➖➖➖➖➖Riri's POV
Dali dali kaming bumyahe ni Bea dun sa sinabi ni Miks kung nasan si Jessey. Pagkarating namin agad akong bumaba at sumunod naman agad si Bea.
Pagkapasok ko ang daming tao, ang lakas ng music, ang kapal ng usok galing sa mga naninigarilyo. Agad kong ginala yung mga mata ko para makita siya.
"There you are." sabi ko ng makita ko si Jz malapit sa dance floor at may hawak na beer mug. Dali dali ko siyang nilapitan.
"Yow!!! What are you doing here?" tanong niya sakin, bakas mukha naman siyang nagulat na nasa harapan niya ako ngayon.
"Ako dapat mag tanong sayo niyan. What are you doing here? At ikaw lang mag isa pumupunta ng gantong oras sa ganto?"
"Masama ba magsaya? Hahaha! Nandito na ulit ako oh. Mga busy kasi yung mga yun, so pumunta ako mag isa." she said at uminom ulit ng sa beer mug niya. "Tikman mo dali, tequilla!" utos niya at itinapat niya sakin yung beer mug.
Tinikman ko yun at di mapawi yung mukha ko sa lasa. Nanlaki yung mata ko.
"What the fuck?! Tequilla tapos diyan nakalagay sa beer mug, are you serious?! Puno yan kanina noh?!"
"Galit ka na niyan?" -______-
"Sino di magagalit kung ikaw lang mag isa tapos ganyan ka? Paano kapag di ako tinawagan nila Mika?" i said at napatingin naman siya sakin. Agad ko namang binawi yung eye contact namin. "I think you're drunk. Tara na!" sabi ko at hinila ko kamay niya.
Bumitaw naman agad siya kaya napalingon ako. Umiling siya at tsaka inakbayan ako at sumasayaw sabay sa beat ng music.
Napatingin ako sa gilid kung saan nakatayo si Bea at pinapanood kami. Nakita niya namang tumingin ako sa kanya at nag sign ako ng 'wait.'
"Kuya! Isang tequilla pa nga!" sigaw ni Jessey.
"Hindi na. Tara na." i said at hinila ulit siya pero tinanggal niya ulit.
"Ayaw ko pa! Ang aga aga pa eh." she said. "Ikaw umuwi ka na, wala naman akong sinabi na pumunta ka dito. Baka naabala pa kita, kayo." sabi niya sabay turo kay Bea at pumunta ulit sa counter at umupo.
Napahawak nalang ako sa ulo at tsaka tumabi sa kanya sa counter. "Ish! Jessey let's go!"
"AYOKO!"
Ang kulit, palibhasa kasi lasing.
"Ano bang problema mo at umiinom ka?"
Uminom ulit siya sa beer mug bago mag salita. "Paulit ulit?! Mashama ba mag shaya??"
The next thing is nagulat siya sa sunod kong ginawa. "AHHHH! RIRI IBABA MOW KO!!!" binuhat ko lang naman na parang sako, ayaw umuwi eh.
"Wag kang magulo!! Mahuhulog ka sa ginagawa mo eh!" sabi ko habang naglalakad palabas ng bar. Siya naman sipa ng sipa para makababa.
"Ibaba mo 'ko!!!! Ayoko pa umuwi!!!!!"
"No! I uuwi na kita sa ayaw at gusto mo!" nakarating na kami sa tapat ng kotse at binaba ko na siya. "Look, you're drunk!"
"I'm. Not. Drunk. Okay?" she said nagulat ako ng tumakbo siya sa gilid at nag suka.
"You're not drunk pala ah. Ayos yan."
"O, painumin mo ng water." Bea said sabay abot sakin ng bottled water. Agad ko namang inabot sa kanya.
"Matutulog na 'ko." Jessey said. At pumikit habang nakaupo.
BINABASA MO ANG
Love Will Find A Way (Book 2)
Fanfic"Kahit gaano pa katagal yan, kahit abutin pa ng 5 years or 10 years. Hihintayin ko siya, mahal na mahal ko eh." - Riri. Book 1; Love Will Keep Us Together