Pang-apat

416 5 0
                                    

Pang-apat


Nakangiti ako habang nagbobrowse ng pictures namin ni Gab. I thought mahaba ang one week, hindi rin pala. Gusto ko na ulit bumalik dun. Gusto ko na ulit makasama si Gab. Nawala sa mga pictures ang atensyon ko nung may lumabas na notification sa facebook ko.

"Jean Rose Ignacio posted in your group. Ano na naman kayang pinost ng bruhang to?" Agad kong kinlick ang notification at tumambad sakin ang announcement na magkakaroon kami alumni party. Alumni party ha? Sounds exciting!

~~~

"Bakit ba hindi ka kay Anj nagpasama magshopping? Or kay Jean? Bat sakin? Bakit hindi sa mga tropa mo?" Hindi ko pinapansin si Jimenez sa mga inarte niya at nagpatuloy sa pagtingin tingin sa mga damit. Kailangan ko ng damit para sa alumni party. Balak ko sanang tawagan si Anj, kaso naalala kong di nga pala kami ok. And si JEan, kauuwi lang non. Malamang may jetlag pa yon. At wala akong ibang makasama kaya naman kinontak ko ang isang to. Driver na, julalay pa. Kaso sobrang ingay. Nakakairita. KUng di lang sana busy si Gab. Tss


"For goodness sake Nathalie. Pakinggan mo ko. Kanina pa kaya tayo ikot ng ikot." Pinigilan ko ang tawa ko na kanina pa gustong kumawala. Napakaarteng lalaki talaga. Pasalamat nga siya at naalala ko siyang isama eh. Tss. Palihim kong chineck ang phone ko. 2 days ng walang paramdam si Gab. I missed him! Agad kong pinatay ang phone ko. Baka kung ano na naman ang mapansin ng lokong kasama ko.


"Manahimik ka dyan Jimenez, papakainin kita mamaya." Tiningnan ko ang isang red dress. Ang ganda infairness. Gusto ko yung pagkinang ng mga beads sa bandang leeg at sakto lang ang haba nito.


"No need miss. Kaya kong bilhan ng pagkain ang sarili ko." I just rolled my eyes dahil sa kayabangan ng isang to. Kinuha ko na yung dress at pumasok sa dressing room.


"Argh Nathalie! Sana last na pasok mo na yan sa dressing room!" Natawa na lang ako sa inarte ni Elijah. Napakachildish.


Agad kong sinukat yung dress na nakuha ko. Masyado nitong nadefine yung curve ng body ko. Plus yung beads! Ang kinang! Napabuntong-hininga ako habang tinitingnan ang reflection ko sa salamin. Ok. I'm satisfied naman. Ano kayang masasabi ng mokong na yun dito?


"Tingin mo?" Lumabas ako na suot yung dress. Ang fit pala niya. Pero keri lang naman. Umikot ako sa harap ni Elijah. At ang loko nakatulala lang. Problema nito?


"Saang planeta ka na nakarating Ej?" Nagsnap ako sa harap niya. Problema nito? Kanina pa siya umaaktong weird. Konti na lang papadala ko na to sa ospital ng kapatid ko eh.


"Ah? Gutom na ko. Ok na yan! Magbihis ka na. Gutom na talaga ako." Nagulat ako dahil biglang nagwalk-out ang loko. Problema talaga ng isang yon? Kainis ha.

~~~

'Nasan ka na ba ate girl? Hindi mo na ko nga ako sinalubong nung pagdating ko ng Pinas, late ka pa ngayon? Really?'


Naparoll eyes na lang ako. Nasa kabilang linya si Jean at kanina pa niya ko kinukulit na pumunta. Actually, gusto ko na talagang di umattend sa alumni party na to. Ilang araw kaming walang contact ni Gab at sure ako na makikita ko siya dito. Kinakabahan ako sa magiging reaksyon ko once na makita ko siya. Miss na miss ko na siya at the same time ay naiinis ako sa kanya. Hindi ko alam kung anong problema at hirap na hirap siyang kontakin ako. Tss


'Earth to Nathalie! Nasan ka na ba?'


Napabuntong-hininga ako. Ang kulit talaga.


"Eto na. Papasok na po." Bahala na. Sana lang mapigilan ko ang sarili ko na mayakap si Gab mamaya.


Pagpasok ko, sinalubong agad ako ng photographers. Infairness sa red carpet at makinang na paligid. Jean's ideas! After ng ilang shot, umalis na ko para hanapin ang table ng mga kaibigan ko.


"Nath! Here!" Napatingin ako sa bandang kaliwa and I saw my friends there. Including Anj. Galit pa din kaya siya sakin? Agad akong lumapit at niyakap si Jean.


"I miss you!" Sabay yakap ko ng mahigpit sa kanya. Higit isang taon din siyang nagpaikot-ikot kung saan mang lumapalop ng mundo.


"Miss you, too. Kala ko di ka na aattend!" Agad siyang kumalas sakin at lumapit din yung iba naming friends at batchmate para makipagbeso. Kwento dito, kwento doon. Catch up dito, catch up doon. Eto lang ata ang gusto kong part ng mga ganitong party. Kilala din namin yung ibang batch na nasa kalapit na table namin. I even saw Celine's brother! Schoolmate nga pala namin ang mga Martin. Dapat ba kong kabahan? Celine will be here any minute now!


"Oh look girls!" Natigil ako sa pag-iisip dahil sa biglang pagsigaw ni Jean at pagturo sa red carpet.


"Elijah 'the playboy' Jimenez and Gabriel 'prettyboy' Antonio." Hindi ko pinansin ang sinabi ni Jean at diretsong tumingin sa nakatitig din na si Gab. I missed him! really! Can I hug him? Can I?


"Grabe Nathalie! Ang gwapo talaga ng boyfriend mo!" Napatingin ako kay Jean dahil sa sinabi niya. Anong boyfriend? Napatingin din ako kay Anj na agad nag-iwas ng tingin. Agad akong kinabahan. Napatingin ako kay Gab at nakita kong nakahawak na si Celine sa braso niya.


"Oh wait! I thought nagkablikan kayo? Bat nakakapit yung babaeng yun sa braso ng boyfriend mo Nathalie?!" Napalunok ako dahil sa sinabi ni Jean. Agad akong napatingin sa paligid ko and I saw confusion sa mga taong nakapaligid at nakarinig sa sinabi niya. Ofcourse she did'nt know. Ofcourse. Argh


Napatingin ako sa table kung nasan yung kuya ni Celine at nanlaki ang mata ko ng nakitang madilim ang tingin nito sakin. Napatingin din ako sa walang kamalay-malay na sina ELijah na papalapit sa table namin.


"Di naman ako nagkakamali diba? Kayo ni Gab yung nakita ko sa Singapore a few weeks ago?" Napahawak ako sa bibig ko sa gulat. May nakakita! Ano na Nathalie! May nakakita!


"Totoo ba yun Nath?"

"Diba asawa ni Gab si Celine?"

"Bat kayo magkasama ni Gab?"

"Kabit ka ni Gab, Nath?"

Agad tumulo ang luhang God kows kung kailan ko pa pinipigilan.


"Anong nangyayari dito?" Rinig ko ang boses ni Elijah. Agad akong napatingin sa kanya. No. Agad akong lumingon sa likod niya para hanapin si Gab pero ang nakita ko ay ang nakabulagtang si Gab sa sahig habang pigil-pigil ni Celine ang kuya niya. Putok ang labi ni Gab at umiiyak si Celine. They know. Alam na nila lahat.


"Infairness sa kabit mo Antonio, may class!" Rinig kong sigaw ng kuya ni Celine. Napailing ako. No. This is not happening.


"Nathalie." Sinubukan akong hawakan nila Anj at Jean pero tinabig ko ang kamay nila. I can't take it. I just can't. Agad akong tumakbo palabas. Kailan ba matatapos to? Kung hindi ako nagtatago, tumatakbo. Ganito ba talaga magmahal? Nakakapagod.

Secret LoveSongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon