➖➖➖➖➖Riri's POV
Nandito kami sa resthouse with barkada except Mika syempre. Kinakailangan pa naming mag sinungaling na may mga kanya kanya kaming lakad para di niya kami mahalata.
Kanya kanyang assign kami. Si Ara sa mga balloons, si Kimy at Mela sa pag di-dikit. Si Jessey naman sa pag d-drawing at lettering at ako naman sa pag aayos ng table.
"Araaaa ubos na yung pentel pen!!" sabi ni Jz.
"Ha?! Wait wala na kong pentel dito! Ubos na!"
Sumingit naman ako sa usapan nila "Teka may pentel ata ako dito." I said at tinignan yung bag ko at nakakuha nga ako ng pentel agad ko namang binigay sa kanya.
"Yay savior! Thank you Ri!" Jz said at nginitian ko siya.
Napatingin naman samin yung barkada na tila nagulat at nagtataka.
"What?!" sabay naming tanong ni Jessey
"Ah wala amoy ano kase." sabi ni Kimy.
"Sarili mo lang yun Ate Kimy." I said.
"Gago ka ah!" sabi ni Kimy sabay bato ng scotch tape pero nasalo ko naman. "Pero amoy talaga."
"Ligo ligo din kasi Wafs!" sabi ni Ara.
"GAGA DI KASI YUN ANG SLOW NIYO NAMAN HAY KAINIS." sabi niya at bumalik na sa pag di-dikit.
Nagkibit balikat nalang kami bumalik na sa pagtutulong. Natapos na ako sa table kaya tumulong nalang ako kay Jessey sa pag le-lettering.
"Anong letter na?" tanong ko.
"Dun ka nalang sa letter F, O, and R, ako na sa E, V, E, R." sabi niya at sinunod ko naman 'yun.
.
.
.
.
.
"Ayan may forever na!" parehas naming sabi ni Jessey at itinaas yung mga letterings.
"WEH DI NGA MAY FOREVER?!" sabay sabay sabi nila Ara.
"Sa inyo pa talaga nang galing yan ah." Mela said at nagsitawanan naman sila.
"Lul niyo." Napatingin naman sakin si Jessey at napailing nalang.
* Kriiiiing kriiiiing Kriiiing *
"Ri! May tumatawag sa phone mo!" sabi ni Kimy. "Bae daw!"
Agad agad ko namang kinuha at sinagot yung phone ko. "Hi bae!! Miss mo na agad ako?"
"Pili ka sa dalawa batok o suntok?"
"HEHE hello ah!"
"Che." she said sa kabilang linya natawa naman ako, ang cute talaga nito.
"O, ba't ka napatawag?"
"I need your help huhu ang tanga ko kasi."
"Bakit ano nangyari?" tanong ko.
"I left my clearbook sa condo mo. Huhu kailangan ko na yun ngayon eh."
"Tanga nung clearbook bakit kasi nagpapaiwan!" I said. "Oh sige na, hatid ko nalang sa'yo."
"Are you sure? Eh diba nasa antipolo ka? If you want kunin ko nalamg susi dun sa office ng building ng condo?"
"Yup and no, pupunta ako diyan don't worry mabilis lang 'to."
BINABASA MO ANG
Love Will Find A Way (Book 2)
Fanfic"Kahit gaano pa katagal yan, kahit abutin pa ng 5 years or 10 years. Hihintayin ko siya, mahal na mahal ko eh." - Riri. Book 1; Love Will Keep Us Together