Tiwala(2)

7 0 0
                                    

Tiwala#2: Pagpapatuloy.

Crystal Selena Rodriguez' POV.

Maaga akong gumising ngayong araw.

Pasukan na naman. Anong aasahan sa isang tulad kong studyante kung hindi ako babangon ng maaga?

Morning shift ako nailagay kaya kinakailangan.

Matapos ang lahat ng aking kailangan gawin ay naghunos-dili ako patungong skwelahan. Iilan pa lamang ang mga istudyante tulad ng inaasahan. Katamaran ang sumakop sa kanila. Konting oras na lang ay magsisimula na ang Flag Ceremony.

"Best friend! Magkaklase tayo!" Narinig ko ang isang grade 7.

"Buti naman best friend! Kamusta bakasyon?" Marahil yung tinawag no girl1.

"Nagpunta kami sa Laguna! Nag swimming kami sa isang resort dun."

"Astig!"

Hindi ko na sila pinakinggan pa. Mayamaya ay may lalaking kumalabit sa akin. Ng malingunan ko siya ay nanariwa ang ilang mga ala-ala.

"Masaya talagang makakuha ng high grades! Salamat pala sa pagpapakopya ha?…

Mahal…"

"Bakit?" Casual na tanong ko.

"Ah. Itatanong ko lang sana sayo kung dito yung section 4?"

"Oo." Sagot ko sabay lingon sa harapan.

"Ahhh. Okay. Ano palang pangalan mo?" Tanong niya.

Hindi na nya ako kilala.

Sino nga naman ako para maalala ng isang John Frits Kingston? Isa lang naman akong nobody.

"Hindi mo na ako kailangan makilala. Hindi rin naman kita bibigyan ng permiso." Saad ko.

"Ang suplada mo naman. Siguro may gusto ka sa akin?"

Kapal ng mukha. Mabuti na at matagal ko ng alam yun.

Hindi ko siya inimik. Nagsimula ang flag ceremony.

"Silence means yes." Tudyo pa nito sa pagitan ng pagkanta ng lupang hinirang.

Kumanta lang ako ng mahina. Wala akong pakielam sa iisipin niya. Utak nga yan eh. Paki ko dyan?

"Gusto mo nga ako. Miss Crystal."

Dito. Agaran ko siyang nilingon.

"Ate Keisha. Madaldal po siya." Pagtawag ko sa girl scout na nakatokang magbantay rito. First day of school pero may mga scouts na agar.

"Sige. Salamat Selena." Nginitian niya ako at kinausap si Kingston.

Pagpasok sa room.

Nagpakilala na ang lahat. May ngiting-ngiti, pa cute at kung Ano Ano. Mga studyante, ambabata pa. Marurunong ng lumande.

Parang hindi ka naman ganyan dati.

Matutuong magbago. Ika nga nila.

"Crystal Selena Rodriguez. 14. Keep off" casual Kong saad.

Mukhang natakot naman ang iba.

"Oohhh. Ikaw pala si Selena. Dude. Diba naging girlfriend mo na yan?" Siniko pa ng isang lalaki yung katabi nyang si Kingston.

Tunay Na LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon