[HMT 5: Practice]
I gulped at the screen while hearing the beat and voices surrounding my earphones.
"Oh siya si IU, yung kanina si Ailee isa sila sa mga solo artists sa magka-ibang kumpanya." tumango nalang ako kay Liana. Habang nakatingin sa screen nang laptop, di ko maiwasang ma-inspire at the same time ma-pressure , limang araw nalang ang natitira bago ang audition at baka mamaya o bukas kumuha na ako nang form.
Pero ang nakakatawa? Wala pa akong napipiling kanta. Naramdaman ko ang tinging nakakaasiwa ni Liana kaya tinignan ko siya at tinaasan nang kilay.
"Wala ka pang napipipiling kanta no?" gosh this girl knows me more than i do.
"Wala pa." tipid na sagot ko. Napabuntong hininga siya at nagpaalam na aalis muna siya dahil pinapatawag na siya nang magulang niya--- di ko maiwasang mabahala dahil nakakahiya din kahit papano dahil makikitira na nga lang ako, sa kaibigan ko pa at bonus sa hotel pa, alam kong dapat magpasalamat ako pero diba? Nakakahiya.
Napadako ang paningin ko sa puting box na puno nang usb. Sabi ni Liana panuorin ko daw 'to isa isa para makapili at makilala ko ang ibang mga artists-- mga artists na kilala ko lang kasi eh yung galing nang YG, SM, at JYP.
Pinagpatuloy ko na ang paghahanap nang usb, may naka-print naman kase na pangalan eh..hanggang sa may isang pangalan nang grupo na nakaagaw pansin sa paningin ko.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
방탄소년단Isinalpak ko yung usb sa laptop at inantay na mag-load.
Pinili ko ang Fun Boys at inantay yun na mag-play.
*ja wasseo a heungtansonyeondan
wasseo wasseo a heungtansonyeondan
ja wasseo a heungtansonyeondan
heung (heung) tan (tan) heung (heung) tan (tan)
nado nal jal molla....MEDYO napasabay ako sa beat at nadala sa lively but crazy ass reality beat and lyrics. Eto ang isa sa mga dahilan kung bakit ko gusto maging idol-- tagahanga ako nang music sa kahit anong porma.
Inantay kong matapos ang kanta pero napailing ako, hindi ito ang kanta na dapat i-audition ko.
Ah idodownload ko nalang tong kanta sa cellp-- aish wala na nga pala akong cellphone, asa naman akong makikita ko pa iyon pero pasalamat narin kay Liana pinablock ko ang kung sino man ang tatawag saken mula Pinas.
In-exit ko ang music player at bumalik sa folder, What a cool name for a group."Bangtan Sonyeodan." nakangiting basa ko pero napailing ako agad-- eh ano naman ngayon kung maganda kanta nila? Aish dapat mag-focus muna ako sa pagpipili nang kanta at pagpapractice.
Lalabas nalang uli ako, kesa sa mag mukmok ako dito at walang magawa.
I packed Liana's laptop inside my bagpack with my other needs and rusged outside after i locked my hotel room. Saan naman kaya ako pupunta? Ang alam ko lang naman puntahan dito sa Seoul ay ang Big Hit, yung park duon-- di rin naman ako pwede pumunta nang YG masyadong malayo at isa pa sa Big Hit ako.
Pagkababa ko nang bus naghanap ako agad nang isang bench na mauupuan, luckily may nahanap ako sa ilalim nang puno pero bago pa man ako makalapit o maka-upo man lang may isang lalaking nak-cap na naunang umupo ruon AND UNFORTUNATELY tingin ko kilala ko kung sino iyon. Talaga bang sinasadya niyang sirain lagi ang araw ko?!
BINABASA MO ANG
Hold Me Tight || V ff
Fanfic"Can you trust me?" -Kim Taehyung. ugotnoswaeg's BANGTAN series no. 1 ♡ 》bc by: jiscrew ♡《