My impulsive boyfriend
Nung una kaming nagkakilala okay naman siya. Okay naman yung attitude niya. Sweet and caring. Pero habang tumatagal lumalabas na yung tunay niyang kulay. Mahilig siyang manigaw kapag naiinis. Kahit maliliit na bagay pinagiinitan niya na ng ulo. Kaya nga madalas siyang napapa away kung kani-kanino eh. Pero kahit ganun siya hindi ko naisipang gumive-up. Ika nga nila, love you partner at his worst, love his flaws, love him for being him. Years have passed. Lalong lumalala. Kung dati kapag nag aargue kami sinisigawan niya lang ako pero ngayon, minumura niya na ako. Ang sakit sakit niyang mag salita. Mga salitang hindi kayang marinig ng isang babae. "Pokpok" "malandi" "puta ka" "mamatay kana." Madalas naiiyak nalang ako eh. Iniisip kong sana matapos nalang yung away kasi nagkakaganun lang naman siya kapag galit siya.
Hihingi siya ng tawad kapag kalmado na siya. Hihingi siya ng tawad sa mga salitang nasabi niya na at naka sakit na. Pero tinatanggap ko. Limang taon na kami. Limang taon ko siyang tiniis kasi mahal ko siya. Tiniis ko yung imperfections niya at ang pagiging impulsive at short-tempered niya. Pero nito lang habang nasa kotse kami at na-stuck sa traffic. Inis na inis nanaman siya. Inaatake nanaman. Nag simula ng mag mumura at bumusina. Sinusubukan kong libangin siya. Kinukwentuhan ko siya. Tapos nag tanong lang ako kung bakit late siyang nakauwi kagabi bigla nalang akong sinuntok sa bibig. Naka brace ako. Nalagas ang tatlong ngipin ko at walang tigil ang dugo sa bibig ko. Iyak ako ng iyak nun tapos sorry siya ng sorry. Bumaba ako ng sasakyan at nakipag break na ako sa kanya. Pumunta ako ng mag isa sa ospital at pinagamot ang bibig ko.
Iniwan ko siya kahit masakit sakin. Mahal ko siya eh. Pero natatakot ako na baka hindi lang suntok ang gawin niya kapag kasal na kami.
Inadvicean ko siyang mag patingin muna sa Psychologist at mag pagaling, kapag okay na siya baka balikan ko pa siya. Pumayag naman siya dahil ayaw niya rin akong mawala. Okay naman siya eh. Kaso yung ugali niya lang talaga kapag galit, nakakatakot. Parang sinasaniban dahil nagiging demonyo ang ugali.
frown emoticon
2010
Other
FEU NRMF