Chapter 1

46 3 0
                                    

"Nath dun ka sa katabing upuan ni Joseph, sa kanan", pagpapalipat sakin ng upuan ng adviser namin.

Nagkaroon kasi kami ngayon ng panibagong seating arrangement sa class dahil masyado ng nagiging maingay sa klase namin. Eh halos dalawang linggo pa lang nagsisimula ang klase. Napahiwalay tuloy ako dun sa mga kaibigan ko.

Hindi naman sa kami ng mga kaibigan ko yung maingay sa klase, pero kasi maingay lang talaga yung iba naming kaklase lalong lalo na yung si CL, short for Curt Lance. Iritang irita talaga ako dun sa kaklase kong yun masyado kasing mahangin eh. Patawa siya masyado. Nayayabangan kasi ako sa kanya.

Masyado daw kasi siyang friendly eh. Hindi ko naman maitatanggi na may itsura siya. Well, sa totoo lang eh chinito sya. Madaming nagkakagusto sa kanyang mga nasa lower years. Dahil na rin siguro nung nanalo siya bilang Mr.Intrams nung 2nd year kami. Kaya naman mas nakilala siya halos sa buong campus.

Okay? Bakit ko ba siya ikinukwento?-_-

"Ikaw naman CL dun ka lumumipat sa kanan nung upuan ni Aigel", pagpapalipat kay CL nung adviser namin, na sinunod naman niya.

Napansin ko naman na dun pala siya pinalipat nung teacher namin dun sa katapat kong upuan sa harap -_-

Hayyy! Naaasar talaga ako sa kanya! At hindi ko talaga alam kung bakit -_-#

Tapos nakatabi ko pa 'tong classmate namin na transferee -_- wala tuloy akong makausap dito sa pwesto ko. Hindi naman sa madaldal ako pero hindi lang talaga ako sanay ng walang kausap pero kasi masyadong malayo yung upuan nung mga kaibigan ko kaya hindi ko sila makausap eh.

"Hoy Joseph! Ayos yang dalawang katabi mo ah!",narinig kong sabi ni CL kay Joseph na katabi ko -_-

Kaya napatingin ako pareho sa kanila at saka sila inirapan -_-

Tsk sino bang pinariringgan niya? Ako o yung isang katabi ni Joseph? Hmp! Wag na nga lang pansinin.

Ipagpapatuloy ko na lang ulit itong hindi ko natapos na assignment namin kagabi. Hindi naman sa tinamad ako na gawin yung assignment namin pero kasi dahil sa sobrang dami eh nakatulogan ko ng matapos. Buti na nga lang at tatlo na lang yung kulang ko. Next subject pa naman yung pasahan, kaya kaylangang matapos ko na 'to >_<

***

"Nathalie! Natapos mo ba kanina yung assignment natin sa Science? Shocks >_< Sayang talaga! Iisa na lang! Iisa na lang talaga! Hindi ko pa nasagutan, hindi ko naman napansin na may nakaligtaan pala akong isa! Hmp! Sayang talaga", bungad naman sakin ni Angelu pagkaupo niya sa tapat nung inuupuan ko, eto namang si Jean eh tumabi sakin.

Nauna kasi ako dito sa canteen, dahil masyadong mabagal kumilos 'tong dalawang kaibigan ko. Baka maubusan kasi ako ng siopao kaya umuna na ako. At saka isa pang dahilan kung bakit ako umuna dito sa canteen ay dahil na rin dun sa kinaiinisan ko na kaklase namin na si CL at si Joseph. Pa'no ba naman kasi, daldalan lang sila ng daldalan nung naglelesson na yung teacher namin. Wala tuloy akong akong masyadong maintindihan dun sa lesson namin dahil puro yung tawa nilang dalawa yung naririnig ko. At yung mas nakakaasar pa eh, yung tuwing magtatawanan silang dalawa tapos titingin dun sa pwesto ko. Bwisit lang talaga!

"Oo natapos ko naman yung akin. Muntik ko pa nga yung makalimutan dahil nakatulugan ko na kagabi kaya pinagpatuloy ko nalang kanina nung wala pang teacher, ikaw ba Jean natapos mo?", I ask saka sumubo nung siopao na binili ko kanina.

"Hmn, oo natapos ko naman pero di ko lang sure yung iba kong sagot", nakakasama din naman kaming tatlo sa mga top sa klase kaya medyo nag-aalala din kami sa mga grades namin.

"Oo nga pala, di ba si Joseph yung seatmate mo? Wow! Ang swerte mo girl! Sayang hindi ko pa yun nakatabi!", nakangusong dagdag pa ni Jean. Kaya naman napailing na lang ako. Tsk.

"Anong swerte dun? Nakakaasar nga, kung bakit yun pa ang nakatabi ko -_- lalo na yung CL na yun! Nakakabwiset talaga! Nayayabangan ako dun!"

Nagtaka naman ako kay Jean kung bakit siya tumawa nung pagkasabi ko nun. Kaya tinanong ko na siya kung bakit siya tumatawa, baka kasi mamaya eh nababaliw na pala 'tong kaibigan namin. Wala naman kasing nakakatawa dun sa sinabi ko di ba?

At eto lang naman ang isinagot niya sakin nung tanungin ko siya, "Hahaha wala! Ang cute mo kasi! Hahahahaha", sabay kurot pa sa pisngi ko. My gosh! Baka nga nababaliw na 'tong kaibigan kong ito tsk tsk.

Nagulat naman ako nung may biglang braso na umakbay sa balikat ko na siya namang ikinagulat ko! Pakiramdam ko para akong nakuryente nung naramdaman ko ang pagdampi ng balat niya sakin.

Tapos pagtingin ko pa kung sino yun eh si CL pala. Sabay sabing, "Oo nga Nath, ang cute mo", sabay kurot naman dun sa kabilang pisngi ko >~< bwiset!

Kaya ayun! Siniko ko siya saka itinulak ng malakas O_O

Shocks! Sa lakas nung pagkakatulak ko napasubsob siya dun sa isang table na halos 2 meters away dito saming table.

My gosh! Ganun na ba ako kalakas para tumalsik siya ng ganun ka layo? Shocks! May super powers na yata ako?! Pwede na yata akong sumabak sa mga bakbakan o kaya mga action yung parang sa probinsyano! Kaya idol ko kasi si Kuya Cardo, mahilig kasi ako sa mga action movies. Alam ko na! ikukwento ko 'to dun sa kapitbahay namin. Charr!

Napansin ko naman na madami nang nakatingin dun sa pwesto namin. Naku po naman! Nakakahiya!

Kaya naman umalis na ako dun sa canteen, hindi ko na hinintay sina Jean at Angelu. Ano ba yan ayaw ko naman na masyadong nakakaagaw ng atensyon ng mga tao. Nakakahiya kasi >_<

Ayaw ko pa man din ng may nakakaaway, kaya dapat siguro ay wag ko na lang pansinin yung CL na yun. Para na rin hindi ako magkaroon ng kaaway. Sabi kasi ni mama na masamang makipag-away kaya susundin ko na lang. Kasi nga di ba? Mother knows best?

Kaya from now on sisimulan ko na ang iwasan na makipag-away lalo na dun sa CL na yun. Ayun ay kung kaya ko?

Free FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon