Chapter 5.

792 32 11
                                    





➖➖➖➖➖

Jessey's POV

KRIIIIIIIINGGGGG!

"Ugh tsk!"

Ang aga aga may tumatawag. Pwede bang matulog muna yung taong may hangover?!

KRINGGGGGGGG KRIIIIIIIINGGGG!

"Argh putek!" Kinapa ko yung phone ko at sinagot, without looking kung sino yung tumatawag. "Hello?"

"Goodmorning bamboo stick!!" sabi sa kabilang linya, napakunot naman noo ko.

"Dan i have hangover, pwedeng matulog muna?" I said at gumulong sa kama at nagtakip ng unan sa mukha ko, nakakasilaw yung sinag ng araw.

"What?! At bakit ka naman uminom ha?"

"Bakit masama?!"

"Paano kapag sinabi kong oo? Papalag ka?!"

"Ish bahala ka diyan ibababa ko na 'to, matutulog pa 'ko."

"WAKE UP! Paano date natin?!"

"Date your face! Oo na maya maya."

"Kilig ako. HAHA sige na i'll text you nalang, see you bamboo stick!"

"Alright." i said at binaba na phone ko. Nagpagulong gulong ako sa kama at dumapa dahil antok na antok pa 'ko.

Napa diretso ako ng higa ng maisip ko, paano ako nakauwi? Tumingin ako sa paligid at nanlaki mga mata ko, hindi ko condo 'to!!!

Napatingin ako sa picture frame na nasa gilid ng kama ko. Si Riri?! Paano't?? Kaya pala mukhang familiar 'tong kwarto sakin..

Pero nasaan siya ngayon?

Bumangon na ako ng kama, at umalalay sa ding ding medj masakit kasi ulo ko. Hangover shizzz.

Lumabas na ako ng kwarto at bumungad sakin yung sala. Pagkatingin ko sa malapit sa couch nakita ko sila Riri at Bea na mahimbing na natutulog.

Mapait akong napangiti, parang dati lang ako yung nakakatabi ni Riri ah, ako yung pag gising ko sa umaga, may nakadagan na kamay sa tyan ko dahil sa yakap niya.

Pumasok ulit ako sa loob ng kwarto at naghilamos, pagkatapos nun kinuha ko na yung gamit ko at lumabas ng kwarto.

Palabas na sana ako ng pintuan ng biglang humawak ng kamay ko. Napalingon naman agad ako. "Oh Bea, nakakagulat ka naman why?"

"Ay hehe, di na po kayo magpapa alam kay Ria?"

"No na, mahimbing tulog eh. Hehe." sabi ko.

"Ah, Ate Jessey i know di tayo masyadong close nung UAAP days natin pero sana ngayon, maging ka close tayo." she said.

"Oo naman, from now on close na tayo ha? Haha." I said. At natawa naman siya "Bea, thank you ha?"

"Thank you for what po?"

"Thank you for everything, thank you kasi nanjan ka lagi sa tabi ni Riri. Nung panahon na iniwan ko siya.." i bite my lip para iwas tulo ng luha. "Sige una na 'ko ha? Pakisabi nalang kay Riri, thank you."

Pagkatapos kong sabihin yun, lumabas na agad ako ng condo ni Riri, kasabay nun yung pagpatak ng mga luha ko.

.

.

.

.

.

Love Will Find A Way (Book 2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon