Tiwala(3): Kilala
Crystal Selena Rodriguez' POV.
Tulad kahapon. Nakapila nanaman kami rito sa school grounds. Hindi pa magsisimula ang flag dahil wala pang gaanong istudyante sa maagang or as na ito. Iilan pa lamang ang naririto. May naglalaro sa cellphone. Nagsusulat. Nagdadrawing. Nakikipagusap. At meron ring nagbabasa lang ng tahimik sa sulok.
Ako. Nakatingin lang sa cellphone ko. Nagbabasa ng wattpad. Sa kalagitnaan ng pagbabasa ko ay natabing ng isang lalake ang cellphone ko, na naging dahilan ng pagtilapon nito. Saglit akong sumulyap sa kawawa kong cellphone bago nilingon ang isang lalake at babaeng naghaharutan kanina lang.
Parehas silang natigilan sa kanilang ginagawa at nakipagtitigan sa akin.
"Anong problema nyo sa phone ko?" Mahina kong tanong. "Kung may galit kayo sa isat isa o maghaharutan kayo. Pwede ba yung walang madadamay at makakakita?"
Nabato na ata sila sa kanilang kinatatayuan. Ni hindi na ata humihinga eh.
Tumayo ako para pulutin yung phone ko at nakita kong nagasgasan ang gilid. Napailing na lamang ako at hindi na nilingon pa ang dalawa. Itinabing ko sa aking ulo ang hoodie na walang mangas. Hindi ito gaanong hapit sa aking katawan kaya gustong-gusto ko ito.
Naglakad ako patungong dulo ng school grounds. Maaga pa. Doon na muna ako magbabasa.
Sa pagdaan ko sa dalawang babaeng magkaausap. Nakarinig ako ng isang balita.
"Alam mo girl? Yung dalawang naghaharutan kanina? Girlfriend ni John Frits yung isa."
"Talaga? Eh mukhang sila naman nung kaharutan niya ah? Ano yun. Manloloko?"
"Ata? Kasi two timer. Ay hindi lang pala two timer. May kaholding hands pa yan kahapon na iba."
Hanggang sa di ko na narinig ang nga boses nila. So hinuhusgahan na nila agad yung babae? Ni hindi nga nila kilala tapos ang galing magsipagkomento.
Bakit na hindi maalis yan sa ilang kapwa ko kabataan ngayon? Hayzzz.
Bahala nga sila. Di ko naman problema yang mga yan eh.
Ipinagpatuloy ko na lang ang paglalakad. Ngunit sa kasawiang-palad. May nakabungo ako,na siyang naging dahilan ng pagkahulog na naman ng cellphone ko.
Seriously? May galit ba si tadhana sa phone ko? Magiging hadlang ba tong phone na to sa mga dapat mangyari?
Sa lalim ng iniisip ko ay nakita kong natapakan na yung phone ko.
"Huy. Cellphone o? Kanino kaya to? Samsung pa to ah?" Ngising-ngisi naman yung lalaki.
"Akin na nga brad. Patingin." Hinablot naman nung isa yung phone.
"Wow. Sino naman kaya nakalaglag nyan?" Sabat pa ng isa.
"Pwede ba. Ibalik nyu yang phone nya." Sabi naman ng lalaking nasaharapan ko.
"Kenji naman. Wag kang kj. Hindi naman natin kilala kung sinong nagmamayari nito." Yung lalaking nakapulot.

BINABASA MO ANG
Tunay Na Life
Teen FictionAno nga ba talaga ang buhay? Pagsubok? Kasiyahan? Paghahanap ng kasagutan? Pagaapriciate ng gawa ni Lord? Ano nga ba? Tuklasin nyu na hindi lahat ng nababasa sa isang storya o napapanood sa isang palabas ay maaaring mangyari sa atin. May happy and s...