11: Wasted

12.3K 240 35
                                    

Play niyo yung sa multimedia para feel. Charot. :))

Nag-aalangang pumasok si K sa office ngayong araw. Kahit nga lumabas ng unit niya ay nagdadalawang-isip din siya. Natatakot kasi siyang harapin si Vice pagkatapos ng nangyari sakanila nung Sabado. Sinabi nalang niya sa pamilya niya nung hinanap nila si Vice sakanya na nauna na itong umalis dahil may emergency dito sa Manila at hindi na nakapagpaalam dahil tulog na silang lahat.

Kahit gaano niya ka-gustong bumalik lang ulit sa dati at normal ang kung anong meron sakanila ni Vice, alam niyang mahirap yun, if not impossible. Hindi niya talaga alam kung anong dapat niyang gawin o sabihin pag nagkita silang dalawa.

Pero sa kabilang banda, gusto niya ring makita ang kaibigan dahil nag-aalala rin siya dito. Umalis si Vice sa Baguio ng gabing-gabi na, halos madaling araw pa nga, at hindi man lang niya alam kung nakauwi na nga ba ito ng Manila. Nawala pa sa isip niya noon dahil sa sobrang galit na nakainom pa nga pala si Vice at wala pang tulog. Hindi naman niya kayang tawagan o itext ito dahil narin sa guilt. Paano kung naaksidente yon? Uulit na naman ba 'to?

Bumangon na siya at nag-simulang mag-ayos para makapasok. Ngayon nalang ulit siya papasok sa trabaho ng hindi kasama si Vice, at siguro simula ngayong araw, ganito na ang magiging set up. Kailangan mo nang masanay K.

Habang naghihintay ng elevator, panay naman ang dasal niya na sana hindi muna nito sakay si Vice. Monday nga pala ngayon, coding siya. Sana hindi rin niya 'to makasabay sa jeep. Naalala niya ang mga mata ni Vice nung nasampal niya ito, at mas lalo siyang nanghina at nakonsensya. Hindi niya talaga kayang makita ulit yun, or at least not now. Nakahinga naman siya ng maluwag nang walang Vice na tumambad sa elevator at sumakay na. Pagdating niya sa sakayan ng jeep, wala rin si Vice.

Dumiretso agad siya sa desk niya pagdating niya ng office at iniwasang tumingin sa direksyon ng pwesto ni Vice. Maaga pa, pero sinimulan narin niyang gawin ang mga naiwan niya pang trabaho last week. Napatingin siya sa orasan, 8 na. Dahil hindi narin nakayanan, pasimple siyang luminga-linga para tignan kung nasa mesa na ba niya si Vice pero hindi niya ito nakita. Baka late lang, as usual. Baka pinatay na niya lahat ng alarms na sinet ko.

Nagulat naman siya nang biglang may tumapik sa likod niya.

"Uy K! Hi! Kamusta? Nasaan si Vice?" tanong ni Vhong.

"Ha? Hindi ko alam, akala ko nga sabay-sabay kayong papasok ngayon."

"Eh diba kayo laging sabay? Tsaka diba magkasama kayo this weekend?"

Napayuko naman si Karylle. "Nauna siyang bumalik dito. Umalis siya sa Baguio nung gabi rin nung Saturday."

Nagkatinginan naman sina Billy at Vhong nang parehas na nakakunot ang mga noo.

"Pero hindi nga namin siya ma-contact kahapon eh, akala namin wala nang battery phone niya tapos wala lang dalang charger. Kung nakauwi na siya dito kahapon pa malamang naka-charge na phone nun." sabi ni Billy at kinuha ang phone niya at sinubukang tawagan si Vice. "Wala eh, can not be reached parin."

"Nasaan yun? Naiinis na si Anne, tambak na yung trabaho ni Vice. Kinatok mo ba sa unit niya kanina?" sabi ni Vhong.

Umiling si Karylle. "Hindi.."

"Teka nga, ano bang meron? Bakit pala hindi kayo sabay bumalik dito? Anong nangyari?"

Napahilot naman si K ng ulo niya. "Sira kasi kayo, bakit hindi niyo sinabi sakin na gusto ako ni Vice?"

Natawa naman ang dalawa. "Ano ka, lagi ka naming inaasar diba? Akala mo lang kasi joke lang kaya ganun. At halata naman, wala na kaming dapat pang sabihin. Baliw na baliw sayo yung tao." sabi ni Billy.

Fix You | ViceRylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon