Nakaraan(2)

2 0 0
                                    

Nakaraan(2): Mga Kaibigan

Liam Vince Guico's POV.

Kasalukuyan akong nasa skwelahan na pinagpasukan sa akin ni Uncle Topher, isang sundalo. Grade 12 lang ako dahil inabot ako ng k-12.

"Vince!" Pagtawag sa akin ng isa kong kaibigan.

"Bakit Jackson? Anong kailangan mo?"

"Pag ba tinawag kita, may kailangan na agad?"

Nagkibit-balikat ako.

"Kailangan ko kasi ng tulong mo."

"Akala ko ba? Tinawag mo lang ako dahil may sasabihin ka?"

"Huh? Wala akong sinasabi. Tinanong lang kita kanina."

"Aish. Anong tulong ba?" Tanong ko.

"Si Crys--

"JACKSON DELA CRUZ?! HUMANDA KA TALAGA SA KIN!" narinig kong sigaw ng isang babae.

"Wah! Itago mo ako Vince. ITAGO MO AKO! AYAW KO PANG MAMATAY!!" Naghihisterical na sigaw ni Jackson.

Isang galit na galit na maliit na babae ang lumapit sa gawi namin.

"Jackson. Wag. Kang. Magtago. Dyan."

"Wahh! Vince! Tulungan mo ako huhuhu." Nagiiyak-iyakan na saad ni Jackson.

"Ano bang kasalanan mo sa kanya ha?" Tanong ko naman Kay Jackson.

"GRR. ASAAN NA YUNG FRENCH FRIES KO?!" Galit na sabi ng maliit na babae.

French fries?

"Dahil sa French fries?" Ako.

"Huhu. Inubos ko kasi yung pinahawak niyang French fries. Ang sarap kasi eh." Jackson.

"WAHH. YUNG FRIES KO!! BILHAN MO AKO NG BAGO KUNDI. TITIRISIN TALAGA KITA!" Ung babae.

"Crystal naman. Wag mo naman ako tirisin. Bawal ng lumabas eh. Sorry na o?" Jackson.

"Sorry?!" Sigaw naman ng isa sabay habol kay Jackson na siyang humila ng uniporme ko para makaiwas. "Tingin mo maibabalik ng sorry mo ang FRIES KO?!"

Naalala ko na lang na may French fries ako sa bag. Iniabot ko ito sa babae.

"Teka? Para sa kin?" Nangingislap ang mga matang tanong nito.

"Oo. Sayo na." Sabi ko ng may alanganing ngiti.

Tinalunan naman ako nito ng yakap.

"YEHEY! BUTI KA PA! SALAMAT!" Sabay kuha ng fries at nagtatatalong kina in to. "Pasalamat ka at may fries siya. Kung hindi. Titirisin talga kita." Nakangiting sabi nito sabay alis.

Naaalala ko sa kanya ang nakababata kong kapatid. Kahawig niya.

"Sino ba yun?" Tanong ko.

"Si Crystal. Pwewhh. Buti at may fries ka dyan. Kung hindi, wala ng Jackson sa mundo."

"Hoy. Utang yun."

"Oo! Libre na lang kita mamaya ng recess at lunch. Salamat talaga brad."

"Sigurado ka bang kaya kang tirisin ng babaeng yun? Eh halos hanggang balikat ko lang naman yun. Tuss, magkasingheight tayu.'

"Oo brad! Baka akala mo, malakas ang babaenh yun! One time sinikmuraan ako nun, halos sumuka ako ng dugo sa sakit! Ang liksi pa man din nun!"

"Haha." Kamukha talaga niya ang kapatid ko. Kamusta na kaya yun?

Ang huli kong nabalitaan tungkol sa kanya ay kinuha siya ng uncle ko.

"Paano? Kita na lang tayo mamayang recess." Sabi no Jackson sabay tapik ng balikat ko.

"Ghe brad." Iniangat ko ang kanan kong kamay na sign ng pagpapaalam.

"Hoy Jack! Nakita mo si Miko?" Aba. Bumalik si Crystal.

"Kanina mo lang naman ako iniwan dito. Kaya di ko alam."

"Oo o hindi lang naman ang sagot. OA mo naman."

"Kanina." Pagsasalita ko. Lumingon naman sila. "Bago ko kayo makasalubong eh nakita ko siya sa tapat ng gym."

"Hays. Saan kaya pumunta yun? Nga pala, salamat kuya??"

"Vince."

"Kuya Vince." Sabi nito sabay hatak kay Jackson. "Yung kambal na muna ang hanapin natin."

Nakakaaliw lang tignan. Kamukha nya talaga yung kapatid ko. Mas mature lang ang itsura nya. Marahil ganyan din ang itsura ngayon ni Madison.

Huminga ako ng malalim at nagtungo sa klase.

Bawat pagalala ko sa nakaraan. Nakikita ko lang ang isang madilim na lugar na puno ng dugo.

Minsan, iniisip ko na, sana hindi na lang ako nabuhay. Kung puro paghihirap ang mararanasan ko. Dinaig ko pa ang isang malas na tao eh.

Pero dahil nabubuhay pa ako, go with the flow na lang muna.

Pagkapasok ko sa klase ay tahimik na ang lahat. Sige subukan nyung mag-ingay ipadetention ko kayo. Ayaw ko sa mga maiingay sa klase, kasi bilang Head of Disciplinary Committee, akong ang syang tagadisiplina rito. Kaya kahit ako, di ko sila kinakausap.

-••-recess-••---••••-•

Sa loob ng 1 oras. Balik na agad kami sa klase. Hindi ko naman kaagad mahagilap si Jackson so nagdesisyon akong bumili na ng sa akin. Pipila pa lamang ako ay narinig ko na si na Jackson. Ang lakas ng boses eh.

"Jackson." Nanggigigil na saad ng isang babae. Hula ko si Crystal yun.

"Wahhhh. Eh sa wala siya sa classroom eh. Bitawan mo naman na yung tenga ko please? Wahh. Hoy kayo. Tatanghod na lang ba kayu? Di nyu man lang ba ako tutulungan?" Daing ni Jackson.

"Teka? Sino ba hinahanap nyo?" Isa pang boses ng babae. Sino naman kaya yun?

"Si-- UYY! HAYUN PALA SIYA EH! KUYA VINCE!!!" Sigaw naman ni Crystal. Agaw pansin. Haha.

Lumingon ako at nakita ko siyang nakangiti ng sobrang laki at kaway ng kaway.

Ngumiti ako at nagtaas ng kanang kamay. "Yo!" Pagbati ko.

Binitawan naman na nya ang tenga ni Jackson. Namumula na ito.

"Brod! Saan ka ba nagpupupunta? Alam mo bang halos pilasin na ni Crystal tong tenga ko?" Reklamo ni Jackson.

"Hinahagilap din kasi kita kanina. Hindi naman kita nakita kaya nagdesisyon akong pumunta rito sa canteen." Nilingon ko naman sina Jock, Jick at Miko. "Yo." At tinanguan naman nila ako.

"Jack! May utang ka pa!" Ung isang babae na kasama nila.

"Ayy oo nga Jack! Buti ipinaalala nitong si Thea. Dali Jack! Damay mo na kaming lahat!" Si Crystal.

"Eh?!" Nagkamot ng ulo ang loko.

"Hahahaha."

Binilihan niya kami ng French fries.

"Ayos! Favorite!" Tuwang-tuwa naman si Crystal.

"Tara Crystal. Dun tayo sa garden." Suhestyon naman nitong si Thea.

"Tara madlang people. Let's go sago!" Energetic na sabi ng kambal.

"Hi." Bati ko naman kay Thea ng medyo malayo kami sa kanila. "Ako nga pala si Vince. Liam Vince Guico."

"Thea. Althea Lathes. 17."

"Ahh. Ako naman ay 18." Napahinto ako dahil sa apelyedo nya.

Hindi kaya--??? Baka kaapelyido lang. Hayzz.

"Bakit parang natigilan ka?"

"Ahh wala. Tara. Nahuhuli na tayo." Sabi ko na lang sa kanya.

999 words.

MM/LM: LoVeS yAh.

Tunay Na LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon