1: Met

43.1K 322 12
                                    

7:09 AM.

Napamura nalang si Vice nang makita niya ang oras. 8 AM ang pasok niya, may meeting kasama ang big boss na thrice a year lang nangyayari, at sakto pang coding siya ngayon kaya wala siyang choice kung hindi mag-commute. Hindi naman kaya ng taxi ang bumyahe sa EDSA ng 30 minutes lang, kaya kailangan na niya talagang mag-jeep na sobrang sinusumpa niya dahil sa polusyon, at least lumilipad sa bilis.

Mahigit isa’t kalahating oras ang kailangan niya para makapag-ayos ng sarili. Para sa isang lalake, napaka-vain niya talagang maituturing. Pero dahil nga sa gwapo siya at maporma, wala rin namang duda kung bakit. Namomroblema tuloy siya ngayon kung paano pagkakasyahin ang 20 minutes sa paliligo, pag-aayos ng buhok, pamimili ng damit, at iba pa niyang mga seremonyas sa umaga.

Patakbo-takbo siya sa buong unit, pabalik-balik sa kwarto at sa CR. Mag-isa lang siyang nakatira dito kaya ang kalat-kalat, kung saan-saan lang niya kasi binabato ang mga marurumi niyang damit lalo na pag ganitong nagmamadali siya. Sabi nga ng mga kaibigan niya, kung gaano kalinis sa katawan si Vice, ganun naman kadumi ang unit niya.

7:32 ay tumatakbo na siya papunta sa sakayan ng jeep. Natatawa naman siya at sobrang proud sa sarili dahil first time niyang maging ganun kabilis kumilos. Kung ang trabaho mo nga naman ang nakataya, eh talagang kakaripas ka ng galaw.

Agad-agad namang nabago ang mood niya pagdating niya sa terminal. “Ah shit naman bakit ngayon pa.” Vice cursed under his breath. Dalawang ikot pa ang haba ng pila. Mabuti nalang at mabilis naman ang dating ng mga jeep at dire-diretso lang ang galaw ng pila. Pasakay na sana si Vice bilang huling pasahero ng jeep nang may lumapit sakanyang babaeng nakasuot din ng corporate attire at hingal na hingal.

“Sir, pwede bang mauna na ako? Nagmamadali kasi talaga ako eh. Please!” sabi ng babae habang inaayos ang gulo gulo nang buhok na tumatakip na sa mukha niya.

Napakamot naman ng ulo si Vice. “Nako miss ako rin eh, pasensya-“

“Unang araw ko kasi sa trabaho ko, sige na kuya maawa ka na.”

“Baka naman maging last day ko nyan sa trabaho ko, miss.”

Sumabad naman ang barker at tinuktok ang barya sa gilid ng jeep. “Pakiayos na po yan, maraming naaabala! Aalis na ‘tong jeep!”

Napahinga naman ng malalim si Vice. Naawa narin siya sa babae, at maganda rin naman ito at sexy kaya okay lang.

“Okay sige sasabit nalang ako.” sabi niya sa babae at nginitian ito.

“Thank you kuya, thank you!” at sumakay na ang babae. Sumabit narin si Vice at umandar na ang jeep.

Habang bumabyahe, hindi naman maiwasang magsisi ni Vice sa ginawa niya. Amoy usok na siya at ang aga aga pa. At para sigurong tanga tignan ang isang lalake na napaka-pormal ng suot na nakasabit sa jeep. Wala pa bang bababa sainyo dyan?! Inayos naman niya ang pwesto niya para makasandal sa estribo at maipasok ang ulo sa loob ng jeep. Nakita naman niya ang babae na pinasakay niya na tulog na tulog at nalalaglag-laglag pa ang ulo.

Napangiti naman si Vice. Guilty pleasure niya ang makakita ng mga taong ganito kapag nagcocommute siya. Masama man pakinggan pero hindi niya kasi talaga mapigilan. Nagising naman ang babae at sumilip sa bintana, tinitignan kung malapit na ba siyang bumaba o baka lumampas na. Napahinga naman siya ng maluwag at nag-ayos ng sarili.

Sa wakas naman ay may bumaba narin kaya nakaupo na si Vice. Tumingin siya sa kanyang relo, 7:54. Natatanaw na niya ang building, hindi pa siya late kung tatakbo na siya agad pagkababa.

“Manong para!” sabi ng babaeng pinasakay niya kanina. Nagulat naman siya. Pareho ba kami ng office?

Naunang makababa si Vice dahil mas malapit siya sa estribo, at nagulat din ang babae nang makita niyang pareho sila nang binabaan ng lalakeng nagpasakay sakanya kanina.

Fix You | ViceRylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon