Prologue

56 3 7
                                    

I think....
Normal naman sa atin kung magkaroon tayo ng hinahangaan.
Normal lang din naman kung kiligin tayo.
Normal lang din kung mayroon tayong inspiration.
At normal lang din satin na ma-fall tayo lalo na kung napapakilig tayo,tama ba?
Normal lang naman sa atin yan eh. Lalo na if we're teens.

But I think, we need to make it balance, lalo na kung estudyante pa lang.

Sa tingin ko kasi kapag student tayo, mas kailangan nating i-prioritize yung pag-aaral natin, na kailangang matapos natin yung goal natin na makapagtapos ng pag-aaral.

Kasi, sa tingin ko, kung mas lagi nating binibigyan ng pansin yung mga taong sa tingin natin eh nagpapakilig satin, tingin ko hindi na din natin yun matatawag na inspiration dahil sila na mismo yung magiging distraction, lalo na dun sa mga goal natin.

Kasi di'ba? Hindi naman tayo nakakasigurado?

Hindi ka naman nakakasigurado kung parehas kayo ng nararamdaman eh.

Baka naman pinapaasa mo lang yung sarili mo? What if hindi naman pala talaga kayo pareho ng nararamdaman?

Hindi naman sa pagiging bitter, pero what if wala lang sa kanya yung mga pagpapakilig na ginagawa niya sayo? Na normal lang para sa kanya na ginagawa yun sa mga kaibigan niya? Kasi kaibigan lang naman talaga ang tingin niya sayo. Ganun nga ba?

Free FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon