The best way to a dad's heart is through his stomach
Dumating yung araw na kailangan ko nang ipakilala ang sarili ko sa parents niya. God!! Kabadong kabado ako, pinagpapawisan ng malamig at nanginginig ang tuhod ko. Only child lang kasi si girlfriend at super conservative ng parents niya esp her dad na kahit 24 y/o na si girlfriend e may curfew and daily report parin kung saan siya pumupunta.
For that day, talagang nag prepare ako. Physically, emotionally and mentally prepared. Natatakot talaga ako sa dad niya na retired army. Feeling ko isa-salvage ako. Bago pumasok ng pinto nila talagang nag sign of the cross pa ako.
GF: ""Mom, Dad, si Chino po boyfriend ko.""
Ang sama ng tingin sakin ng dad niya. Parang gusto ko talagang maihi sa salawal sa kaba. Sorry ang lame ko! First time ko kasi mag pakilala sa parents. NGSB kasi ako before. Motto ko kasi yung aral muna bago landi. Haha. So yun na nga. Yung dad niya parang chino-chopchop na ako sa isip niya. Talagang tingin palang manginginig kana. Nanlilisik yung mata eh tapos salubong na yung kilay. Naramdaman na ng lahat na parang tumataas na ang tensyon between me and his dad. Yung mom niya naman mabait. Approachable.
Mom ni GF: So you're chino? Where do you live? Are you currently working?
(Tapos yung dad tahimik na nakatitig sakin na parang asong mananakmal)
Me: *stutters* Uhm, uhm.. Opo tita. Chef po ako sa isang resto sa Makati. Uhm.. Graduate po ako ng HRM sa FEU po at taga QC po ako.
Dad ni GF: ""Girlfriend mo na ang anak ko?""
Me: *nanlaki ang mata* umm. opo sir. *sabay yuko*
Dad ni GF: Bakit hindi ko man lang nakita yang pag mumukha mo sa pamamahay ko noong nanligaw ka?
Me: ummm..
(Sumabat si GF)
GF: Dad naman!
Mom ni GF: Daddy!! (nag make face para pakalmahin yung dad ni gf)
GUSTO KO NG MAGPAKAIN SA LUPA!!! GRABE YUNG PAWIS KO KAHIT HINDI NAMAN MAINIT.
GF: Mommy mag luluto si Chino ng dinner natin today. Samahan ko na po sa kusina.
Tapos parang ayokong dumaan sa harapan ng dad niya baka bigla akong sapakin. Grabe yung kaba ko. Pero luckily hindi naman ako sinapak. Tinititigan lang talaga ako ng masama.
Nag luto ako ng Kare kare na paborito ng dad niya at pinakbet para sa mommy niya. Talagang pinasarap ko ng todo yun with love.
Then nung nakahain na at nasa hapagkainan na kami.
Yung dad niya tinikman yung kare kare. Marya santisima!! Para akong nasa cooking contest na siya ang hurado! Talagang may slow motion at sound effect pa sa isip ko habang nginunguya niya yung luto ko. Tug dug tug dug tug dug!
Tapos biglang ngumiti at sinabing...
"SARAP AH!"
Me: *kilig* Thank you po ser.
Dad niya: "SA BIRTHDAY KO IKAW ANG MAGLULUTO NG PULUTAN HA."
Tapos nag tawanan lahat.
Dad niya: "Wag mo na rin ako tawaging sir, tito nalang o daddy. Basta wag mong lolokohin anak ko kung ayaw mong ikaw ang gawin kong kare kare."
----
At yun.. Dun nag simula ang vibes namin ng dad ni gf.
Thank God I'm a chef! Whooooot!
PS: Oh sa mga kapwa HRM at Culinary dyan, may tip na kayo para sa dad ng mga gf nyo. Ipagluto ng masarap with love.
chef chino
2009
Institute of Tourism and Hotel Management (ITHM)
FEU Manila