Nakaraan(1): Kasalukuyan
Past is past. Alam ko. Pero masisi nyo ba ako kung kayo mismo makaranas ng lahat ng ito?
Namatay ang mga magulang ko kasabay ng pagkacomatose ng nakababata kong kapatid.
Ilang buwan matapos ilibing ang nanay at tatay ko ay iniwanan ako ng tita ko. Tapos, ipinamigay nila ako.
Sa una. Masaya. Kasi mabait naman sila sa akin.
Pero, pagpapakitang tao lang pala ang lahat. Dahil sa bawat paglipas ng araw ay unti-unti kong nakikita ang tunay na Rivas family.
Malupit. Masama. Nakakatakot.
Isa sila sa drug dealers ng Pilipinas. At ako, utusan.
Uutusan nila akong kuhanin ang ganyan. Linisin to. Ligpitin yan. At ayusin yun.
Naisip ko na lang na mas malala pa ang ganitong klase ng pamilya kesa sa pamilyang inadopt ka lang.
Adopt na nga ako. Masama pa ang napuntahan kong pamilya.
Pero ang pinakabangungot ko?
Yung utusan nila akong patayin ang isang tao.
Hanggang sa ngayon. Naaalala ko pa rin ang pagmamakaawa ng kawawang bihag nila.
Marahil sa sobrang takot kaya namatay siya, bago ko pa makalabit ang gatilyo ng baril gamit ang nanginginig kong mga daliri.
Hindi nagtagal ay nahuli sila. At ako, ipinadala sa DSWD.
Sa edad kong 16. Hindi maikakailang magaling na akong lumaban.
Nahuli sila ng dahil sa akin. Tumakas ako noon sa hide out nila at nagsumbong sa mga pulis. Sa una, pinagtawanan nila ako. Mabuti at may dala akong ebidensya. Mga litrato.
Nagkabarilan sa loob ng hide out. Ngunit pumwesto lang ako sa huling lugar na maaari nilang pagtakasan. Diya't lumitaw ang isang matandang lalaki. Ang puno't dulo ng lahat.
Kaagad kong kinalabit ang gatilyo ng baril. Na nakatutok sa kanyang ulo. At tapos na ang lahat.
Pero, hindi pa rin maiaalis sa akin ang akong nakaraan kaya namumuhay ako ngayon kasama ang isang military.
Ipinasok ako rito dahil sa nakitang potensyal ko. Kasabay na rin nito ang libreng pagpapa-aral sa kin.
Ako si Liam Vince Guico. Isang batang nakatakdang maging sundalo sa mga susunod na taon.
Yey! Another story I've think. Sa totoo lang. Hindi ako marunong mag-isip ng plot. I just GO WITH THE FLOW.
MM/LM: LoVeS yAh!
BINABASA MO ANG
Tunay Na Life
Novela JuvenilAno nga ba talaga ang buhay? Pagsubok? Kasiyahan? Paghahanap ng kasagutan? Pagaapriciate ng gawa ni Lord? Ano nga ba? Tuklasin nyu na hindi lahat ng nababasa sa isang storya o napapanood sa isang palabas ay maaaring mangyari sa atin. May happy and s...