FIN: Repariert

12.1K 287 48
                                    

6 AM.

Tahimik na naghihintay sina Billy at Vhong sa airport dahil antok na antok pa sila pero halata namang hindi narin sila mapakali. Palinga-linga ang dalawa tuwing may mga taong lalabas o di kaya’y mapapatayo pag may narinig na announcement ng arrivals.

Napakamot ng ulo si Billy at tumingin sa relo niya. He looked up and stared at the signs ahead. TUVWXYZ. Sa kakatingin niya dito ay hindi niya namalayang nakaidlip na siya ng ilang minuto.

Tinapik-tapik naman ni Vhong ang nakatulog nang si Billy at tumuro excitedly. “Brad, brad, si Viceral!”

Nagising naman agad si Billy at tinignan ang tinuturo ng kaibigan. He squinted his eyes and immediately stood once he has confirmed that it is indeed Vice, pero hindi naman sila nakita ng kaibigan. “O tara na, tara na!”

Nagtatatakbo agad sila papunta sa gate para salubungin si Vice. Natigilan naman sila nang makita nilang may kasamang magandang babae na may dalang baby ang kaibigan nila. Nagtatawanan sila habang nilalaro ni Vice ang kamay ng bata at nagme-make face pa para aliwin ito. May dala-dala siyang push cart na may dalawang maleta, isang black at isang pink. May bitbit din si Vice na bag na pinaglalagyan ng gamit ng mga baby na nakasabit sa balikat niya maliban pa sa malaki niyang backpack.

Nagkatinginan naman sina Billy at Vhong na parehong nakakunot ang noo. “Kaya pala nagpasundo..?” nalilitong sinabi ni Vhong.

Huminto sa paglalakad sina Vice at ang kasama nito. Nag-usap pa sila ng konti hanggang sa inabot na ni Vice ang nakasukbit na bag ng baby sa babae at ibinaba ang pink na maleta mula sa cart. Kinuha na ito ng babae at nag-wave na si Vice sa bata at pinanood ang mag-ina palabas ng gate habang nakangiti. Nakangaga namang tumitig lang sina Billy at Vhong nang mapadaan ito sa harapan nila, tila sinusubukang iprocess ang mga nakita nila. Hindi na nila napansin kung saan dumiretso ang mag-ina.

Natigilan nalang ang dalawa sa pagkatulala nila nang akbayan sila ni Vice at binatukan. “At nagbabalik na ang pinaka-gwapo.” sabi nito at nag-smirk.

“Anak mo ba yon Vice?” tanong ni Billy.

He gave them a puzzled look. “Huh?”

“Mag-ina mo ba yon?!”

Nang maintindihan na ni Vice kung anong sinasabi ng mga kaibigan niya, he burst out laughing at pinalo sa likod ng malakas ang mga ‘to. “Sira ulo hindi ko nga kilala yun eh. Katabi ko kasi sa plane kanina kaya tinulungan ko na. Eh ang cute pa nung bata.”

Natawa naman ang dalawa at bumitaw sa pagkakaakbay ni Vice. “Braaaaad! Gago ka nakakamiss ka rin pala!” sabi ni Billy at pinagsusuntok si Vice.

“Nawalan ng mahangin na tao sa office, hayop ka.” sabi naman ni Vhong at ginulo ang buhok ni Vice.

Binatukan naman sila ni Vice ng sobrang lakas at inayos ulit ang buhok niya. “Kakarating ko lang tapos ganyan bungad niyo sakin? Gago talaga kayo.” nagtawanan naman ang tatlo at nagsimulang maglakad papunta sa kotse ni Billy.

“So you’ll be staying here for good?”

“Oo. Ayaw niyo ba? Hoy tulungan niyo naman akong magbitbit dito! Di kayo makakatikim ng pasalubong, sige.” sabi ni Vice.

“Ang kapal mo, ang aga aga sinundo ka namin dito o. Gigising palang dapat ako kasi mamaya pa ang trabaho. Abala ka pa nga.” sabi ni Vhong pero kinuha rin naman ang luggage na dala ni Vice. “Bakit naman pala biglaan yung uwi mo? Pinadeport ka ba? Para kang gago, paano kung di kami nag-online nun? Edi kawawa ka dito?”

Nagsabi lang si Vice kanila Billy at Vhong na uuwi siya ng Pilipinas 5 hours before his flight thru email. Wala man lang siyang nabanggit sa dalawa na may balak siyang umuwi kapag nagkakausap sila, na bihira lang din naman dahil nga sa time zone differences at busy rin naman ang tatlo sa mga trabaho nila. “Baliw. Pilipinas naman ‘to, alam ko naman kung paano ako uuwi galing dito sa airport.”

Fix You | ViceRylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon