Pangalawa

472 7 5
                                    


"Matalino ka Nathalie. Alam kong alam mo ang tama at mali." Napalunok ako dahil sa sinabi niya. I don't know kung may alam siya pero sa sinabi niya ay alam kong may napansin siya kanina.


"Don't worry Ej. I can handle myself." Tuluyan na kong lumabas ng sasakyan at umakyat sa condo ko. Natawa ako sa sarili ko ng maalala ko ang sinabi ni Elijah. Para ko na ring kinonfirm yung sinabi niya but I don't care. Matalino nga siguro ako sa acads. Pero di kasi acads ang pag-ibig. At bobo ako pagdating sa bagay na ito. Sobrang bobo.


Tumunog ang elevator hudyat na nasa tamang floor na ko. Pumunta na ko sa condo ko. Isasara ko na sana ang pinto ng may biglang humarang dito.


"G..Gab." Napalunok ako ng makita ko ang madilim niyang expression. Dire-diretso siyang pumasok sa loob ng condo. Wala akong nagawa kundi ang sundan siya. Now what?


"Gab-" Di pa ko natatapos ay bigla niya akong isinandal sa pader. Nasaktan ako pero mas lamang sakin ang pagkagulat. Nakahawak ang dalawang kamay niya sa magkabilang balikat ko. Nakayuko siya kaya di ko makita ang mukha niya.


"Gab!" Nasigawan ko siya sa pagkabigla. Ano siya pa ang galit? Siya pa talaga? Hindi ba dapat ako ang nagagalit sa sobrang selos? Hindi ba dapat ako ang nagagalit sa sobrang inggit? Hindi ba dapat ako? Maya-maya ay itinaas nya ang mukha niya. Agad lumambot ang puso ko ng makita ang luhaan niyang mukha.


"Gab." Ayokong nakikita siyang umiiyak. Nasasaktan ako everytime na may lumalabas na luha sa mga mata niya. Naiiyak ako kasi tuwing umiiyak siya ramdam ko ang pagmamahal niya na dati'y ipinagsisigawan niya ngunit ngayon ay idinadaan na lang niya sa iyak. Pinunasan ko ang mga luha niya.


"Ayokong may ibang lalaki kang nakakasama. " rinig ko kaagad ang pagpuyok ng boses niya. 


"Ayokong may ibang humahawak sayo. Ayokong may ibang nagpapasaya sayo. Damn! Di mo alam kung gaano ko gusto manapak kanina! Kahit bestfriend ko pa yon! Naiinis ako." Napalunok ako sa sinabi niya. Agad kong iniwas ang tingin ko dahil sa pait ng nararamdaman ko. Hinwakan niya ang baba ko at pilit na pinatingin sa kanya. Agad kong sinuntok ang dibdib niya.


"Paano yun, Gab? Ayoko ding may kasama ka! Naiinggit ako pag magkasama kayo! Ako! Ako dapat yung kasama mong palagi. Ako dapat. Gusto kong ako lang din ang nagpapasaya sayo. Gusto ko ako lang. Gusto ko ako yung inuuwian mo. Gusto ko ako yung naghihintay sa pag-uwi mo. Gusto ko..gusto ko.." Naiyak na ko dahil sa sinabi ko. Ang imposible na naman ng hinihingi ko. Nakakapanghina. Hinawakan niya ang mga kamay ko bago ako niyakap ng mahigpit. Wala na kong nagawa kundi ang umiyak sa balikat niya. Bakit ba nasa ganito kaming sitwasyon? Bakit kami pa ang napaglaruan ng tadhana?


"Alam ko. Kung may magagawa lang ako para mabago ang sitwasyon, gagawin ko. Gagawin ko makasama ka lang. Dahil yun din ang gusto ko. Ang makasama ka. And believe me, sayo ako.  Sayo ako ng buo. Kasama ko man sila buong araw, sayo ko pa rin gustong umuwi. You're my home baby. Shhh. Stop crying. I'm sorry." Isinandal niya ang noo niya sa noo ko. Napapikit ako. Kung may magagawa lang. Kaso ano nga bang magagawa namin? Ano nga ba? Niyakap niya ako ng sobrang higpit. Eto yun. Eto yung sinasabi kong nakaw na sandali. Ipagpapalit ko kahit ano para lang dito.


Maya-maya ay humiwalay sya sakin. Pinunasan niya ang mga luhang ayaw tumigil sa kakaagos.


Secret LoveSongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon