A/N: This chapter is dedicated to angie1520. Hi ganda! Hahaha ang ganda mo talaga! charr! Eto na yung pinapadedicate mo oh! Hahaha kaway kaway ^_^
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
***
Halos isang linggo na ang lumipas, pero hindi ko pa rin malimutan yung nangyari nung isang araw sa canteen.
At yung sinabi kong iiwasan ko na lang yung si CL eh parang hindi ko magawa!
Paano ba naman kasi paano ko naman iiwasan eh pagkapasok ko ng room eh akala ko ay maiiwasan ko na yung bwisit na CL na yun! Nakalimutan ko naman na katabi ko ng pala ng upuan yung isa ko pang kina aasaran, at walang iba kung hindi si Joseph!
At yun nga! Hindi ko naman akalaing may pagkamahangin din pala itong si Joseph na seatmate ko.
*FLASHBACK*
Kasi naman pagkaupo ko pa lang sa upuan ko eh napalingon ako dun sa may left side nung upuan ko which is sa may pwesto niya at hindi ko naman sinasadyang mapatingin sa kanya. Swear! Napatingin lang ako hah! Hindi ko tinitigan! Hindi ko talaga sinasadyang mapatingin, well hindi naman maiiwasan na mapatingin dun sa pwesto niya, syempre katabi ko lang yun eh!
Okay wait, why I'm so being defensive nga ba?
Well ito na nga yun nung mapatingin ako sa kanya, at ang hindi ko sinasadyang mapansin eh yung nakatingin pala siya sakin?Hmm?
Syempre question mark yun dahil hindi naman ako sigurado na kung sa akin ba talaga siya nakatingin. Malay mo dun pala sa may likod ko lang siya nakatingin o kaya naman eh may tutubi dun sa may likuran ko tapos nataon na nanghuhuli lang naman siya ng tutubi? Edi pahiya ako? Kaya naman mas mabuti siguro kung magtanong muna ako para hindi naman ako mapahiya kung sakaling hindi naman pala siya sa akin nakatingin.
"Bakit?" "Tingin ka?!"
Magkasabay pa yung tanong namin. So meaning na sakin nga siya nakatingin?
"Tsk tsk sinasabi ko na nga ba eh, ba't ka nakatingin sakin? Crush mo ko no?", may halong pang-aasar yung tono niya. Tss
At halos matawa naman ako dun sa sinabi niya. Nabingi na ba ako? O sadyang mahangin lang 'tong katabi ko?
"Ano kamo? Ako? may crush sayo? Hahaha umasa ka pa! At saka pa'no mo naman nasabi na nakatingin ako sayo? Siguro nakatingin ka rin sakin di ba? So? Baka naman ikaw ang may crush sakin? " ( sabay ngisi ko with matching hampas pa sa balikat niya habang tumatawa)
Kaya ayon siya at nagwalk-out hahaha. Napikon kaagad? Eh siya tong nagsimula eh.
Ang dami ko talagang tawa dun sa Joseph na yun. Malapit ng matapos ang recess namin eh hindi pa rin siya bumabalik. Ganun ba siya ka pikon? Hayaan ko na nga. Ipagpapatuloy ko na lang yung dinodrawing ko.
At kung minamalas nga naman ako ngayong araw no? Hindi pa ako nagsisimulang ipagpatuloy yung drawing ko eh bigla namang sumulpot si CL sa may harapan ko which is sa upuan niya at hindi naman sa pag-aassume eh sa tingin ko ay nakatingin siya sakin. 'Okay, 'wag mo nalang siyang pansinin Nath. Di ba umiiwas ka na ngang may makaaway?'-sabi ko sa sarili ko, sa isip ko lang.