Pangatlo

335 5 0
                                    


Ibinaba ko ang luggage ko sa room ni Gab. After ng 2 days seminar niya ay umuwi na ang mga kasosyo nila sa Pilipinas. Leaving him alone kaya naman pinalipat na niya ako sa hotel na tinutuluyan niya. Agad nakuha ng mga ilaw sa labas ng bintana ang atensyon ko. Agad akong tumakbo dun at namangha. Ang ganda. Kung namamangha na ako sa city lights sa Manila, mas nakakamangha ang city lights dito! Maya-maya ay naramdaman kong niyakap ako ni Gab mula sa likod.


"Sabi na magugustuhan mo to." Narinig ko ang halakhak niya. Napangiti ako habang hinahawakan ang mga braso niyang nakayakap sakin.


"Ang ganda." Ibinaon niya ang mukha niya sa leeg ko. Napapikit ako. Hindi matatawaran ng kahit anong bagay ang sandaling ganito.


"Teka nga, 2 days lang pala ang seminar mo. Di kaya magtaka yung mga iniwan mo sa Manila?" Humarap ako sa kanya.


"Sinabi ko na may seminar ako sa iba pang lugar. You know? Wag na lang muna natin silang isipin. Magpahinga ka na dahil maaga tayo bukas." Tama. Wag muna natin sila isipin. Kahit ngayon lang gusto ko munang maging selfish at isipin muna sang sarili ko. Kahit ngayon lang. Nginitian ko siya.


~~~


And true to his words, ginising nga ako ng maaga ng loko. With matching breakfast in bed pa. Napangiti ako.


"Good morning beautiful." Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang pagngiti habang tinitingnan siya na hawak ang tray na may isang tangkay ng rose. Ang sarap pala gumising pag ang unang makikita mong mukha sa umaga ay ang mukha ng mahal mo. 


"For you." Tinanggap ko ang bulaklak na binigay niya tsaka inamoy to. Napapikit ako dahil sa mabangong amoy ng rose. At napangiti ako ng maramdaman kong dumampi ang labi niya sa noo ko.


"Kumain ka na. Marami tayong pupuntahan." Nginitian ko siya at masiglang nilantakan ang pagkaing hinanda niya.


~~~


Magkahawak-kamay kaming lumakad sa streets ng Singapore. Magkahawak-kamay. Yung tipong di kami takot kung may makakita. Yung malaya kami. Yung naeexpress namin ang nararamdaman namin sa isa't-isa. Ang sarap pala sa pakiramdam. Napangiti ako nung nakita ko ang magkahawak na kamay namin. Akala ko di na muling mangyayari ang bagay na to. Sa loob ng dalawang taon, panay ang tago naming dalawa. Kaya nakakapanibago ang mga ganitong pangyayari. 


"Saan mo gustong pumunta?" Napatingin ako sa kanya. Di ako magsasawang tingnan ang mukha niya.


"Kahit saan."


Una naming pinuntahan yung gardens by the bay. Panay ang picture naming dalawa. Ang gaganda nung mga malalaking structure na parang puno. Pinuntahan namin lahat ng garden na connected dun. Napakamagical ng lugar na to! Bakit walang ganito sa Pilipinas? Di nakakasawang tingnan!


Sunod na pinuntahan namin ay yung Singapore Botanic Garden. Ang sarap sa pakiramdam ng peaceful na awra nito. Eto yung lugar na dapat mong puntahan pag kailangan mong mag-isip. Nakakarelax.

Secret LoveSongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon