Chapter 3.

674 38 11
                                    



➖➖➖➖➖

Mika's POV

Sa pag walk-out ni Riri napatingin kaming barkada kay Jessey napayuko siya at nakita kong may tumulong luha mula sa mga mata niya.

Agad naman akong tumayo at nilapitan siya. "Hey." tumingin ako kay Coach at nag nod naman.

"Okay so for now Mika, Ara, Kimy, and Mela are excused, samahan niyo muna si Jessey. Pero expect for a heavy training sa mga susunod na araw." Coach Ramil said at niligpit muna namin yung gamit at umalis na ng Razon.

.

.

.

.

.

"Grabe ang bigat naman nito Stick!" sabi ni Kimy paglapag ng maleta ni Jessey sa sahig at sumalampak na sa sofa.

"Tinutulungan ka na kasi kanina ayaw mo pa." Mela said. Nagkatinginan naman kaming tatlo ni Ara at Jessey oops.. awkward. HAHAHAH

Nandito kami sa condo ng barkada. Yes, may condo din kaming binili dito sa taft, bukod sa rest house namin sa antipolo.

Napatingin ako sa isang sulok ng sofa kung saan nakaupo si Jz at ang lalim ng iniisip kaya agad ko siyang nilapitan.

Sumunod naman din si Ara, Kimy at Mela at umupo dun sa sahig kung saan malapit kay Jz.

"O, San Juanico bridge nanaman yang nguso mo. You, okay bf? Problema mo?"

Nagpakawala muna siya buntong hininga bago magsalita. "Actually no. I'm not okay, nakita niyo ba yung reaction niya kanina? Di ko naman siya masisisi kung ganun.."

"Bf.. kasi sobra siyang nalungkot nung umalis ka bigla." I said.

"I know, and parang ang sama ko, hindi na pala parang ang sama ko na talaga dahil sa pag iwan ko sa kanya bigla." nakita ko namang may tumulong luha mula sa mga mata niya kaya agad kong inabutan ng tissue.

"Ganto kasi yun stick, yung first 3 weeks pagkatapos ng flight mo hindi talaga namin iniwanan yan si Riri." Mela said.

"Everyday kaming nandito or nandun sa condo niya para bantayan siya. At bakit? Kung hindi umiinom, nagmumukmok naman siya buong araw. Tsaka hindi talaga siya kumakain." Ara said.

"Hindi lang naman siya yung nalungkot eh, pati din naman ako. Pero alam kong mas masakit sa kanya kasi nga iniwan ko siya ng walang paalam." she said.

"Pero thanks to god nalang talaga nung may dumating na invitation sa kanya sa national team, dun na nagbalik yung dating Riri. Yung palangiti, makulit, maharot, lahat na dahil may nakilala siya na mas nagpapasaya sa kanya." i said at napatingin naman siya sakin.

Yung tingin niya na parang may alam siya, na gets niya yung sinasabi ko at alam niya kung sino yun.

"Alam niyo guys... gutom lang 'yan, gutom na din ako." Kimy said at natawa naman kami binatukan naman 'to ni Ara. "Aray bruh!"

"Yang gutom mo ilagay mo sa lugar. Kitang mga nag ddrama eh, panira ka ng moment." anya ni Mela.

"Eh gutom na nga ako! Hindi ako makakapag hugot ng maayos kapag gutom ako." sagot naman ni Kimy.

"Paano ka hindi magugutom, eh hindi ka nga daw kumakain ng maayos?! Tignan mo ang payat payat mo na!" sagot din ni Mela.

"Tsss.." tanging sambit ni Kimy.

Love Will Find A Way (Book 2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon