[A/N: Lagpas isang buwan na pala haha pasensya na po. :)) Pagtiyagaan niyo sanang basahin hanggang dulo kahit mahaba. :D]
Naghihintay si Vice sa lobby ng condo nila habang nakasandal at nakapamulsa. Napangiti siya at dali-daling nagtanggal ng suot na earphones nang magbukas ang elevator at lumabas si Karylle. Hindi naman siya napansin nito at dire-diretso nang naglakad palabas kaya hinabol niya ito at tinabihan.
“Good morning.” bati niya.
Nagulat naman si K at ngumiti fakely. “Good morning.”
“Well narealize ko na tama ka sa sinabi mo kahapon, so magcocommute nalang ako starting today. Pwede bang makisabay?”
“Hindi naman sakin yung jeep, I can’t stop you from getting in even if I want to.” sagot niya at binilisan ang paglalakad.
Vice smirked. “Exactly.”
~
“Yung totoo brad, gusto mo ba siyang magkagusto sayo o gusto mo siyang mabuwisit sayo?” sabi ni Vhong pagdating ni Vice sa office. Natawa sila nang makitang badtrip na badtrip si Karylle pagkapasok habang si Vice naman ay ngiting aso.
“Nakakatuwa kasi eh, ang cute niya pag naiinis.” sabi ni Vice habang tumatawa.
“Uyyy. Seryoso ka na ata dyan kay Karylle eh?” panunukso ni Billy. Sinuntok naman siya ni Vice sa braso.
“Huy ulol. Hindi uso sakin yon, alam niyo yan. Trabaho na nga.”
~
“Sabay kayong pumasok ni Vice?!” pangungulit ni Coleen kay K pagdating nito.
“Oo kaya nga sira na agad yung araw ko eh.” sagot ni Karylle habang nagsisimula nang hanapin ang mga papel na gagawin niya ngayong araw.
“Kung ako lang talaga nasa pwesto mo, I’ll abuse that privilege. Diba you can ask him daw whatever you want? God, I’ll ask him to marry me.” Coleen then giggled and blushed.
K crossed her arms and arched her eyebrows. “Seriously Coleen, what’s with him that makes you so crazy? Because I can’t see it at all.”
“You really want me to enumerate? Hindi tayo matatapos dito.”
She’s fond of Coleen, mabait ito at masaya kasama. But she can’t help to roll her eyes when her friend starts to fangirl over Vice. Si Vice, para lang siyang naglalakad at humihingang kayabangan. Wala nang iba. “Oo nalang, girl. I’ll leave you with your fantasies. I am not interested.”
~
Lumipas ang ilang linggo na paminsan-minsan ay sinasabayan parin ni Vice si K sa pagpasok at pag-uwi kahit hindi siya pinapansin ni Karylle. Mas lalo namang nabuwisit si K dito pero hinayaan nalang niya, tutal eh nginingitian lang naman siya ni Vice at babatiin ng good morning kapag nagkakasabay sila.
Nasa isang beach resort ngayon ang buong department ng company nila for the whole long weekend. Unang araw nila ngayon at naging masaya naman ito so far buong magdamag, mas lalong dumami ang mga kaibigan ni K at mas naging close siya sa mga lagi niyang kasama na sina Coleen, Ryan, Jugs, at Teddy.
Habang nakabilog sa campfire ang lahat at kakatapos lang mag-dinner, tumayo at pumunta si Anne sa gitna ng circle at nagsalita.
“Okay, ito na ang most exciting part ng outing natin! 24 hours in heaven!”
Bumulong naman si Karylle kay Coleen. “Ano ‘to?”
“Last year lang ‘to nagsimula and gagawin na raw na tradition for every bonggang outing ng department. Magbubunutan ng isang babae at lalake tapos ikukulong sila sa isang room for a day, may wine na and everything, you know, romantic and.. naughty.” sagot ni Coleen at nag-giggle.
BINABASA MO ANG
Fix You | ViceRylle
FanfictionWhen she had already decided to enclose herself in a self-built world full of bitterness and hatred, up to what extent are you willing to give and do just to break in and be with her? AU/OOC fanfic ;)