na chapters. 

Sana po ay patuloy niyo pong suportahan ang kwento na ito. Maraming Salamat po!

Nagmamahal

- QueenAnonymous_04

haha... ;)

That Genie is my BOYFIE (On-going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon