Chapter 3

15 3 0
                                    

"Okay class maggu-groupings tayo ngayon para sa gagawin niyong project."

Ugh. Ngayong week na ang simula  ng mga paggagawa ng mga project namin para sa exam namin ngayong month.

"Hanggang next week lang ang pasahan at tuwing sa oras lang ng subject ko pwede niyong gawin."

"Ma'am ano po bang project ang gagawin?"

"Ma'am hindi po ba pwedeng gawin din yung project namin kapag may free time kami?"

"Ma'am pwede po bang kaming magkakatabi nalang ang magkagroup?"

"Ma'am madali lang po ba?" , isa isa ng nag-ingay ang klase kaya naman pinatahimik sila nung teacher namin. Ako naman nakikinig lang sa mga sinasabi nila.

Ano nga kaya yung gagawing project namin? Sana naman madali lang.

"Class! Keep quiet! Ipapaliwanag ko pa kung ano yung gagawin niyo. I will group you into 6. Pero para maiba naman, boys ang magiging leader sa bawat group. Napapansin ko kasi na hindi tumutulong yung ibang boys kapag grouping na yung project. Lagi niyo nalang iniaasa sa mga babaeng leader , hindi niyo ba alam na napapagod din sila? Tapos sila pa yung todo effort. Hindi niyo ba yun alam hah? Nakakapagod kasi kapag ikaw yung laging nag-eeffort eh, tapos hindi man lang nila naaappreciate yung mga ginagawa mo. Hay...", nagbuntong hininga pa si Ma'am pagkasabi niya nun.

"Nako si Ma'am nahugot"

"Haha Ma'am masakit po ba talaga?"

"Nako Ma'am iba na yan!", kantsawan pa nung mga kaklase namin.

"Haha sorry class na-carried away lang si Ma'am haha! So magstart tayong magcount dun sa dulo."

Nagsimula na silang magbilang para sa groupings. Sana naman makagroup ko sina Jean at Angelu.

"One","two", "three",...

"One", Jean

"Two"...

Shocks! Sana group 1 din ako para kasama si Jean

"Six",

"One", Angelu...

O group 1 din si Gelu! Sana ako din! Malapit na ako!

"Six",Joseph

"One"-ako...

Yes! Buti nalang kasama ko sina Angelu! Sana naman matino yung maging leader namin.

Tapos na yung counting namin kaya pinapunta na kami sa sari sarili naming grupo.

At alam niyo bang kagrupo din namin si CL. Well, sa araw araw ba naman na pangaasar niya sakin ay sanay na ako. Hindi na nga ako naiinis eh.

Pero nakakapanibago lang ngayon kasi ang tahimik niya sa klase, pati hindi niya rin ako inaasar.

Nakakapagtaka talaga. Hindi naman sa namimiss ko siya hah! Nakakapanibago lang talaga.

"Okay ang leader ng group 1, is CL. Kaya umayos ka CL hah?"

"Ma'am naman", ngingisi ngisi pa niyang sabi. Alam kasi nung teacher namin na may pagkapasaway si CL.

"At kayo namang mga member ng group 1, kapag hindi umayos yang leader niyo, kayo nalang ang bahala."

"Ma'am naman kawawa naman po kaming mga nasa group 1. Paano po kung hindi makicooperate itong si CL?", reklamo nung si Maisy na kagroup din namin. Hindi ko sya masadong ka close kaya wala akong masabi tungkol sa kanya.

"Hoy grabe ka naman Maisy! Natulong naman ako ah!"

"Alam ko na!", sabat naman ni Jean.

"Ano yun Jean?", tanong ni Ma'am.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 02, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Free FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon