Epilogue

94 2 0
                                    

Epilogue


"Ok ka lang ba talaga diyan?" Nginitian ko si Anj at Jean na nasa screen. They look so worried. Ang tagal na din ng huli naming pag-uusap. Ngayon na lang ulit naulit. Kung tinanong nila ako niyan nung nakaraang taon, malamang, umiyak na ako sa harap nila. Pero maraming nangyari sa loob isang taon. I smiled.

"Okay na okay ako dito. Ano ba naman kayo?" Humalakhak ako. Pinakita ko sa kanila yung view ko ngayon. Mula dito sa tinutuluyan ko ay kitang-kita ang Eiffel Tower.

"Sige mang-inggit ka. Ikaw na nasa Paris." Natawa ako sa sinabi ni Anj.

"Bat kase ayaw niyo kong bisitahin dito?" It's been a year. Isang taon na simula nung binitawan ako ni Gab. Right after namin mag-usap, nagbook agad ako ng flight. Gusto kong lumayo sa lahat ng pwedeng makapag-paalala sakin sa kanya. Pero di ko alam kung saan pupunta nung una. Tiningnan ko ang list ng available flights at una kong nakita ang Paris.

Ginugol ko ang mga naunang buwan sa trabaho. May ipon ako pero alam kong di magtatagal at mauubos din yon. Sa hotel palang at food. Nagtrabaho ako sa isang engineering firm hanggang sa maka-afford na ko ng sarili kong lugar. Ginawa ko ang lahat maging abala lang at pansamantalang makalimutan lahat ng problema.

"Bat kaya di ikaw ang umuwi? Isang taon na naman ang nakalipas Nath." Napangiti ako sa sinabi ni Jean. Yes isang taon na. At masasabi kong okay na ko pagkatapos ng isang taon.

"I'll try na umuwi. Pero sa ngayon, di pa ko makakapag-promise."

That day pinili akong bitawan ni Gab. Gusto kong magalit sa kanya. Gusto kong isumbat sa kanya lahat. Pero bulag na bulag talaga ata ako sa kanya. Kase kahit sobrang sakit sakin, naiintindihan ko yung desisyon niya. I clearly remember yung sinabi niya na ayaw niyang lumaking walang tatay ang mga bata. At naiintidihan ko yun.

Mahirap tanggapin sa una. Na mahal niya ko pero iba ang pinili niya. Pero nung ginawa niya yung desisyon na yun, gumaan ang pakiramdam ko. Parang may nakadagan sakin na biglang nawala. Masakit pero ang free ng pakiramdam ko. 

Sa loob ng isang taon, panay trabaho ang inatupag ko. Sinigurado ko na mawawala sa isip ko si Gab at ang lahat ng nangyari. Sabi nila, may Robin na darating sa buhay natin. Robin na kahit gano pa kayo ipaglayo, gano man karami ang makilala mo, di mo maicocompare ang nararamdaman mo sa Robin na yun. And Gab is my robin. He is my greatest lesson. Wala ako sa kung nasan man ako ngayon, kung di dahil sa kanya. Napangiti ako sa mga batang naglalaro ng bubbles. Sa sobrang busy ko sa pagmomove-on, ngayon ko palang talaga naeenjoy ang Paris.

Ngayon alam ko na bakit ang daming nangangarap makapunta dito. Everything is magestic. Nagsusumigaw ng love ang buong paligid. Nakakagaan ng pakiramdam. Kumuha ako ng maraming pictures ng mga scenery na madadaanan ko. Pang-inggit kina Jean at Anj. Napangiti ako sa huling shot na nakuha ko. Binaba ko ang camera at tinitigan ang sunset. Nasa ganon akong ayos ng bigla may nakabangga sakin. Dahilan para mahulog ang mga gamit ko.

"Hala sorry miss." Napatitig ako sa camera ko na bumagsak. Agad ko yung kinuha at tiningnan kung nagana pa. Yung mga pictures! 

"Sorry Miss. I didn't noti-" Napatigil siya nung tiningnan ko siya ng masama. Napatigil din ako.

"Nathalie?" Napangiti ako sa lalaking nasa harap ko ngayon.

"Nathalie Castillo?" I laughed. De javu.

"Jimenez." Nginitian ko siya. At ganon din siya sakin. Elijah 'the playboy' Jimenez is right in front of me. For a minute, naramdaman kong huminto na naman ang mundo ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 15, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Secret LoveSongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon