Una

745 7 0
                                    

"C'mon Nath, kailan ka ba matututo?" Napairap ako dahil sa sinabi ng bestfriend kong si Anjanette kahit na hindi naman niya kita at sa phone lang kami nag-uusap. Hindi siya nagmimintis ng araw na pinagsasabihan ako. 


"Anj, I really need to go. Naggo-grocery ako." Wala naman kasing bago sa sinasabi niya. Araw-araw na lang na ganito. Alam naman niyang pinapalabas ko lang sa kabilang tenga yung mga naririnig ko. Somewhat nakakasawa na din minsan.


"Nath, kaibigan mo ko." Napabugtong-hininga ako dahil sa sinabi niya. Binalik ko ang cereal na hawak ko sa shelf at napatulala. 


"I know Anj. It's just that-"


"Mahal mo?" Napalunok ako. Dahan-dahan akong tumango habang nakapikit. Dinig ko ang frustrated na pagbuntong-hininga ni Anj. Dahil alam naman nya ang sagot.


"Wag ka lang tatakbo saking umiiyak ka Nath. Mapapatay ko yang Gab na yan." Yun lang at ibinaba niya na ang tawag. Muli akong napabuntong-hininga. Ano bang mali sa ginagawa ko? Ano bang mali sa magmahal? Lahat ng taong nakakakilala sakin at alam ang sitwasyon ko ay iyon ang sinasabi. Na mali ang paraan ng pagmamahal ko. Kailan ba nagiging mali ang pagmamahal?


Umiling ako. Labas sa kabilang tenga ang narinig mo Nathalie. Mahal mo si Gab. Mahal ka niya. Yun ang mahalaga. After ng ilan pang iling ay pinagpatuloy ko na ang pag-grocery. Masyado na kong natatagalan.


"Nathalie?" Napatingin ako sa tumawag sakin. Mestiso na may matangos na ilong, may expressive na mata at red na lips. Di rin tumakas sakin ang mapaglarong ngiti sa kanyang labi.


"Nathalie Castillo?" Napangiti ako.


"Jimenez." I said casually. Nakangiti siyang lumapit sakin.


"Akala ko nakalimutan mo na ko." Elijah Jimenez. Bakit ko siya makakalimutan? He's my love's bestfriend for pete's sake. Sinuklian ko ang yakap niya.


"Kelan ka pa nakauwi? It's been 4 years? Tama ba?" Nagtuloy ako sa paglalakad. Sumunod naman siya.


"Akin na nga muna yan." Kinuha niya ang basket ko na puno ng de lata at cereals.


"Kahapon lang. Medyo may jetlag pa nga. Yep. Matagal-tagal din." Napangiti ako habang nag-iistroll kami. Classmate kami nung high school. Then nung college, magkaiba kami ng university. 2nd year college ng pumunta siyang US. Masaya ang naging kwentuhan namin ng bigla kaming madaanan na nag-aaway na dalawang babae dahilan para huminto kami saglit. Nakaharang sila sa daanan.


"Walanya kang kabit ka! Ang kapal ng mukha mo! Magkano ba binibigay sayo ng asawa ko ha? Magkano? Parausan ka lang!" Napalunok ako ng mapagtanto kung anong away ang nagaganap sa harap namin. Patuloy ang pagsabunot at pagsampal nung 'legal' dun sa 'kabit'.


"Maninira ka ng pamilya! Alam mong may dalawang anak kami! Ang kapal ng mukha mo!" Napahawak ako sa necklace ko na binigay ni Gab. Hindi naman ako yung sinasabihan pero bakit parang para sakin yung mga salitang yun?


"Sana kahit sa mga anak na lang namin, naawa ka! Ang kapal ng mukha mo!"


Secret LoveSongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon